Biyernes, Disyembre 28, 2007

nakasusulasok na araw ni mar...

Sinubukan kong panoorin yong POSO na maugong pinag-uusapan ng barkada ko kagabi. Actually may idea na ako pero tamad lang ako i-search sa youtube. With all my shits... ganoon pala ang video na yon. It is so barbaric. Marami pang videos pero hindi ko nakayanang panooring ang ganoong uri ng video. Brutal na patayan.

Actually kagagaling ko lang sa ibang netshop para ipatingin yong SONY PSP ng pinsan ko. May kelangan pa daw ayusin para gumana yong ilang features. Kasama ko si Jm, naglibot kami, naglakad din ng ilang metrong lakaran. Pero unfotunately wala kaming nakitang nag-ooffer ng ganoong service. (HACKING or SETTING).

Bumili ako ng maiinom namin na ice buko. Juice Ko! hindi malamig ang lako ni manang pero sumapat na yon para sa dalawang lalamunang uhaw. Okey na rin besides may ubo pa ako kaya do muna ako iinom ng malalamig. (ayun ka JM).

Naghiwalay kami ng landas, umuwi na rin sya. Atsaka hindi ata maganda ang mood ni Kuya, may tantrums na naman. Kunot ang noo at mukhang inis. I asked him kung okey lang sya sabi nya okey lang naman daw sya. Edi okey! no problemo! pero ang ikinaaalala ko lang baka namam mag-isip ng kung anu-ano tong taong to.

Sa katunayan nagtatampo ako sa kanya, mula kasi noong pumunta kami ng tarlac para sa NBI parati na lang syang iritado (as usual). Kagabi kasi nag-inuman kami ng barkada, pauwi na ako kahapon nang makasalubong ko yong Van ng friend ko. May "lakad" daw. Hindi pa ako nakapagpalam sa bahay pero sumakay na ako, bahala na. Nang oras na yon nagtetext na yong kapatid ko kung saan na daw ako. Medyo gabi na rin kasi noong umuwi ako(galing sa netshop).Nakakapagtampo lang sya kasi minsan hindi ko masakyan yong moods nya. Kumbaga e unstable. Pero okey lang, naiintindihan ko pa naman. Yun nga lang may mga ilang payo para sa sarili nya na hindi naman nya nasusunod. (Kumain sa tamang oras, maligo, magpahinga, wag masyadong magnet kasi nakaksira ng mata at bulsa).

Gutom na ako habang ginagawa ko ang blog entry na 'to. Hindi ko alam kung deretso na ako sa bahay o pupunta muna sa bahay ng isang kaibigan. (biglang tumabi si ate, yong may ari nitong netshop tinatanong kung script daw ginagawa ko. Sabi ko "blog po". )

Hindi ko alam kung magiging active ako dito sa blogspot kasi starting january next year eh may work na ako.
Sana...Sana...Sana...

Huwebes, Disyembre 27, 2007

sulat para kay mar...

Bata ka pa noon pero mahilig ka ng magbutingting ng kung anu-ano. Ang kulit mo nga eh. Halos hindi masuway ng iyong inang. Naalala mo yong nalunod ka? Andun ako, paslit ka pa nga kaya hindi mo alam na nagsisigaw di ako sa takot na maianod kang tuluyan. Pero maswerte ka dahil nakita ka agad ng iyong tita para iligtas ka. Pinalo ka noon ng tatay dahil sa iyong kakulitan, nalungkot ako dahil hindi mo naman talaga ginustong pumunta sa bahaging malalim, tanging gusto mo lang noon ay para makuha yong t-shirt na naanod.

Grade 1.Second honors ka, tuwang tuwa magulang mo noon. Syempre pati ako dahil bestfriend mo ako . Hindi mo pansin pero nasa bahaging likuran ako noon ng maraming tao, tanaw ka.Masaya. Proud.

Naalala mo yong binato ka ng bato ng isang kaklase mo? kulang na lang idemanda ng yong mama. Astig ka tin nun ha kasi kamag-anak nyo yong principal kahit alam mo sa sarili mo na may kasalanan ka din. Di ba ikaw pa nga yong nagtawag sa bumato sa kanya ( Diosdado ata ang pangalan nun eh) na "baluga" sya dahil mukha syang Aeta. Pero sa totoo naman talaga, eh aeta sya.

