Biyernes, Agosto 29, 2008

room 107

"Hindi ka ba masayang makita na nandito na ako? Bumalik na ako,para sa iyo,albert..."

Ngumiti nang ubod tamis ang babae,pero halos kisapmata lamang ay biglang umilap ang malamlam na mata nito.Sinunggaban ako at biglang sumigaw.

"Mang-aagaw! Ano,aagawin mo rin sa akin si albert ko?Hayop ka! Kagaya ka rin ni Mila"
Gusto kong makaramdam ng takot pero labis na awa ang nangibabaw sa akin para sa babaeng nagwawala sa aking harapan.Pinigilan ko ang kanyang mga kamay at iniyakap ang aking mga braso sa kanyang nanghihinang katawan.

"kilala mo ba siya?Si mila...yong bestfriend ko.Tama,kaibigan ko sya pero inagaw niya sa akin si Albert."
Biglang lumayo sa akin ang babae at dinampot ang suklay na nakalapag sa mesa sa tabi ng kanyang kama.

"maganda naman ako di ba?Kaya lang,bakit ako ipinagpalit ng demonyong yon sa haliparot na si mila...palagay mo?"

Unti-untiy may gumuhit na pilyang ngiti sa kanyang mga labi. Ngiting lalo pang lumuwang at sinaliwan pa ng malutong na halakhak.

"Pogi,tingin ka sa akin.Siguro dahil wala ako,iniwan ko ang demonyo kaya naghanap ng kapwa kampon ng dilim at yun dumating ang haliparot na mila.Mga malilibog!"

Bigla nitong inihagis ang suklay na hawak sa salamin na nakasabit sa kanang bahagi ng silid.Bagay na ikina-alarma ng mga kasama ko.Dali-dali nila itong nilapitan at tinurukan ng tranquilizer.

Ayoko ng makita ang panghihina ng kaawa-awang babae.Yumuko ako pero di ko talaga makaynang patuloy na marinig ang hapo nitong tinig.Sa kabila ng paos nitong boses ay di pa rin maitatago ang sobrang galit nito at labis na sama ng loob.

"wala kang karapatang patayin siya.Hinayaan kong mahalin mo sya...pumayag akong maging kahati mo!"

Umalis na ako sa silid na yon.Hindi ko na kaya.Tumuloy ako sa office ko.Hapung-hapo,ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot na upuan.

Ganun na lang ang palaging nangyayari sa tuwing kakausapin ko sya.Parang gusto ko na ring sumuko dahil wala na akong sapat na lakas para patuloy na hawakan ang nalalabing hibla ng pag-asa sa aking dibdib...pero,ayoko.Hindi ko pwedeng bitiwan ang pasyente ko.

"Dr.Chan,heto na po ang files ng pasyente sa room 107"

Tumayo ako at isinenyas na ilapag na lamang nito ang folder sa side table.Pagka alis niya ay binukla-buklat ko ang laman ng folder.Natawa ako.Para namang may bago.Ilang beses ko na ba itong ginawa,ang pagbabasa ng folder ni Theresa,ang pasyente sa room 107.

Ang kaawa-awang babae.

Iniwan ang pamilya sa ibang bansa.Kinalimutan ang pagiging asawa,binalewala ang pagiging ina para lamang balikan ang kasintahang minsan ay iniwan sa Pilipinas.

"haay...naman,nakarecord na to sa utak ko eh"
Tama, nakarecord na nga. At kahit na masunog pa siguro itong boung mental hospital kasama lahat ng files ni theresa ay ayos lang sa akin,dahil memoryado ko na lahat ng detalye,tungkol dito.

Kinuha ko ang aking portable recorder sinimulang makinig sa mga kuha sa mga nakaraang therapy namin ng aking pasyente.

"Binaril nya...Bang!Bang!Bang! Tatlo...tatlong sunod-sunod na putok.Tumama sa dibdib,sa kanyang braso,sa balikat..."

Yun ang sinabi ng babae,isang taon na ang nakaraan.Ikatlong therapy namin yun noon.At iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nagsalita ito.

"duguan sya...niyakap ko.Hindi alintana ang aking kahubdan...sexy naman ako bakit ako mahihiya.Siya nga tong dapat mahiya,siya itong nangistorbo.Tapos na sana kami sa sex namin,nakaraos na sana kaso bigla syang dumating..."

Napangiti ako.Iyon yung araw na inabutan sila ni Mila habang nagtatalik.

