gayunpaman naniniwala akong hindi kawalan ng isang blog ang walang blog title. #sabi.
Lunes, Disyembre 26, 2011
merry xmas
wala kaming noche buena actually. dalawa lang naman kami ni albert, kaya hindi na. mas gugustuhin na lang namin pareho ang matulog o kaya magpahinga kesa sa maghanda pa nang kung anik anik pa. ilang taon na rin namang malayo kami sa pamilya kaya siguro sanay na kami pareho.
nasaksihan ko ang mismong paglapat ng kamay ng orasan sa impuntong alas-dose. maingay sa labas ng bahay. may nagpapaputok at maraming nagkakasiyahan. party party?
pero dahil nga halos limang oras na ang tulog ko, eh hindi na ako dalawin ng antok. kaya nagchat na lang ako sa phone ko using palringo platform. okay naman. maraming bagong kakilala.
alas singko na ng umaga ako natulog at alas dos na ako ng hapon nagising. mahaba habang tulugan yon,halos kalahating araw akong tulog. paglabas ko ng bahay maraming bata ang nagkalat, nakapustora. siguro mamamasko sa mga ninong at ninang. maswerte ako dahil nasa probinsya yong ilang inaanak ko, hehe.
yun, yun lang naman ang nangyari sa akin ngayong pasko ng 2011. merry christmas!
Huwebes, Disyembre 15, 2011
mema update lang
regarding lang dun sa christmas party namin last week. third placer lang kami. super practice pa naman kami last week. sabi kasi operatic, so kumanta yong iba while yong iba naman e sumayaw.kaso sa kasawiang palad, third place lang kami.
pero okey lang naman. atleast nakapagparticipate kami nang maayos. saka okey naman ang party. masquerade ang theme. yong iba sa amin pinaggastusan talaga, ako sakto lang. hehe.
anyway, nabili ko na pala yong book ni chico and delle. okey sya. tawa ako nang tawa sa mga top 10 nila. gusto kong bumili pa ng isa panregalo. 175.00 lang naman yun.
katatapos lang ng lunch ko ngayon so pahinga muna. pumipiteks habang wala pang transaction na dumarating. ayun, update ko lang naman ang blog ko.
Lunes, Disyembre 5, 2011
monday dilemma
basa ang kalsada as i expected, buong araw umulan kahapon. mahamog pa ang buong ortigas. few meters away zero visibility na. okey payn.
kung kahapon tinatamad ako, iba naman ngayong araw... parang feeling ko magiging hyper ako today. anyway, i supposed to have an outbound calls for today kaso wala pa akong bagong listahan.although 3 hours ko lang naman to ginagawa everyday kaso nakakaburyong din pala. paulit ulit na lang yong spiel.
may praktis pala kami sa sayaw ngayon para sa christmas party namin sa friday. hindi pa buo yong buong sayaw. nakakaasar lang. gusto naming manalo pero hindi pa namin makompleto.
may meeting akong dapat i-set ngayon para sa grupo ko kaso since magiging busy ako the whole week, i-aadjust ko muna to the following week. yong mga settled appointment ko this week ganun din, dahil sa praktis praktis na yan.
so far alas siete kuwarenta na wala pa rin akong ginagawa. hinihintay ko pa rin yong bagong list for my outbound calls. gusto kong tanggalin yong dnd ng phone ko para inbound na lang ako kaso baka may makausap akong irate caller masira ang lunes ko.
so there!
Linggo, Disyembre 4, 2011
bum ako today
tumutok lang ako sa national georaphic, kaso na-bore lang ako sa mga hitsura ng mga malalaking isda. nothing so fancy. so what i did, tumutok naman ako sa computer. doon napunta ang halos 8 hours ko, katumbas na yon ng isang duty ko sa trabaho. pero ayun, nagfacebook lang ako. nagbrowse sa yahoo, nagchat, nanood sa youtube at nag-hop sa mga blogs.
i should have a meeting today with groupmates sana. kaso yun nga umiral ang katamaran ko kaya i canceled it. wala talaga akong planong lumabas ng bahay. ang hype lang ng katamaran ko today, and i cant explain it very well. lume-level yong katamaran.
ano production ko today, wala. as in wala. di ko alam kung sisihin ko ba ang sarili ko because i let it happened or blame it to the weather. hay...
by the way yong mga platong huhugasan ko pala are starting to get bored too. sobrang tamad ko no. anyway, the day is almost over. i hope something productive will be done tomorrow.
Biyernes, Disyembre 2, 2011
tuloy lang mangarap, otep
Kaya this time, alam ko pangarap din nyang manalo sa patimpalak na to.