Grade 2. Fourt honors ka na lang, isinumbong mo yun sa mama mo dahil may "favoritism" na nangyari. Umiyak ka pa nga pauwi noon eh. Pero kasama mo ako, hinahabol kita pero dahil paslit ka pa lang mabilis ka pang tumakbo di tulad ko.

Grade 6. Natuto mo akong kilalalanin, mula noon "close" na tayo. Araw-araw mo akong kinakausap, pinapangiti dahil sa maliliit mong kalokohan. Di ba sabi mo noon may crush ka klase nyo? Natuwa talaga ako dahil sa wakas ang isang patpating paslit may crush ka na rin sa wakas. Pero nasaktan ka noon ng sabihin ng crush mo na hindi ka nya mahal. Engot pala sya eh, hindi mo naman talaga sya mahal. "crush" lang naman.

High School. Thirteen Years old ka noon. Yon yong simula na makaligtaan mo na ako. Dati kasi gabi-gabi mo ako kausap, pinapakinggan mga batang-reklamo mo. Na kesyo palagi kang inuutusan. Ha-Ha-Ha naalala mo yong minsang nagdabog ka, binagsak mo yong ash tray tapos di inaasahang tumalbog at dumiretso sa paa mo. OUCH!!!. Sa edad mong 13, maraming nagbago sa iyo. Boses. Pagdadamit. May bago ka na ring Crushes. At mga kaibigan. Astig ka noon dahil friends mo mga "elits" sa klase nyo. Belong ka ika nga. Pero dahil dito nakalimutan mo na rin ako bilang isang kaibigan. Nakakalungkot lang dahil para nanlamig ka sa ating samahan. Di kita masisi dahil bumaling ang iyong atensyon sa iyong kaibigan.

Graduation mo ng high school. May speech kang babasahin. Astig dahil sa iyong angking katalinuhan Mar. Sumasali ka rin kasi noon sa mga paligsahan sa pagsusulat hindi ka man nanalo pero doon nahasa ang iyong talento sa pagsusulat. Proud talaga ako sa 'yo noon Mar. Kaya mong makipagsabayan sa kanila kahit pajamming lang ang iyong taktika, nakakaperpek ka ng mga tests lalo na sa science. (sablay ka nga lang sa math dahil yon ay ayaw mo). Habang binabasa mo noon yong speech mo, nakaramdam ako ng kakaibang lamig dahil satuwa na rin siguro at galak. Astig ka kasi, nasungkit mo yong "journalism of the year" na award, kahit hindi ka man kasali sa honor roll atleast napatunayan mo sa sarili mo na kayang mong makipagsabayan sa kanila.

College ka na noon pero biglang bumalik ang 'nanlamig' na samahan natin dahil may mga kaibigan ka ng "mabubuti". Pero taglay mo pa rin ang pagiging maloko Mar, kasi naman kung makapanlait kayo ni julieann tagus-sa-buto. Katulad ng "wow!!! ang ganda ng nail polish nya. Im sure may Memorial ng paglilibingan sa patay nyang kuko. Nail polish na lang ang tumatakip" tapos sabay kayong tatawa, sasabat naman 'tong si bruhang julieann "josko! eh sa impyerno hindi yan tatanggapin!".Ganun ang mga patutsada nyo pag kayo na ng barkada nyo magkakasama. Akala nyo eh mga Diyos at Diyosa kayo sa kaguwapuhan at kagandahan. Pero bumilib ako sa 'yo noon mar noong naging working student ka. Nagtatrabaho ka mula 5 o'clock ng hapon hanggan 11 o' clock ng gabi para lang may magamit kang pera para sa sarili mo. Proud din akong naging scholar ka at konti lang binabayaran ng parents mo para sa tuition mo at working student ka pa. Pero dumating yong point na nagkaroon ka na ng bagsak, hindi ka na kasi nakakapagreview para sa morning subject mo lalo na yong major mo. Pero kampante ka lang noon dahil lahat naman kayo ng ka-major mo eh lagpakers din. Naging kampante ka ngunit pinanghinaan ng loob. Dumating yong point na umiiyak ka noon dahil sa nalagpak mong exam. Sayang...Science pa naman.Di ba paborito mo yun? Pero pagdating ata sa mechanics eh hindi mo na type pag-aralan mga vector quantity, speed, length at kung anong anik-anik pa yan. In short nagsawa ka!