"theresa,karapatan nyan magalit at karapatan nyang mangistorbo,kasi sya ang asawa..."

"Asawa?Ganun,pero ako ang mahal ni albert!Ako lang.Sinabi niya yun at ipinaramdam nya sa akin.At sa kaniya ko lang yon naramdaman.Maliban na lang kung gusto mo ring iparamdam yun sa akin pogi?"
Pinatay ko ang radio,at isinalang yung tape na kuha anim na buwan ang nakararaan.

"Bakit ka pumayag na maging kerida ni Albert?"

"kerida?Ano yun?Pagkain?Ayoko ng pagkain!. si albert ang kailangan ko...kerida?Chinese food ba yon?Naalala ko tuloy yung asawa ko.Hahaha! Yung singkit na asawa ko.Intsik kasi yun eh.Si Ryan.Kamukha nya yung batang inalagaan ko n0on,yung pinapadede ko pa nga pag umiiyak..."

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko nang narinig ko yun.

"bwisit!Lintik lang ang walang ganti...nakulong si Mila dapat lang,dahil binaril nya si albert ko"


"theresa,kalmahin mo ang sarili mo kailangan mong lumaban ngayon.."

"para ano pa?Para kanino,para saan,wala na di ba?Pinatay na ni mila si albert.Wala syang karapatan!"
Matino syang magisip kung minsan pero hangang dun na lang.

"alam mo,pag nakikita ko yung mga anghel na kasakasama mo,mga alalay mo,may naaalala ako.Yun kasing kasama ko sa bahay...paborito din nya kasi ang puti.Ewan ko ba, si Ryan na laging nakaputi."

Wala ng katuturan yung usapan namin kaya pinatay ko ulit ang tape.

"mabait yung asawa ko.Mahal na mahal ako.Pero,ang baboy ko iniwan ko sya.Eh walang kwenta sa kama eh, sila at di ko loves sila ng batang kasama nya.

"yun i decided to go back home in the Philippines to rekindle a dead light of love with albert.But i never expected to see him married na,and kay Mila pa."

"Nung malaman mong may asawa na sya,bakit di ka na lang bumalik sa asawa mo?"

Iyon yung therapy namin two months ago,malaki na ang improvements nya.Maayos na yung detalye ng mga kwento nya.Pero napaaga ako sa pagtapos sa discussion namin.Ewan,hindi ko na kaya yung mga naririnig ko.

"hindi porke committed ka sa isang tao ay sya na ang mahal mo...at hindi porke nakakulong ako sa seldang pag-aari mo ay ikaw na rin ang may kakayahang magpalaya sa akin!"

"haha. feel na feel di ba doc? yun ang huling sinabi ni albert bago sya mamatay.Para kay mila"


"at palagay mo namatay sya na ikaw ang mahal nya?"

"oo,ako rin,nawala lahat ang katinuan sa isip ko pero nanatili sa alaala ko si albert..."

Noong nakaraang linggo lang ang usapang yon.

Akala ko tuloy tuloy na sya,pero hanggang dun na lang pala sya.Di ko na napigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

"theresa,listen.Nakikilala mo ba ako?"

"oo,ikaw si Dr. Pogi..."

Pinatay ko na ang tape.Oo,tama pagod na ako.Hirap na hirap na ako,pero ayokong bitiwan sya.Naghihintay ang kanyang anak para sa kanyang pagbabalik.

"Dr. Ryan Chan..Hows your patient? Is she doing fine or..."

"Who among them Dr.Regaldo?" Isa sya sa resident doctor sa hospital. Kaibigan ko at ninong ng anak kong si paolo.

"Theresa Chan of room 107..."

"there is a continous development. But I guess it takes a long process before she can totally overcome her fears"

"how about your son?Di ba sya nagtatanong tungkol sa mommy nya?Hes getting older"

"yes he does. .I told him, Im taking good care of her mom..."
Gumuhit ang mapait na ngiti sa aking labi.

"And Im doing everything to win her back..."


credits to: bin-i

Biyernes, Agosto 22, 2008

bye juday!

Swear. Nalungkot ako sa kwentong namaalam na ang isa sa mga fantastic four, si Juday. Sino ba sya? Sya lang naman ang isa sa feature character sa blog ni utakmunggo.

Swear ulit. Marami akong natutunan sa kanila, sa kwento nila lalo na sa kulitan ng fantastic four. Hindi ko man sila nakasalamuha pero sapat na yong mga kwento niya ng kulitan at asaran sa isat-isa.