Kaya tutulungan ko syang manalo. i vote for otep of Libre Lang Mangarap for the 2011 Philippine Blog Awards Bloggers' Choice
Lunes, Nobyembre 28, 2011
ansabe?
you cant summon the rainbow if you're just sitting in a window. you can never leave a footprints if you dont know how to walk. you can never be happy if you dont know how to enjoy. you can never say you're dead if you dont know how to breath.
i know, i can be poetic sometimes but being so... does not move the mountain or paint the sky into hue of emotions. i can never be yours nor you can be mine. the feeling is mutual, we are both fading away. and I bid my goodbye. #sabi lang ng aking alterego.
Sabado, Nobyembre 26, 2011
thanksgiving
wala akong muwang sa mundong pinasukan ko. nagtatrabaho ako sa isang worldwide money transfer. dati wala ako kaalam-alam sa mga forex na yan, sa currency ng bawat bansa, sa rate nito, ni ganyan.
natuto lang ako syempre dahil sa tranining na napagdaanan ko. at andami kong natutunan, syempre. madami din akong na-absorb di lang sa mga dapat kong matutunan dito sa opisina kundi maging pampersonal na aspeto din.
madami akong naranasan dito na nagbigay sa akin ng tibay ng loob at marating ang mga dapat kong matutunan.
at dahil thanksgiving kahapon sa US. ayun nagpapasalamat lang ako.
happy thanksgiving!
Sabado, Nobyembre 19, 2011
check email
wala nang clutter. as in malinis na. araw araw kasi nagche-check ako ng email ko. siguro nakakatanggap ako ng mahigit benteng emails.
ganun pala ano. nakakamiss din palang magbasa ng mga pampatigas, pampahaba, pampatagal, at check this link, click to see me, join now to get free longlasting capsules, at free ipad ek ek.
malinis na yong email ko kanina. may pumapasok pero more on fb notifications na lang. naisip ko parang may kulang.
Martes, Nobyembre 15, 2011
dapat mayaman na ako
pangalawa kong bibilhin, kotse. pero bago pa man ako magkaroon dapat marunong na akong magdrive. ayoko magkaroon ng driver. tamang yaman lang. atsaka dapat yong kotse ko eh may gps. hindi ako marunong sa pasikot sikot na daan dito sa metro manila. atsaka ang cool lang.
pangatlo kong bibilhin lupa. bibili ako ng lupa sa amin, sa probinsya. tapos gusto ko may farm ako. para just in case kelangan kong umuwi sa amin, may paglilibangan ako. ayos yun di ba?
may plano ako in 5 years time, dapat mayaman na ako.
Huwebes, Nobyembre 10, 2011
happy bday to me
'nak kelan ka mag-aasawa para naman magka-apo na kami ng nanay mo?
waaah. itay naman. wala pa akong savings. wala pa akong kotse. wala pa tayong magandang bahay at lupa. in-enjoy ko muna ang pagiging binata ko at this age. kaya please wala munang ganyang pressure. hahaha.
kung gusto nyong magka-apo andyan si pipi, yong aso natin. hahaha
i requested my friends to make me a fansign, picture greeting ba. ayun so far they continously posting it sa wall ko sa fb. masaya kasi they never fail me to amuse how generous and corteous they are. lol. pero in serious note, i thank them for such a good deed.
even people here in the office. i even received gifts and birthday cakes from my staff and colleagues. ansaya saya lang. less gastos more more fun! hahaha.
may natanggap akong cake mula kay wella, starbucks coffee from marg, tshirt from my staff, and greeting card from colleagues, picture greeting from blogger friends. and patuloy sa pagdagsa pa yong iba. ansaya saya talaga. hahaha
pressured tuloy ako kung ano ipapalamon ko sa mga tao dito. sabagay di naman sila choosy.
happy bday to me!
Martes, Nobyembre 8, 2011
flush
mapanghi! sa totoo lang.
Lunes, Oktubre 31, 2011
tamad. alay. uwi.
Sabado, Oktubre 29, 2011
sana di na mangyari sa akin to
Lunes, Oktubre 24, 2011
bagong schedule
Linggo, Oktubre 23, 2011
kapagod
sunday, anong mantra?
Sabado, Oktubre 15, 2011
ompyang
Linggo, Oktubre 9, 2011
Si Thea
“Tatlong putok po.”
Bang! Bang! Bang!