Naalala ko noon, mag-isa kang nasa boarding house mo, umiiyak dahil hindi mo alam kung ano uunahin mo kung yong letseng pag aaral mo o yong trabaho mo na nageexpect yong managers sa yo. Nahirapan kang nagdesisyon kaya nag-bahala ka na.

Infairness,marami ang natutuwa sa iyo. Bibo ka kasing bata lalo na pagdating sa recitation. Astig kang sumagot, may punto at may laman. Type mo yong gisahin yong reporter sa harapan habang sya naman ay takot sa mga "pop-up questions mo". Naalala mo yong muntikan ka ng murahin ni Raymond dahil sa tanong mo noon na mukha namang irrelevant sa topic. ha-ha-ha...bibong bata dahil napatumba mo yong "pinakamagaling" klase nyo. Sumuko. Pero sa huli humingi ka pa rin ng tawad. Doon ang naantig sa iyo, marunong kang magpakumbaba. Astig ka talaga Mar. Napasok ka noon sa student publications nyo. Wew! astig ka rin bumanat dahil nailalabas mo yong sentimyento mo.

Tanda mo pa yong naadik ka sa blog? At doon mo rin nakilala yong unang taong nagpaiyak sa iyo ng todo dahil sa lintik na pag-ibig yan kamo. Nagtagal din kayo ng halos siyam na buwan, pero biglang umiba takbo ng sinasabing mong "mundo". Hindi pala sa lahat ng oras eh takatuon lang ang atensyon mo sa sinasabi mong "mundo". Duh, wag ka nang magmaang-maangan pa. Di ba sabi mo mundo mo sya? Pero sabi ko nga Life has to change for it has to. Sa kanya ka umiyak ng todo. Di ko masabing karma pero parang ganun na rin dahil marami ka na ring pinaiyak di ba? Sana maalala mo pa yong time na iniwan mo gf mo dahil nalaman mong hindi mo pala sya mahal. Marami ka na ring nakarelasyon pero sa kanya ka talaga nasaktan ng todo. Umiiyak ka noon, nagmamakaawa pero hindi nya pinakinggan. Halos kaawa-awa ang iyong lagay noon. kasabay noon ay ang paghahanap mo ng trabaho sa manila. Naging Call Center Agent ka noon sa Ortigas, pero dahil sa kaestupiduhan mo, pinili mong maghanap ulit ng trabaho malapit sa bahay na pinagtutuluyan mo sa ParanaƱque, swerte ka talagang bata dahil ilang araw lang na paghahanap nakakita ka ulit ng trabaho bilang Data Analyst kahit sa lagay mong yan na di graduate kinaya mong makipagsabay sa mga degree holder, astig ka talaga!)

Nagbreak kayo sa araw bago ng inyong monthsary. Kawawang bata dahil ginawa mo lahat para sa kanya. Noong panahong yon mag-isa mong hinarap yong sakit, hindi mo ako kinailangan dahil nagtapang-tapangan ka! Umiiyak ka noon ng mag-isa pero di mo lang alam nasa likod mo lang ako umiiyak din dahil nasasaktan ang isang kaibigana malapit sa akin. Kung alam mo lang kung gaano katindi yong emosyon ko para tulungan ka pero hindi mo ako tinawagan para gawin ang bagay na makapagpapabuti sa iyo. Pinili mong mapag-isa at magalit sa lahat ng tao dahil ayaw mong kaawaan ka. Gusto kitang yakapin noon para mapanatag ka pero nagpumiglas ka. Isinumbat mo sa akin lahat, naging sarado ang iyong isipan para intindihin yong mga nangyayari sa iyo. Trabaho, pamilya at maging mga kaibigan---gumugulo din sa iyo noon, nakikisabay sa iyong problemang dinandala.

Sa ngayon, narealized mong may magandang nangyari rin pala sa iyo ang lahat. Ngayong taon lang na 'to akala mo katapusan mo na dahil sa apendecittis nangyari sa iyo.Buti na lang naging matatag ang iyong pananalig kaya nailigtas ka mismo ng lakas nang loob mo. Yun yong natutunan mo sa break-up nyo ni (name withheld). Natuto kang maging mas matapang pa. Astig ka talaga mar.