Mabuti na lang at matatag si ate utakmunggo sa ganitong bagay, kung ako siguro tulo-luha nang tuloy-tuloy yun pag nalaman ko ang nangyari, walang humpay. Mahina kasi ang loob ko pagdating sa ganito, pagpatay nga ng ipis kinatatakutan ko na tao pa kaya?

Sabi nga ni utakmunggo it was a life well lived... Umaasa akong ganun nga.

Salamat kay utakmunggo. Swear, salamat.

Rest in peace Juday!

click so ganun?

Huwebes, Agosto 21, 2008

Repost: Inang puta, putang ina...

Ako ay isang puta. Isang inang puta, o isang putang ina. Nagtratrabaho ako para mapakain ang pito kong anak. Anak sa ibat-ibang lalaki,dahil sa kagandahan ko ay minsan pay nabihag sila ng alindog ko.

Nagkaroon ako ng dalawang anak sa una kong asawang kastila. Parehong babae. Akala ko sya na noon ang una at huling lalaki sa piling ko. Hindi pala dahil noong nasa kalagitnaan na namin ng aming pagsasama ay pinapahirapan na nya ako, mahuli lang ako ng gising para sa kanyang almusal ay binubuhusan na nya ako ng mainit na kape. At kapag wala akong naibibigay na pera para sa kanyang bisyong pagsusugal ay pinagsasalitaan nya ako ng masasakit na salita sa harapan ng kanyang mga kumpadre.

Kasalukuyan pa rin akong nagpuputa noon dahil kailangan kong buhayin ang aming unang anak, wala siyang ginagawa kundi magbisyo kasama ang kanyang mga hinayupak na kumpare. Ginawa ko yun dahil mahal ko sya, siya kasi ang first love ko eh. Kahit alam kong may halong panloloko ang pakikisama nya sa akin ay okey lang.Love ko eh!

Noong isinilang na ang aming pangalawang anak ay iniwan nya ako. Masakit pero kinaya ko, itinaguyod ko ang dalawang kong anak kahit pa kinukutya ako ng tao. Dumating ang panibagong boyfrend, isang hapones. Negosyante. Noon din ay nakatikim kami ng rangya sa buhay dahil ang aking asawang hapones ang nagbubuhay sa amin ng aking anak. Lahat ng gustuhin namin noon ay binibigay nya. Mamahaling laruan, pagkain, alahas, lahat pero may kapalit yun. Sa tuwing gagamitin nya ako ay pinapahirapan nya muna ako. Isa siyang sadista! linalatigo nya ako, pinapaso ng sigarilyo at sinasampal. Hindi lamang yun ang naranasan ko sa kanya. Naranasan ko na rin ang masakal na halos ikamatay ko noon. Pagkatapos ng pananakit ay saka nya ako gagamitin. Adik!

Lahat ng yun ay tiniis ko mabigyan lamang ng sarap ng buhay aking mga anak kahit hindi ko sya mahal at tanging una kong asawa pa rin ang mahal ko. Dumating ako sa puntong kinakaawaan na ako ng aking anak dahil sa pasa sa aking katawan. Makalipas ang dalawang taong pagsasama ay nagbunga iyon ng panibagong supling. Ngunit bago pa man naisilang aming anak ay lumuwas na ito sa kanilang bansa dahil daw sa kanilang negosyo. Nasaktan ako di dahil umalis sya ngunit dahil nawalan na kami ng pagkukunan ng aming ikabubuhay.

Subalit naitaguyod ko tatlong anak ko ng walang alinlangan. nagtrabaho muli ako bilang puta, maganda at may asim pa naman ako kaya nagawa ko muli ang trabahong iyon. Nangako ako sa aking sarili na hindi na ako makikipagrelasyon pa. Hindi nga ako nakipagrelasyon sa loob ng limang taon ngunit dahil sa trabaho ko ay nadagdagan muli aking anak ng dalawa sa magkakaibang lalaki. Ang tanga ko talaga dahil nagpauto ako noon na hindi gumamit ng kontraseptiv, dala na rin siguro ng libog ko sa katawan kaya nagbunga ang katarantaduhang iyon. Kaya naging lima aking binubuhay na anak. Dumating sa buhay ko isang amerikano. Akala ko ay magkaibigan lang ang aming turingan ngunit nauwi ito sa seryosohang relasyon. Kahit pa hirap ako mag-english ay nauunawaan naman nito. Nakakaintindi sya ng kunting tagalog kaya hindi mahirap sa amin ang komunikasyon di tulad ng nauna kong dalawang asawa ay marunong ako ng niponggo at espanyol.