Saka matitigilan sa pagkukuwento si Thea. Nagpakawala ako ng ngiti bilang pagsasabing okey lang basta hangang kaya pa nyang ilahad.Ngunit tumigil na sya sa puntong yon. Huminga ako ng malalim. Yun at yun na naman kasi ang tagpo kung saan kami humihinto. Paulit-ulit na lang pero hindi ko sya masisisi, iba yong trauma na idinulot na yon kay Thea.
Tumingin lang ako sa kanyang mga mata. Habang sya e patuloy na lumuluha at paimpit na umiiyak yakap yakap ang munting manika.
“O sya tahan na.Itutuloy na lang natin sa susunod na araw tumayo ka na dyan at ipapasundo na kita” saad ko sabay haplos sa kanyang buhok. Ngumiti ako.
Isa akong child psychologist at normal lang sa kalagayan ni Thea ang kanyang nararanasan bilang pasyente. Kinuha ko ang folder na naglalaman ng kanyang record.
Thea Jimenez.
12 taong gulang. Nakararanas ng Post traumatic Disorder...
Nakaranas ng child abuse at depression…
Hindi ko na itinuloy ang pagbabasa sapagkat lalo lang nagpapabigat sa aking dibdib yong mga nararanasan nya. Minarapat ko na lamang basahin tong muli sa susunod na araw bago kami muling magkita ni Thea. Tumingin ako sa relos ko, alas singko na pala ng hapon. Kailangan ko nang gumayak para umuwi.
Habang nasa pasilyo ako sumilip ako sa kwarto ni Thea. Malamlam ang kanyang mga mata habang yakap yakap ang kanyang munting manika. Nakatanaw sa malayo sa gawi kung saan palubog na ang haring araw.Hindi na ako nagtangkang pumasok pa. Huminga lang ako ng malalim saka umalis. Iniwan ko ang hospital o asylum kung tawagin ng nakararami pero para sa akin pangalawa ko na ‘tong tahanan.
Araw ng Martes. Alas otso ng umaga.
“Kailangan mong mailabas yang nararamdaman mo. Kung kailangan mong humagulgol na iyak ihagulgol mo! Basta ang kailangan ikukuwento mo lahat ng nangyari para matulungan kita.Andito lang naman ako. Kailangan ko lang ng ilang detalye para sa assessment mo, para sa ikagagaling mo.”
“Nag-aaway noon si Mama at Papa.”
“Tapos?”
“Sinasaktan ni Papa si Mama.”
“Nasan ka nung mga oras na yon? Anong ginagawa mo? Nagpawalang bahala ka ba o nangialam sa away nila? Anong nangyari?” Sunod sunod kong tanong.Ngunit naging maramot sya sa sagot. At kung minalas malas ka pa e yong hindi ka-pulidong sagot.
“ha-ha-ha-ha-ha. Naniwala ka naman? Ha-ha-ha-ha-ha.” Tanging tugon lang nya sa mga tanong ko. Tinawanan lang ako ng malakas na animoy nakipaglolokohan lang sa akin. Ganun lagi ang eksena naming kung hindi iiyak e tatawa naman ng pagkalakas lakas.
“pero…pero… natakot ako kasi si Papa… kasi si Papa, ma-may da-dalang baril. Nagta-ta-ta—go nga ako e. Naka-ka---katakot kasi naki--kita ko si-si Papa sina-saktan si… Mama.” paputol-putol nyang pagsasaad.
Noon ko lang narinig yon sa kanya. Bagong detalyeng makapagdadagdag sa assessment nya sa akin.
“bakit ka natatakot kay Papa?”
“Kasi hindi naman talaga sya totoo kong Papa e. Sa-ka ma-may baril sya ka-kaya ako natakot.”
“Sinasaktan ka ba nya?”
“Sinasaktan ka ba nya Thea?” Muli kong pagtatanong.Hindi umimik si Thea. Hawak hawak nya yong manika ng mahigpit,saka niyakap ng pagkahigpit-higpit.
“Hindi ko sasabihin kasi baka magalit si Papa ba-baka kunin sa a-akin si miyaka.”
Miyaka, pangalan ng kanyang manika. Sa lahat ng pagkakataon lagi nyang kasama ang kanyang manika hindi ko lubos maisip kung ano meron ang manikang yon at ganun na lang ang attachment nito sa bata.
Hindi na muling nagsalita pa si Thea. Pero mabuti naman at nakapagkwento na sya ng mahaba-haba. Sana sa susunod na araw ganun muli. Napangiti ako, nakikinita ko na may pag-asa pang gumaling si Thea. Kahit anumang mangyari pipilitin kong mapagaling ang bata. Alam kong gagaling sya. Malakas ang kompyansa ko sa sarili. Hindi kami pareho patatalo.
Biyernes. Alas-otso ng umaga.
