"mudra, fudra, geztong kez kronapey, sisterette, brotherloo, geztong kez frafey.Lahat ng geztong kez ay kemer-kemerlu. Ang magkakawiz ay fifingutin kez..."--dalawang batang baklita naglalaro ng nanay-tatay.
Naaalala nyo pa ba yong larong ito? Hindi ko alam kung saan nagmula 'to pero nakakaaliw ang larong to, nilalaro namin to noong bata pa ako kasama ng mga pinsan ko, astig pag nagpipitikan na sa tenga at may umiiyak.
Malamang dumaan din kayo sa pagkabata, naging isip-bata, nang-away ng kapwa bata, nakilaro sa kapwa bata, at minsan pay gumawa ng bata. Masarap maging bata sa totoo lang, ang mga panahong nakikipaglaro tayo ng habulan, taguan, step-no-step-yes, harang-taga, at marami pang ibang outdoor games na prone sa peklat.
Away-bati pag bata, konting sulsol, beehlat, kampihan, inggitan, at paluan. Yan ang pumapasok sa isip ko pag naiisip ko ang salitang BATA.
Pero kelangang tumakbo ng oras, babago man ang panahon kelangang mag-grow bilang isang matanda na hinasa sa disiplina mula noong pagkabata. May malaking kinalaman ang 'pagkabata' sa kung ano ka ngayon, sa kung ano ka meron ngayon at sa kung paano ka ngayon.
gayunpaman naniniwala akong hindi kawalan ng isang blog ang walang blog title. #sabi.
Huwebes, Setyembre 25, 2008
Miyerkules, Setyembre 24, 2008
rain rain go away!
Malakas ang ulan ngayon, nabasa nga ako papunta ng ofis, dahil ata sa bagyong parating.Kahapon nabasa din ako, wala kasi akong payong. Tamad akong magdala ng payong isa pa wala pa akong bagong payong, mas lalo ang kapute.
“The best thing one can do when it's raining is to let it rain.”
-Henry Wadsworth Longfellow
Masarap tumambay sa loob ng bahay pag umuulan.Masarap magkape, masarap magmeryenda, masarap manood ng t.v, masarap kumain, at higit sa lahat masarap matulog.Yon na rin ata ang isa sa mga benefits pag umuulan para sa mankind.
Naalala ko tuloy noong batang paslit pa lang ako na mahilig lumusong sa ulan, at ang tanging alam ko lang ay ang humiling na sana araw-araw umuulan.Mahilig talaga ako sumugod sa ulan na parang nakikigiyera. Laging may pabaon sa akin noon si inang mother na payong o kabute pero kung anong amoy nun mula noong binili ay ganun pa rin hangggang matapos ang school year--amoy pabrika, amoy bago.
Pero ngayon, mas nanaisin ko na lang na manatili sa bahay.

Labels:
go away,
http://taympers.blogspot.com,
qoute,
rain
pinoy ako...
Day off ko kahapon. Natural naglinis ako ng bahay ko, naglaba, nanood ng dvd at naglaro ng PSP, syemps sulitin ko na ang araw na wala akong pasok.
Sya nga pala, napanood ko yong documentary ni Kara David sa GMA-7 yong biyaheng sikmura, tungkol ito mga yagit na nakikikain sa mga prayer meetings, burol, feeding program o kahit anong tsibugan, wag ka... may schedule ang bawat kainan at kelangan nilang makadalo para lang magkalaman ang kanilang sikmura.
Sa panahon ngayon na naghihirap ang Pilipinas, masisisi ba natin sila?
"habang may sikmurang nagugutom, hindi maiaalis ang feeding program". Sa panahong naghihikahos ang maralita, nasa gobyerno ang may malaking responsibilidad para umunlad ang sambayanang Pilipino, kumilos man o magtrabaho sila kung kulang sila ng oportunidad para makahanap ng ikabubuhay... wala ring silbi.
Ayoko silang ikondena, dahil aware naman ako sa mga nangyayari sa ating bansa, hindi nila kasalanan maging mahirap ang pagkukulang lang nila ay ang tamang diskarte para mabuhay.
Kontento ako sa kung anong meron ako ngayon, nakakakain nang kahit anong gustuhin ko. Maswerte pa rin ako dahil tatlong beses pa rin ako nakakakain sa loob ng isang araw. Minsan sumasakit ang sikmura ko pero di dahil sa gutom dahil sa kabusugan kaya maswerte pa rin ako.
Hirap pa rin ang Pilipinas...
Hirap pa rin ang Pilipino...
Sino nga ba ang masisisi sa lahat nang to?