Mabait ang naging huli kong asawa. Ngunit dumating ang panahong nakita ko sya sa may kasamang iba. Ipinagpalit nya ako sa aming kapitbahay. Nasaktan ako ngsobra dahil kahit papaano ay mahal ko sya. iniwan na nga nya ako ng tuluyan at nakipagrelasyon na sa iba. Noong panahong iniwan nya ako ay nagdadalang-tao na ako noon. At sya ang ama. Sa malas ko ay naging kambal pa ang naging bunga kaya naging pito lahat ang supling kong binubuhay.

Halos mabaliw ako noon kung saan ko kukunin ang aming kakainin, buti na lang ay may mga kaibigan akong kahit papaano ay tumutulong sa akin. Napag-aral ko ang apat kong anak sa tulong ng trabahong kong pagpuputa, noong naging mahina na ang trabahong din yun para sa akin ay naglako na lamang ako gn sigarilyo sa kalsada. Tiniis ko init ng araw, ang lamig ng gabi at ang kutya ng tao. Ang tatlo kong anak ay hindi na nakapag-aral dahil sila na rin ang tumutulong sa akin sa paglalako ng pwedeng maibenta sa kalye. Naging pasakit talaga sa akin ang may maraming anak ngunit hindi ko pinagsisisihan yun dahil masaya kami sa pamilya namin. dumating din ang puntong nagkagulang na aking mga anak. ngunit sa akin pa rin sila dumidepende. May asawa na ang tatlo kong anak. Isang araw habang akoy may sakit ay may nagawi sa aming bahay na isang foreigner. inaaya nya akong pumasyal ngunit masakit ang katawan ko noon dahil sa trangkaso, naging mapilit sya. Agad nyang dinakma ang mukha ko at pilit nyang hinahalikan ang maseselng bahagi ng aking katawan. putang ina nya! binaboy nya ako ng walang kalaban-laban dahil ako ngay mahina noong panahong iyon. pagkatapos nya akong gamitin ay naglabas sya ng pera at agad nyang inilapag sa tabi ng kama habang akoy umiiyak.

Alam kong naririnig ng aking mga anak iyon ngunit hindi nila ako sinaklolo. Kinaumagahan ay nagsumbong ang bunso kong anak na kagagawan ng panganay ko ang lahat, ibenenta nya ang katawan ko dahil kailangan daw nya ng pera sa susunod na araw. naiyak ako ngunit tiniis ko ang sakit na kayang kaya pala ako ibenta ng aking mga anak. pagkalipas ng ilang buwan ay lumuwas ang dalawa kong anak sa abroad. ilang buwan din sialng andun ngunit hindi na sila nagparamdam pa sa akin.

Wala na akong balita sa kanila. Ang kambal ko namang anak ay patuloy pa rin sa pagtulong sa akin ngunit dumarating ang puntong sinasaktan nila ako kapag nakaririnig sila sa kapitbahay na ako ay isang masamang babae. Sinisisi nila ako kung bakit ako nagputa at patuloy sa pagpuputa kapag wala nang makain. nilayasan din ako na aking mga anak.

Sa ngayon ay nag-iisa na ako. Naghihirap dahil sa idinulot ng aking mga anak. gayunpaman ay mahal ko pa rin sila dahil ako ang kanilang ina. Ako si FILIPINAS, ang kanilang ina, ang kanilang bansa.

Martes, Agosto 19, 2008

going home...

Matagal-tagal din akong nawala sa sirkulasyon ng blogosperyo.Umuwi kasi ako ng probinsya namin, nagbaksyon sa loob ng talong araw at kalahati.

Namiss ko ang lugar namin, yong greenfields at samyo ng hangin na nagmumula sa kapalayan. Haayyy...

Oo, medyo ruralite yong lugar namin pero di naman ganun ka kalayo sa kabayanan, kumbaga barangay sya. sibilisado naman ang mga tao doon, naabot ng kuryente, maging internet.

Unang puntirya ko doon, ang kumain ng bagong aning gulay, yong manamis-namis na gulay. Sarap. Tapos yong kumain ng kakanin, at mamasyal sa paborito kong pasyalan... sa isang hill na tinatawag naming mines view kasi tanaw mo ang kabuoan ng boung barangay. Maganda doon pag gabi lalo na pag maraming bituin at litaw ang buwan, sarap mag senti.