Ilang months after ng operasyon mo, nakilala mo si (new one). Sya na ngayon yong taong malapit sa iyo at pumalit kay (name withheld). Masaya ka sa piling nya at sya lang yong taong nagpabago sya. Pasalamat ka sa kanya. Pero nakakapagtampo ka Mar, dahil nakaligtaan mong batiin ako noong birthday ko. Hinihintay ko pa naman ang tawag mo. Pero noong mismong araw na yun eh hindi ka tumawag sa akin, hindi kinausap pero alam kong alam mo ang birthday ko. Nagdiwang pa nga kayo di ba? May Christmas party pa nga kayo eh, naghanda rin at nagsalu-salo. Pero after ng araw na yon naalala mo bigla.Ha-ha-ha-! sa wakas naalala mo din, laking tuwa ko noon. Kahit huli na pero naalala mo pa rin, salamat ha.

Kahapon, lumuwang na naman turnilyo mo.Akala mo ba madali lang ang "maglakbay papunta dito?" ulol ka pala eh. Maraming nagtangka kahit hindi pa itinakda pero hindi sila naging successful sa pagtatangkang yon. Nahulog lang sila sa bitag at hindi na nakaalapas pa. Kawawa lang sila. Kaya pag dumating ulit yong mga sandaling yon, lumaban ka. Maging matatag ka at wag kang susuko. Di ba sabi nga ni "new one" marami ang umaasa sa 'yo. Matalino ka, may angking abilidad kaya gamitin mo yon sa mabuting paraan. Huwag kang maging bobo para lang sa mga kapiranggot na pangyayaring sa tingin mo eh hind maganda.

Astig ka Mar! Kaibigan kita, Di ba Bestfriends tayo? Ako yung tutulong sa 'yo. Yong sasama sa iyo sa iyong mahabang paglalakbay sa buhay. Maging matatag ka sana Mar, dahil hatid lang ito ng pagkakataon para mas maging matapang ka pa para sa mga susunod pang hamon ng iyong buhay. Huwag kang maging maramot sa iyong sarili. May karapatan kang masaktan pero wala kang karapatan para unahan ang desisyong yong inilaan Niya. Mar, kaibigan ko. Mahal na mahal kita. Ako pa rin 'to, isang kaibigan, Jesus Christ.

Biyernes, Disyembre 21, 2007

Alamat ng gubat

Isa sa mga paborito kong libro ni Bob Ong ay ang Alamat ng Gubat. Kwento ito ng mga hayop sa gubat na may kaugnayan sa Philippine Society. Kabilang dito ang politika at paraan ng pamumuno ng pamahalaan sa ating bansa dito sa Pilipinas.
kuha ko ito mula sa isang website review:
"Isa sa mga librong tumatawa ka habang binabasa mo. Multitasking ka. Hindi pwedeng hindi tumawa dahil kasama yon. Naging idol ko tuloy si Bob Ong dahil dito. Ang saya ng kwento, o masaya dahil mataas ang common sense ko sa pagbabasa. A must-have book pag malungkot ka, dahil tiyak mag-eenjoy ka sa adventure na walang patutunguhan, kasama ang iba't-ibang hayop sa gubat, na pwede mo ring makita sa bahay at sa school."
Tama nga naman ang sabi ng reviewer. Isa itong librong may binatbat at nagtataglay ng angking katalinuhan. Maganda syang basahin dahil gagana talaga ang iyong kapiranggot na karne na laman ng iyong bungo. Mas gusto ko pang basahin ang ganitong genre maliban sa mga librong SCI-FI. Kung ang trip mo ay tumawa habang natuto at natatauhan (pwera na lang sa mga character kasi hayop sila) dapat magkaroon ka nito.

kwento ng naagnas na...

I was surfing the net and a blog entry of an strange blogger caught my attention though it looks jologs to read, i tried it to read. And as i was reading it some thoughts came into my mind without some mere reasons to think of, i just couldnt imagined how had i relate myself on this kind of "kajologans" but basically it is true...yeah it is!