Lunes, Setyembre 22, 2008
in history of...
Hindi ako nakadalo ng PhilippineBlogawards2008 na ginanap dyan lang sa mall of asia. Di ko na rin kasi kinaya yong antok at puyat. Ayoko namang magmukha akong zombie sa ibang bloggers.
Para saan nga ba yon? Bakit kelangang dumalo? Andun ba si batman? Namumudmod ba doon ng blog license para lang makapagblog? may kainan ba doon?
Bilang isang blogger, at nagsisimula pa lamang sa industriyang ito (naks parang showbis) nakikinita ko na karapatan nang bawat isa na maging literado sa computer kahit basic man lang, at bilang literado prebilihiyo mong mag-blog, gumawa ng email, mag-friendster, mag-youtube o anupaman na may kinalan sa computer, dahil parte iyon.
Sa bansang tulad ng Pilipinas, ayun sa istatistika halos 55 percent lang ng mga pinoy ang may alam sa computer, di pa kasama dyan ang mga alien,maligno, multong kabayo, multong bakla kompara sa Western Countries na karamihan sa kanila ay may alam sa computer.( disclaimer: hindi ko alam kung updated yong article na nabasa ko, minsan kasi hilig ko din magbasa ng back issues.lol)
Noong elematary pa lang ako, mahilig magbasa nanay ko noon ng pocketbook,love stories na komiks, tabloid, at maging dyaryo na pinambalot sa tinapa, daing o tuyo.Kaya maaga akong naexpose sa kahalayan este sa pagbabasa, nangolekta na rin ako ng mga sinaunang readers digest,national geography, at ilang magazines. Pero noong nagkaroon ako ng project noong highschool ako; lost na, masaya ko na lang silang nakikita nakadikit sa isang malaking cartolina na punumpuno ng glitters at glue.
Kaya mula noon, nahilig na rin ako sa pagbabasa ng libro o kahit anong pwedeng basahin pati love letter ng kapatid ko.
At mula din noon, nahilig din ako sa pagsusulat, tinalikuran ko noon ang nagsisimula pa lang na interes sa pagpipinta.
Kaya heto ako ngayon, nagba-blog. Nagsususulat at nagbabasa.

blog,
history,
http://taympers.blogspot.com,
literate
Huwebes, Setyembre 18, 2008
human instinct
When someone breaks your heart, you turn into a small ball of self-pity.You lie on your bed, you hug your knees and keep them close like a fetus.
Sigmund Freud says:
"It's human instinct to go back to the womb where we can feel safe"

love...lablab...love
It is one of the greatest ironies of human existence that the more you love someone, the more you make yourself vulnerable in the pain of losing them, and the more people you love, the more you increase your chances of getting hurt. Yes, love makes you strong but at the same time it leaves you defenseless.
Miyerkules, Setyembre 17, 2008
taguan, GONE!
Hala! nahanap na ako ni utakmunggo, pinalitan ko na kasi yong url ko. Basta lang, pasekreto kunwari at feeling anonimous.
anyway, medyo ngarag ang day ko ngayon, dami ko kasi ginawa. May mga follow-ups ako sa agents at yong report pa na pinapagawa sa akin, pero okey lang part naman talaga yun ng trabahong pinasukan ko.
Nalungkot ako sa nabasa kong post ni rj, hindi ko alam kung sino ang pumanaw, pero kahit panu ramdam ko yong sakit ng nawalan.Madrama kasi ako eh, hilig ko na kasi ang panonood ng telenovela mula noong bata pa ako.
Anyway, hangad ko ang kabutihan para kay kuya rj, di nya ako kilala pero may isang bigkis ang nag-uugnay sa amin, kapwa ko sya blogger at higit sa lahat kapwa ko sya pilipino na ginagawa ang lahat para sa pamilya.Naway maging okey ang lahat.
PS:tataguan ulit kita ate utakmunggo.haha

Linggo, Setyembre 14, 2008
Anino
10:30 na ako umalis ng bahay kanina, tinatamad pa. Naghintay ako ng FX sa rotonda siguro mga ten minutes din yun pero wala akong nahita.Kaya minabuti ko na lang sumakay ng jeep at bumaba sa San Miguel Avenue, nilakad ang kahabaan ng nasabing kalye sa Ortigas tungo sa Working place ko. Madilim, hindi, medyo lang pala, pero basta madilim. Kita ko ang dinadaanan ko pero hindi ako kontento sa liwanag na nanggagaling mula sa lightpost at mga building na mga sekyung umaaktong gising pero tulog, lakad, sige lakad, lakad...hangang sa narating ko rin ang Tektite.
Salamat naman Diyos ko.
Kanina ko pa kasi ramdam na may sumusunod sa akin, at nakita ko isang malaking anino, pero ang nakakagulat wala namang tao.
Sisigaw na sana ako ng Rape! este magnanakaw! pero anong nanakawin sa akin? Isang bulsang naglalaman ng senkwenta pesos na barya, ATM na paubos na ang laman,celfon na luma, MP3 player na luma, at isang bolpen na nagtatae pa.
Narating ko ang aming Building, saka ko narealized... na ang mga ilaw na aking dinaanan ay kalat-kalat, scattered kaya malamang lumikha ito ng anino mula sa kalat-kalat na liwanag.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)