Naghihirap na ang Pinas. Matagal na. Kailangan ko nang kumilos habang maaaga pa kundi tutupukin lang ako ng gutom at agam-agam. Matagal nang wala ako sa paaralang kolehiyo, tumigil o pinatigil. Okey lang, hindi naman magdudulot ang diploma ng pera. Kundi yong abilidad mong kumita ng pera dahil sa angkin mong kalistuhan.
Ang sabi ng teacher ko minsan " hindi ka mapapakain ng iyong katalinuhan" malamang tama nga sya, ang sabi pa nga ang kayang magpakain sa 'yo ay ang iyong tiyaga at pagsusumikap. ang korni pakinggan pero sa ngayon nakikinita ko na ang ang kanyang tunay na mensahe. Botany Teacher ko sya pero hindi ko malaman kong anong koneksyon ng mga halama sa paghihirap o yaong pagkukumilos habang maaga pa. siguro talagang nature-advocate lang sya dahil ayaw nyang mangyari na pati ang dahon ng makahiya ay kainin na ng Pinoy bilang ulam.
Mimosa pudica L. ang sabi ni Mr. Bean (kami ang nagbansag sa kanya ang ngalan na yan), yong teacher ko sa Botany dati ganyan daw ang scientific name nyan. Napagtanto ko, pwede kaya akong kumita ng pera nang dahil dyan sa Mimosa pudica L. na yan. Kung kainin ko kaya? kunan ng video ang sarili at ipost sa www.YOUTUBE.com? bebenta kaya ako? paano kung gawin kong sago't gulaman? paksiyet! wala akong maisip na ibang paraan ah. Ang alam ko lang ay herbal medicine ito.Kunting dahon, Kunting laga, presto! may insatnt tea ka na.
Bigla kong naisip habang ginagawa ko ang article na ito, nagkakahiyaan din kaya ang mga makahiya? ...
IN A PARTY....
"ang pangit mo naman"sabi ng isang kumpol na makahiya.
"and so what is the matter" sagot ng pinapahiyang makahiya.
"ha-ha-ha... you grass from trash!"isa pang banat ng aristokratang makahiya.
"you herbs! sucks!!!" sagot muli ng paawang makahiya.
"MGA WALANG HIYA KAYO! TUMIGIL NGA KAYO!!!!" sigaw ng matandang makahiya.
+end+
Astig!
Ah! sabi pa nga pala ng teacher ko, si Mr. Bean.
"kapag nabubuhay ka! wag kang mahiya pag alam mong nasa tama ka!"
Napaisip muli ako.
Salamat po Sir!