And the story goes like this:

Nagta-type ako sa keyboard nang mapansin ko na nagsisimula nang mag-peel yung nail polish sa kuko ko. Kaagad akong naglagay ng top coat. Nabasa ko kasi sa Cosmo na iyong top coat, nagpapatagal ng kulay ng nail polish. At nagpe-prevent na mag-chip iyong kuko. Pero noong sumunod na araw, lalong lumala iyong pag-peel ng nail polish. Medyo nalungkot ako. Kasi, wala nang makakapigil pa sa pagkakasira ng kulay ng kuko ko. Pero kung iisipin natin, ang nail polish, parang life lang yan. No matter how hard we try to make it last or stay longer, we couldn't stop the inevitable.
Lahat ng bagay, nag-de- the end. Hindi mo na kayang pigilan ang nakatadhana. May mga relasyon na hindi nagtatagal. May mga pagmamahal na namamatay. Kahit na tambakan mo man ng top coat ang kuko mo, kahit anong ingat mo man, matatanggal at matatanggal pa rin ang nail polish. Kaya burahin mo na lang at ihanda ang mga kuko sa bagong nail polish na i-a-apply mo. Kailangan mo mag-move on. At magsimulang muli. Pero dapat, bago ka mag-apply ng bagong nail polish, siguraduhin mo na wala ng trace ng lumang nail polish. Bago ka pumasok sa panibagong relasyon, dapat, completely over ka na doon sa dati. Para simula ka sa clean slate, di ba?


It makes sense naman di ba?

Martes, Disyembre 18, 2007

the amazing race...

The Amazing Race...


the amazing race...if it werent the influence of my 'friend' john who has been wathcing TAR ever since i wouldnt have the guts to watch the latest season 12. though, i tried to watch one of its seasons way back in my high school days. it nice watching people on race (racers) who really make things up on and off the cam just to win and bring home the bacon (1 million dolars). they will compete each other. run.talk.talk and talk, and talk. make fuss, complaints. murmur. shout. cry. screw up. happy. sad... that is what amazing race makes up. the joy of being competitive aside from going to other countries to get clues and challenges is really enough for you to win the race. its such a wonderful thing that might be considered as opurtunity to be part of this endearing reality show. i like wathing this program because it makes me realize that life has too much way to win by using your skills and mind. it makes me resemble all the scenarios to real life that everything may happen in just a twirl of snap. just like the amazing race... racers still pursue to finish the race and never quit at all.

Linggo, Disyembre 16, 2007

ako ay lalaban para sa mumunting prinsipyo ng aking buhay...

para sa blog kong ito...
salamat.
para sa aking mga makamundong pag-iisip...
salamat.
para sa aking mumunting isip.
salamat.
para sa aking maliit na karneng bahagi ng aking ulo.
salamat.


Sa mundong ito, maraming pwedeng magbago. Ang pangit napapaganda nang dahil sa Siyensya. Ang dating mabait na tupa anumang oras pwedeng maging isang leong lumalapa at kakalat sa lipunan. Ang dating masayang pamilya pwedeng magkawatak-watak. Ang dating masayang uri ng pamumuhay ay maaaring masadlak sa kalungkutan nang dahil sa pera.

Talagang ganun nga siguro. Hindi maiiawasan ang pagbabago. Pero nang dahil doon, mayroon at mayroon tayong natutunang laan Niya. Maging positivo lang sa pananaw at pananampalataya.

Halos benteng taon na rin pala akong namumuhay sa mundong ito.Humihinga. Kumakain. Pinagsasabihan. Nagtatatrabaho. Tumatawa. Nalulungkot. Nagpapayo. Nagkakaproblema. Pero malakas pa rin ako sa kabila ng lahat.
At higit sa lahat...nagmamahal pa rin ako sa kabila ng mga nakalugmukan kong sawing pag-ibig.

Tama nga siguro Siya. Pinagtitibay nya aking pagkatao para sa mga susunod ko pang laban at hamon sa buhay.

Panginoon ko. Sori po sa aking mga asal na hindi naging mabuti para sa inyong mata.

Katahimikan.

Masaya ako sa kabila ng pagiging loner ko, ang pagiging masaya ay isang kagustuhang nagmumula sa ating sarili at egotismo.

Salamat para sa mga bagay na nagpapatibay sa aking pagkatao.

Sabado, Disyembre 1, 2007

blod runs at wrong vein...

“punyeta!gaano ba kahalaga ang mga yaman mo daddy? Whenever I need you, you were always away, lahat na lang ng inaasikaso mo ay yang business mo. Wala nang iba kundi punyemes na business na yan. Mabuti pa noong nabubuhay pa si mommy ay nabibigyan nya ako ng sapat na atensyon. Hindi tulad nyo! You claimed all the happiness, which should have belonged to me also. What did you do when I had sick? Nothing! Purely nothing you were such stone-hearted at all!” Bigla akong napagulantang nang maalala ko muli ang sinabi sa akin ni Nicolle bago pa man sya umalis patungo sa manila---sa bahay ng aking kapatid. Naglayas ng bahay si nicolle dahil sa sama ng loob nya sa akin bilang ama. Hindi ko (raw) nagagampanan ang tungkulin ko bilang isang ama sa kanya. Honestly its all for her, im doing all of these for her own sake but on the other hand I must admit that I’ve almost forgotten my responsibilities as a dad to her.
8 months have just passed but still I have not received any call or even text from nicolle.