Kumain din ako ng mga prutas tulad ng atis, suha, rambutan at guyabano.

Sayang nga lang kasi wala akong dalang kamera para kunan ang mga magagandang senaryo. Sayang.

Namasyal din ako sa mga kaibigang matagal nang hindi nagkita-kita. Nagkamustahan kami at nagkwentuhan, sayang kasi walang inuman, wala akong dalang pera noon namasyal ako, isang bisikleta lang kasi ang dala ko.Hindi ko akalain na aabot na gusto namin parehong uminom kasabay ng mga inihaw na tilapya mula sa farn ng aking kaibigan.

Medyo nalungkot ako noon pauwi na ako, pero ganoon talaga ang buhay, kelangan kumilos para mabuhay.

Namiss ko din ang mga pinsan ko, oo nga pala may frat pala kaming magpipinsan. Tinawag namin itong prating gutom. Dati bukas-kaldero gang, ngayon dahil sa nagmahal na ang bigas ay prating gutom na lang daw (pero di naman talaga kami gutom palagi, trip lang)... tapos noong nandon pa lang ako, may bagong recruit, 3 years old namin pinsan, ang initiation ay humuli ng tutubi a.k.a butterfly este dragonfly, tapos pag nakahuli kukunin namin at ipapakagat sa nipple nyang hilaw pa. hahaha...
Kinalabasan? Ayun umiyak at nagsumbong! hindi makaangal tatay nya kasi ganun din ginawa sa amin noong bata pa kami, kumbaga by generation lang naman.

Medyo marami kasi kaming magpipinsan kaya iba din kami magtrip, hehe. Astig no?

O sya... next time na lang ulit ako magkukuwento ng medyo marami-rami.

Huwebes, Agosto 14, 2008

last prayer

Kneeling down, I utter my night prayer. Hoping that in the depths of the corners of the four corners of my room she would hear my prayer. Because I know that when night time falls, there would only be the two of us. Even though all this time she wouldn’t speak a single word or even a single movement, and even though all this time she remains unnoticed, I have faith that there would come a time when our eyes would finally meet. How I wish that even in our moment of silence that would seem like eternity for me, she would hear what my heart whispers.

Lying here, I gaze at the dark velvet sky. The moon smiles sweetly down upon me. Reminding me never to lose faith. Reminding me that one day she would come. One day my angel would come, my sweet angel. A day would come that she would warp her wings around me and we would both cease to exist and she would bring me to a place called heaven. Then I’ll be off and gone from this bitter world. She would catch me whenever I stumble. she’d fill me up whenever I’m empty. She’d clean the messes I’ve made. And she’d stay with me even though everything else around us has changed. No ocean could even come between me and my angel. She won’t even let me cry a river like I am now. And my bitter world would be nothing but a paradise.

Looking over the horizon, words keep running thru my empty head. My best bud use to enjoy a good laugh at me whenever we went over this topic. She said I was hysterical. I just keep quiet at times she caught me off guard. She always tells me that I am wasting my time. For her, she was just trying to lift me up while it wasn’t too late yet. She was trying to pull me before my hopes would let me fall into a bottomless pit. She was trying to put the pieces together because she doesn’t want to see me shattered. And whenever I’d try to put up an argument with her, she’d tell me:

“Angels do not come down from heaven, for they do not know how to walk here with us…
They only have wings to fly, but they do not know how to cry…”


With these words I’d stop. What’s with her?! Can’t she just be upbeat about the only thing I care about?! What is she so afraid of? I know she’s just trying to be a pal. But she’s never been thru what I’m going thru now. She doesn’t feel this bliss I feel just with a single thought of her. I couldn’t understand what she was trying to save me from. Not until days, weeks, months, and years passed and still not even a single feather to let me know she was watching from above.

How could she be so cruel? All I ever wanted now seems to be a castle in the sky. How could my angel bruise me? How could she bear seeing me in vain? How could she leave me from these fast phase world? Especially now that things aren’t the way they used to be? Isn’t she aware that everything could change with a blink of an eye? Was my friend right all these time? Now I know what she was trying to save me from.

So I went on living as an apparition. What good am I now? I’ve become the worst thing I could ever imagine. Torn apart and wasted. I had vanished into existence. And it gave me moment to think and look back at the frames of my life. To the time I was so obsessed with finding my angel. In my unexplained dismay and torment I saw you in each of the frames. You were there waiting with me. You were there waiting to be noticed. So now, tears fall ‘coz you’re gone. Nowhere to be found. I’m drowning all the pain inside me. This is what an imprudent person deserves, don’t I?