Tahimik na nakaupo si Thea. Muli kong binuksan yong kanyang record. Pero lolokohin ko lang ang sarili ko kung bakit ko bubulatlatin yon para lang muling basahin. Ano ba naman yan! Kahit pa siguro ilang beses mawala tong record nya e memoryado ko na halos lahat. Ni-ultimo kulay ng mata at ng kanyang paboritong tv show e alam ko. Inilapag ko na lang yong folder sa lamesa ko. Muling huminga ng malamim atsaka nagtanong.
“Hindi ba hindi mo tunay na papa si Papa Paul mo?”
Tumingin lang sya sa akin. Mga ilang segundo din yon at kung di pa ako maglilihis ng tingin e walang mangyayari.
“mahal ka ba ni Papa Paul?” Pag-iiba ko ng tanong.
Muli, wala akong nakuhang sagot kundi…
“Tatlong putok! Bang! Bang! Bang!”
“ha-ha-ha-ha-ha-ha”
Umismid ako saka ko sya tiningnan ng malalim. Kita ko sa kanyang mata ang lungkot. May malalim na pinanggagalingan ang bawat saliw ng kanyang mga mata. Hindi ako kumilos sa kinalalagyan ko at patuloy lang syang aking pinagmamasdan. Patuloy lang sya sa pagtawa. Pinagmasdan ko ang pagkakahawak nya sa manika. Mahigpit.
Sa mga oras na yon gusto ko nang panghinaan ng loob. Muling nanumbalik sa akin yong kawalan ng pag-asa ko kay Thea. Yumuko lang ako. Ayaw kong ipakita kay Thea na nangingilid na yong luha ko sa magkabilang mata.Ayaw ko ring ipakitang pinaghihinaan na ako ng loob. Hindi ko alam kung magagampanan ko yong propesyon ko bilang doktor nya. Natatakot ako. Ngunit hindi ako titigil hangat di sya gumaling. Kung maliit man yong tsansang bumalik sya sa katinuan nananatili pa rin akong positibo sa ngalan ng maliit na pag-asang yon.
Hinugot ko ang panyo sa aking bulsa para magpunas ng kung anumang likido ang kumatas sa aking mga mata. Tumigil sya sa pagtawa.
Nung pagtingala ko nakita ko syang nakatingin sa akin, nagtataka. Ngumiti ako ngunit blangkong mukha lang ang iginanti nya. Tangan tangan pa rin nya ang kanyang munting manika, ng mahigpit.
At sa blangkong mukha unti-unting tumulo ang kanyang mga luha. Agad ko syang pinalapit sa akin at pinusan ang kanyang mga luha. Alam ko sa propesyon ko hindi dapat ako magpapa-apekto pero mahirap sa akin, sa kalagayan ko, sa kalagayan namin ni Thea at sa ganitong klase ng sitwasyon.
“Thea, tingin ka sa akin. Ako ang yong doktor, ako si Doc Mario. Pipilitin kitang mapagaling sa abot ng aking makakaya. Gusto kong bumalik yong normal mong buhay, yong muli kang makapaglaro ng malaya, yong may makakalaro ka na. Lahat gagawin ko para sa ‘yo. Thea...Thea... anak kilala mo pa ba ako? Ako to si Daddy, yong tunay mong papa. Ako ‘to anak,--- si daddy to anak, Thea si Daddy ‘to. Nakikilala mo ba pa ako?” Paglalahad ko sa kanya habang hawak ko sya sa magkabilang balikat. Unti-unting tumutulo ang aking luha sa magkabilang pisngi.
Hindi ko magawang tumahan sa pag-iyak pero wala akong ibang magawa kundi ang maiyak at kaawaan sya. Ilang ulit na rin akong humingi ng tawad pero hindi sapat yong pagpapaliwanag ko para maintindihan nya. Ako si Mario Jimenez ang daddy ni Thea.
Tumingin lang sya sa akin. Nag-usap ang aming mga mata. Saka ko sya niyakap. At sa mga oras na yon naramdaman ko ang pagkapit ng kamay nya sa aking likod. Pareho kaming humagulgol. Kumalas sa kanyang mga kamay ang munting manikang pakamamahal nya. Yon din yong manikang ini-regalo ko sa kanya noong sya’y bata pa.
Tatlong putok ang umalingawngaw sa buong paligid.
Bang! Bang! Bang!
Nagdilim ang langit. Kumuyom ang liwanag. Bumalot ang malamig na hangin. Huminto ang lahat. Nakabibinging katahimikan.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espitu-Santo. Amen.
sangkap para sa http://www.saranggolablogawards.com/