I still keep my self-busied for the rest of those 8 months. Perhaps I had sort of concerns what had been happening to her. Nag-aalala pa rin ako bilang iang ama kahit alam kong nasa poder sya ng aking kapatid.

2:00pm of November 10. My birthday. Isang tawag mula sa cellphone ni nicolle ang aking natanggap. I didn’t know why she phoned me. I guessed she’ll gonna greet me anyhow. But it was not her called me up; it was ate conching using nicolle’s phone. She abruptly informed me that Nicole confined at the nearby hospital there at manila. I just couldn’t imagine how it had happened to Nicole knowing that she has a good health.

Shocked.

I urgently went to manila all the way from cebu. I just had to be quicked because malala na aw ang kalagayan ni nicolle. When I got there, agad akong tumungo sa hospital kung saan si nicolle. Nakita ko agad ang bendahe nya na nakalagay sa kanyang ulo. I did not notice that I dropped my bag in front of a doorway the moment I saw her condition.
Ang dating malusog na Nicole noon ay iang patpatin na ngayon, malalalim na rin ang kanyang mga mata na dati ratiy mapupungay, namumutla na rin ang dating maamong mukha ng aking anak. Samakatuwid--- kaawa-awa ang kanayang kalagayan. I hurriedly get into beside her. I held her hand and gave a little squeezed. I checked her forehead if she had a fever. Beside her---si ate conching na maluhaluhang tinitingnan kami. Nicolle is asleep because of the medicine she has taken.

After awhile. Lumabas ako pasumandali ng kuwarto. Upang makalanghap man lang ng sariwang hangin habang hinihintay ang paggising ni nicolle. I was in a lobby of hospital when I met her doctor. We had talked and he frankly told me that nicolle has a brain cancer. I was shocked when he uttered those dreadful words.“nicolle has a brain cancer at stage 3. And she has few months left to live. So make your best shot to make her life happy through her days left.”
“nicolle has a brain cancer at stage 3. And she has few months left to live. So make your best shot to make her life happy through her days left.”
“nicolle has a brain cancer at stage 3. And she has few months left to live. So make your best shot to make her life happy through her days left.”
Paulit-ulit iyon na gumulo sa aking isipan. Tumatak talaga ng husto ang bawat salitang kanyang binitiwan. Mga salitang patungkol sa aking anak na may taning na ang buhay nito.
Silence.

I can’t resist my emotion to burst out. Napaiyak ako sa sinapit ng aking anak. A week later, I have found out that the day we (with nicolle) were quarreling is the day that she wanted to go in a hospital to have a check-up. And she was asking me to come by with her but I refused because I’ve got a lot of works to finish.

Months ago.

We had to run nicolle in a nearby hospital dahil nahihilo daw sya at nahihirapang huminga. “diyos ko. Ito na.” I murmured. She was holding my hand while we were riding in a car para isugod sya sa ospital. “dad, salamat sa damay mo na kahit ngayon ko lang naramdaman ay sapat nang kabayaran sa mga pagkukulang mo sa akin. Ni kahit minsan noong bata ako ay hindi mo ako niyakap at pinahalagahan dahil nalaman mong anak ako ni mommy sa ibang lalaki. You know naman that I love you so much, ikaw na kasi ang nakagisnang ama ko,dad” Nakonsensya ako sa mga pinaggagawa ko sa aking anak, but pinilit kong ngumiti kahit mapait dahil sa kalagayan nyang mahirap huminga ay pinipilit pa rin nya magsalita.

She smiled then.