Angels do come down from heaven. They set foot on the hearts of those who believe. If only they know where to look. Angels may have wings to fly, but their wing could easily be broken and even your mortal tears are not enough to patch them up. That’s the time they have to walk. Barefoot, alone, and unnoticed. Your mere human eyes can’t even see them cry. Yes, they do cry. They silently blubber and hold back all the pain until slowly they would grow feeble and fragile. Then they would go back up to the stars. Back in oblivion.

Just like what happened to you and me. You could have been my angel if only I turned around. I could have been yours if only you called my name. Now it’s too late. We’re both fading. But not to worry, I know we’ll see each other. We’ll meet again. But this time I’ll be with the stars. And you’ll be smiling with the moon.
--basurerong sosyal

Miyerkules, Agosto 13, 2008

Taksil. Talsik.

Dinurog mo ang aking puri sa anino ng iyong kalapastanganan…
Hindi ko matantya kong ganu ka kalakas ng sa mga oras na yon…
Mulat ang aking mga mata pero sarado ang aking isip dahil sa iyong kababuyan.
Malamig ang gabi ngunit mainit ang mga dampi.

Sumigaw ako ngunit tanging ang malamlam na buwan lamang ang nakarinig.
Nagdarahop. Nagmamakaawa. Kahit paos na ang tinig ngunit ako’y pumipilit.
Gumuhit sa iyong mukha ang bawat ngiting puno ng pagtatangka.

Tumawa ka nang ubod ng lakas kasabay naman ng paglaban ng aking kamay.
Sampal. Sipa. Mura.
Pero kulang pa ang inabot mo habang iyong pinupunit ang aking puri.
Tanging Siya lamang ang malamang na nakakaalam ng lahat.
Noong patapos ka na, pinatalsik ang anumang likido mula sa iyo.
Nakakadiri. Nakakasulasok.
Pero bakit paarang gusto ko.

Putang ina lamang ng sa gabing akoy nilupig ng iyong pag-aari.
Nasaktan ako noong una, pero tama si cruciana…
“pag tumatagal sister, sumasarap. Mawawala yong hapdi.”
Masarap nga pero di ko magawang lokohin ang sarili kong anak.
Hindi ginusto ng kaluluwa ko bagaman ginusto ng katawan ko.
Oo, tama. Ina lang ako.
Tao sa paningin ng lahat pero puta sa mata ng asawa ng anak ko.

Linggo, Agosto 10, 2008

life of a young pen...

May mga pagkakataong wala akong maisulat dito sa blog kong to. Blanko. Ito ang kahinaan ng isang amateur blogger,maraming bumabagabag at gumugulo. Hindi alam kong saan magsisimula, ano ang sisimulan at dapat bang tapusin ang nasimulan.

Its better to cross the line and suffer the consequence than to just stare at the line for the rest of your life...--patentero rule #1

Pero kelangan ko pa ring subuking gawin ang gusto ko. Mag-isip ng panibagong ideya at panibagong pakulo, parang variety show. Hindi aalintanain ang mga anik-anik na bumabagabag, tuloy-tuloy lang habang gumagana ang karne na laman ng aking bungo kasi kelangan naman talagang ganun yun.

“You must ignore what people call you and just trust who you are”
-Shrek

Minsan naman maraming ideya sa isipan. Loaded. Sa pagsusulat, kelangan mo silang isulat, kelangang ilista, kelangang ihayag bago pa man mawala ito na parang bula. Parang yong lumubong sipon dahil napatawa ka bigla. Kusang lulubo at kusa ding puputok.

"The only graceful way to accept an insult is to ignore it; if you can’t ignore it, top it. If you can’t top it, laugh at it. If you can’t laugh at it, it’s probably deserved" -baklitang pamenta

Ang sabi ng titser ko noon sa literature na pag marami daw iniisip o iniisip ang iniisip eh matalinong tao. Nagkunwari akong nag-iisip upang isipin yong sinabi nya tungkol sa pag-iisip ng mga umiisip sa mga iniisip para kunyari matalino ako sa harapan nya.