The car was running so fast that it didn’t stop when it had to. Nicolle was in the critical moment that she hardly breathes. And which she seems drowning. Perhaps she spoke some words that I won’t gonna forget for the rest of my life. I was the only one who heard those inevitable words of her. She said: “daddy, remember when I was 15 yrs old? You kissed me –the very first time you’d kissed me. That moment. That very moment is the time I fell in-love with you. I never had a boyfriend, and you know that. I love you more than of being a father but also a man…my dream man. Yes daddy, mahal kita hindi lang bilang isang ama kundi isang espesyal na lalaki sa puso ko. That’s why I always get jealous against your business. Kasi you don’t have any time with me to talk. Don’t get me wrong dad. I just love you, and I mean it. Thanks for being now here at my side”

She stopped breathing.Ear-breaking silence occurred. Nicolle has gone. And a sweep of wind strokes my face. Pinahinto ko na ang sasakayan. And I just cried…

ang kulay at ang utak

Ang utak ng tao ay katulad din ng mga kulay. Minsan nagiging matingkad ang kaanyuan nito, ganun din kapag may naiisip tayong mga bagay-bagay o ideyang sa tingin natin ay may patutunguhan at may mabuting kalalabasan. Minsan naman ay nagiging mapusyaw ito, kulang ng timpla ika nga. Hindi ko malaman kung saan natin nakukuha ang mga konotasyong may kaugnayan sa kulay. Tulad na lamang ng kulay na yellow, sabi nila ang kulay ng SELOS.

Saan nga ba nagmula ito?

Gaya nga ng nasabi ko kanina, ang bawat kaisipan o ideya ay may patungkol na tingkad o pusyaw. Hindi na importante kung matingkad o mapusyaw ang kaisipan, ang mahalaga ay may taglay itong mensaheng may kinalaman sa konotsyon ng isang bagay. Naisip mo na bang bakit kaya violet ang kulay ni Barney? Kung bakit yellow si spongebob? Kung bakit dark yellow si garfiled? Kung bakit golden red si Nemo? Kung bakit pinaghalong pula at itim si mickey mouse? Kung bakit may ibat-ibang kulay ang mga karakter ng Power Rangers?

At marami pang iba, At kung bakit brown ang kulangot, samantalang yellow naman ang tutuli? Alam kong ang mga nahuli kong nabanggit ay may kinalaman sa sensiya, ngunit hindi na importanteng mahalaga (provoked redundancy) kung bakit, ang mahalaga lamang ay ang mga cartoon character na nabanggit ay nakapagbibigay ng saya sa mga bata at maging sa mga matatanda. Gumawi tayo sa parting malalim. Bakit napaka-mean sa isang tao ang kulay na red? Dahil ba sa matingkad ito? Is it because it possessed something passionately? *ambiguity* paano na lang ang kulay na gray? Paano na lamang kung isipin ko ring color of passion din iyon? Paano na lamang ang red?

Ganyan ang utak ng tao, mahirap intindihin ngunit kapag nagkasamasama sa iisang persipsyon, they will now come to one notion. Sadyang nakalilito ngang tunay ito. Naalala ko tuloy yung kanta ni bamboo na tatsulok: “hindi pula’t dilaw ang tunay na magkalaban” tama nga naman, tayong mga tao lamang ang nagbibigay ng contrast sa bawat bagay. Ang bawat kulay ay pwedeng pagsamahin, ngunit kelanman ay hindi sila magkalaban. Hindi sila tulad ng langis at tubig. Ang kulay ay palamuti lamang ng mga regaling dulot Niya. Pampaganda. Kailangan sila upang mabigyan ng pagkakakilanlan ang isang bagay.

Gaya na lamang ng mga mujeristang bakla, kailangan nila ng make-up. Gagamit sila ng ibat-ibang kulay ng make-up upang mapansin sila. Natuto silang paghaluiin ang bawat kulay para sa magandang kombinasyon. Bakit kung black ba ang ilalagay bilang foundation nila, sa tingin mo ay magandang tingnan? Hindi di ba? dahil magmumukha silang uling na may mukha. Hindi ako nagpapatawa, sinasabi ko lamang ang pwedeng mangyari sa mga ganitong senaryo. Ang kulay green. Kalian ba yan naging naughty sa hanay ng madla? Bakit kung makapagbiro ka ng may halong kabastusan ay green jokes ang tawag? Kawawa naman ang green dahil nadidiscriminate siya ayon sa kanyang kulay mismo. Kumbaga may stereotyping na nangyayari. Hinahanay natin ang bawat kulay ayon sa bansag o konotasyong naroon sila sa ating isipan. Nagkakaroon ng stereotyping. Ang bawat kulay ay may dalang persipsyon sa bawat tao. Ang gustong kulay ay ayon sa dikta ng utak at kagustuhan mismo ng tao…