“Everybody sees you what you appear to be, few feel what you are”-Machiavelli ‘The Prince’

Metacognition. Thinking about thinking and or learning about learning. Lalim no? Pero magkaiba yong critical thinking sa metathinking. Di ko na kelangan pang i-explain pa pagkakaiba kasi sabi ko nga nagkukunwari lang naman akong matalino.Hakhak



Yan ang mga neurotransmiter o mga kemikal na nagmomodulate ng signals sa mga cells para gumana ang iyong mga karne sa katawan kabilang na ang karneng pinoprotektahan ng iyong bungo kasama na ang iyong makapal na balakubak sa iyong anit sa ulo. Isang napakahalang kemikal o enzymes na may kinalaman sa mekanismo ng tao.

Isa sa mga halimbawa kumbakit tayo nagagalit o nalulungkot o kahit anong feeling na may kinalaman sa emosyon ng tao ay ang serotonin. Samantalang ang norepinephrine naman ay may kinalaman sa libido o wakefulness na tao. Haay. Ayoko na, dinudugo na ilong ko...it is also known as epistaxis by which na thin blood vessel ruptures.

Well, ganyan kakomplikado ang buhay ng tao, i mean ang buong sistemang binubuo ng kaliit-liitang cell na nasa sa iyong katawan mula noong binuhay ka Niya sa mundong ito. Komplikado mang iisipin pero may ilang mga nilalang pa rin na pilit umuunawa at umiintindi na sa kabilang banda meron ding nagkukunwari.

"that is life..."
-barker ng jeep sa Pasig

"rollercoaster... sometimes you are at the top, sometimes you're down, sometimes you spin around and feel like everything turns upside down.Sometimes you are infront and turns your back against your co-riders.Sometimes your at the back and you co-riders turn their back on you. But what makes rollercoaster (life) special is the way you enjoy it, scream at the top of your voice, the way you learn to hold on when railway turns up & down and runs circular path.But the most important thing is the way we accept that the rollercoaster joy ride is over...we ride out and surrender to the real Owner of the rollercoaster,and that is life."
-Nahilong pulubi.

Push button to stop talking and thinking.

Biyernes, Agosto 8, 2008

the feeling of being melancholic...

I took some m&m's chocolate in the fridge awhile ago. Out of the blue, I didnt notice that some of it fell on the the ground and broke into pieces. How nice! It made me think and realized that even the sweetiest thing in life could break too...
--quoted from text message


Well, It says so. I have been a pathetic lover ever since (a single declarative sentence, no details anymore, much guilt and a single sentence of aggravation) . A hopeless romantic, and a they-so-called 'torpe'. And I admit it (rather than telling something else).

I should have gained so much self-confidence for the sake of it.And yet,it still the same where I have been to.

Funny to tell this story of mine that i used to tell wacky stories and some sort of happy moments but now i am telling this mushy talks feeling the burst inside. Sigh. I cant help myself.

I was once a coward and a stupid just a long time ago. Yeah I was, and until now im still succumbed with the same feeling, the same hints and the same vulture. I may have a vague understanding it all, my problem. And I have no designs nor conceptual structures behind of those things.

I was once told by my friend... “ bakit ka ba nagkakaganyan?”
I answered promptly “dahil ganito ako”
You are making your life messy!
Yes! It is.


I’ll try not to spoil this feeling. But the irony is the way i dont want to, is also the way it goes to.

Huwebes, Agosto 7, 2008

muni-muni...

Stand in the Light - Michael Webb

Gusto ko tong kantang 'to. Wala lang, medyo emo lang ako ngayon.

Miyerkules, Agosto 6, 2008

may sira ako!

Medyo may tantrums ako nung pumasok ako sa opis. Ewan. Siguro dahil di rin maganda ang panahon. At kulang siguro sa tulog. Asar.

Tumawag na ako sa tie-up namin para hingiin araw-araw yong report na gagawin ko. At nung prinint ko na,eto ang bumungad sa akin:




Natawa ako. Sino kaya ang gumawa nito? Loko-loko rin kasi ang mga tao dito sa aming opisina, pinaghalong naughty,wit and humour.

Umaayos ako ng mukha, ang dating nakasimangot ay tinakpan (kunwari) ng smiling face, para hindi rin malagyan ng ganyan.

Tinanong ko tuloy ang sarili ko...may sira kaya ako?

Lunes, Agosto 4, 2008

salamat sa mga nag-iwan ng bakas, sana katulad din sila ng sipon...sticky.

Kanina lang ramdam ko yong bigat ng lalamunan ko at yong medyo pananakit ng nasal ko. Inunahan ko na ng gamot na neozip pero tumuloy pa rin kaya eto maluha-luha ako sanhi ng sipon. Pagdating ko dito sa opis, pumunta ako agad doon sa lagayan ng gamot at dumeretso sa pantry para uminom ulit ng gamot, tuseran, sana mas okey ‘to kesa sa nauna.

Sabi ng titser ko, hindi naman daw talaga gamot ang mga decongestant para sa sipon, ginawa sila para irelieve lang yong nararamdamang di-kaigaigaya sa nasal area. Kumbaga preventions lang upang hindi mamaga yong mucus membrane sa nasal area natin na maaaring dahilan ng clogged nose.

At hindi lang iisang virus ang sanhi ng sipon, kundi milyong milyong viruses kaya hindi maaaring gamutin o itrigger ng gamot, ang silbi lang ng gamot ay para i-prevent at hindi na lumala yong mga nararamdaman sa ating katawan, sila ang mga tinatawag na pathogens na precursor ng mga sakit.

Salamat nga pala sa mga co-bloggers na bumisita sa site ko at nag-iwan ng bakas sa loob ng buwang hulyo. (tagalog na tagalog?)

Narito ang ilan sa mga naligaw at nauto.

batopik
http://batopik.wordpress.com/
tentay
http://tentaypatis.blogspot.com/
utoy
http://utoysaves.wordpress.com/
utakmunggo
http://purokareklamowalakangkwenta.blogspot.com/
chroneicon
http://chroneicon.blogspot.com/
rio
http://riotooth.blogspot.com/
jhamywhops
http://jhamywhoops.blogspot.com/
arnie
http://arniepopo.blogspot.com/
linapuhan
http://linapuhan.wordpress.com/
kwentuhan
http://kwentuhan.wordpress.com/
julie
http://greenbucks.info/
ms-panda
http://ms-panda.blogspot.com/
elliot
http://everythingkimchi.blogspot.com/
pedro
http://diakosipeterpromise.blogspot.com/
mangBADoy
http://talambuhay.wordpress.com/
lorie
http://www.loriesplace.com/
rimewire
http://rimewire.wordpress.com/
klitorika
http://klitorika.blogspot.com/
eyebags
http://i-want-eyebags.blogspot.com/
krisjaper
http://www.krisjasper.com/
acey
http://aceychan.blogspot.com/
aling baby
http://alingbaby.wordpress.com/
mahiwagang sibuyas
http://mahiwagangsibuyas.blogspot.com/
wandering commuter
http://wanderingcommuter.blogspot.com/
dong
http://dongism.blogspot.com/
rowjie
http://rowjie.wordpress.com/
abou
http://abouben.blogspot.com/
kurisujae
http://stupidorkris.blogspot.com/
lawstude
http://lawstude.blogspot.com/
kengkay
http://kengkay.wordpress.com/
mr.perk
http://edzcelperk.wordpress.com/
mrs.j
http://reigningmrs.blogspot.com/
prinsesangmusang
http://prinsesamusang.wordpress.com/
billy yow well
http://idietoexist.blogspot.com/
arot
http://www.nonoh.com/
dean
http://dean-eleven.blogspot.com/
nanay belen
http://mothercares.blogspot.com/
bien
http://bienthoughts.blogspot.com/
roxy
http://foxyroxyloxy.blogspot.com/
dazedblue
http://buzzwerth.blogspot.com/
dansoy
http://dansoy.lukaret.com/
winkii
http://tinkiiwinkii.blogspot.com/
enrico
http://enricodl.blogspot.com/
mike
http://micolauron.blogspot.com/
rj
http://ardyeytejada.blogspot.com/
ifoundme
http://ifoundme.wordpress.com/
emoterang nurse
http://kwentongbabae.blogspot.com/
axel
http://axelis.blogspot.com/
ferbert
http://kokeymonster.com/
gillboard
http://gillboard31.blogspot.com/
niel camhalla
http://onesixthsense.blogspot.com/
ipob
http://istrike.blogspot.com/
wild ice
http://pornouniverse.blogspot.com/
goddess
http://iwritebecauseifeel.blogspot.com/
asnallar
http://orgullomundo.blogspot.com/
bhievzkiez
http://bhievzkiez.wordpress.com/
pen
http://penslave.blogspot.com/
makoy
http://akosimakoy.wordpress.com/
roniel
http://roneilberania.blogspot.com/

Anonymous
wifeybee
ayzzz
pokwang
kamotenista
harmonie
taps

Muli, maraming salamat po sa inyo!

"hindi lahat ng green masustansya"
--plema