gayunpaman naniniwala akong hindi kawalan ng isang blog ang walang blog title. #sabi.
Lunes, Oktubre 31, 2011
tamad. alay. uwi.
Sabado, Oktubre 29, 2011
sana di na mangyari sa akin to
Lunes, Oktubre 24, 2011
bagong schedule
Linggo, Oktubre 23, 2011
kapagod
sunday, anong mantra?
Sabado, Oktubre 15, 2011
ompyang
Linggo, Oktubre 9, 2011
Si Thea
“Tatlong putok po.”
Bang! Bang! Bang!
Saka matitigilan sa pagkukuwento si Thea. Nagpakawala ako ng ngiti bilang pagsasabing okey lang basta hangang kaya pa nyang ilahad.Ngunit tumigil na sya sa puntong yon. Huminga ako ng malalim. Yun at yun na naman kasi ang tagpo kung saan kami humihinto. Paulit-ulit na lang pero hindi ko sya masisisi, iba yong trauma na idinulot na yon kay Thea.
Tumingin lang ako sa kanyang mga mata. Habang sya e patuloy na lumuluha at paimpit na umiiyak yakap yakap ang munting manika.
“O sya tahan na.Itutuloy na lang natin sa susunod na araw tumayo ka na dyan at ipapasundo na kita” saad ko sabay haplos sa kanyang buhok. Ngumiti ako.
Isa akong child psychologist at normal lang sa kalagayan ni Thea ang kanyang nararanasan bilang pasyente. Kinuha ko ang folder na naglalaman ng kanyang record.
Thea Jimenez.
12 taong gulang. Nakararanas ng Post traumatic Disorder...
Nakaranas ng child abuse at depression…
Hindi ko na itinuloy ang pagbabasa sapagkat lalo lang nagpapabigat sa aking dibdib yong mga nararanasan nya. Minarapat ko na lamang basahin tong muli sa susunod na araw bago kami muling magkita ni Thea. Tumingin ako sa relos ko, alas singko na pala ng hapon. Kailangan ko nang gumayak para umuwi.
Habang nasa pasilyo ako sumilip ako sa kwarto ni Thea. Malamlam ang kanyang mga mata habang yakap yakap ang kanyang munting manika. Nakatanaw sa malayo sa gawi kung saan palubog na ang haring araw.Hindi na ako nagtangkang pumasok pa. Huminga lang ako ng malalim saka umalis. Iniwan ko ang hospital o asylum kung tawagin ng nakararami pero para sa akin pangalawa ko na ‘tong tahanan.
Araw ng Martes. Alas otso ng umaga.
“Kailangan mong mailabas yang nararamdaman mo. Kung kailangan mong humagulgol na iyak ihagulgol mo! Basta ang kailangan ikukuwento mo lahat ng nangyari para matulungan kita.Andito lang naman ako. Kailangan ko lang ng ilang detalye para sa assessment mo, para sa ikagagaling mo.”
“Nag-aaway noon si Mama at Papa.”
“Tapos?”
“Sinasaktan ni Papa si Mama.”
“Nasan ka nung mga oras na yon? Anong ginagawa mo? Nagpawalang bahala ka ba o nangialam sa away nila? Anong nangyari?” Sunod sunod kong tanong.Ngunit naging maramot sya sa sagot. At kung minalas malas ka pa e yong hindi ka-pulidong sagot.
“ha-ha-ha-ha-ha. Naniwala ka naman? Ha-ha-ha-ha-ha.” Tanging tugon lang nya sa mga tanong ko. Tinawanan lang ako ng malakas na animoy nakipaglolokohan lang sa akin. Ganun lagi ang eksena naming kung hindi iiyak e tatawa naman ng pagkalakas lakas.
“pero…pero… natakot ako kasi si Papa… kasi si Papa, ma-may da-dalang baril. Nagta-ta-ta—go nga ako e. Naka-ka---katakot kasi naki--kita ko si-si Papa sina-saktan si… Mama.” paputol-putol nyang pagsasaad.
Noon ko lang narinig yon sa kanya. Bagong detalyeng makapagdadagdag sa assessment nya sa akin.
“bakit ka natatakot kay Papa?”
“Kasi hindi naman talaga sya totoo kong Papa e. Sa-ka ma-may baril sya ka-kaya ako natakot.”
“Sinasaktan ka ba nya?”
“Sinasaktan ka ba nya Thea?” Muli kong pagtatanong.Hindi umimik si Thea. Hawak hawak nya yong manika ng mahigpit,saka niyakap ng pagkahigpit-higpit.
“Hindi ko sasabihin kasi baka magalit si Papa ba-baka kunin sa a-akin si miyaka.”
Miyaka, pangalan ng kanyang manika. Sa lahat ng pagkakataon lagi nyang kasama ang kanyang manika hindi ko lubos maisip kung ano meron ang manikang yon at ganun na lang ang attachment nito sa bata.
Hindi na muling nagsalita pa si Thea. Pero mabuti naman at nakapagkwento na sya ng mahaba-haba. Sana sa susunod na araw ganun muli. Napangiti ako, nakikinita ko na may pag-asa pang gumaling si Thea. Kahit anumang mangyari pipilitin kong mapagaling ang bata. Alam kong gagaling sya. Malakas ang kompyansa ko sa sarili. Hindi kami pareho patatalo.
Biyernes. Alas-otso ng umaga.
Tahimik na nakaupo si Thea. Muli kong binuksan yong kanyang record. Pero lolokohin ko lang ang sarili ko kung bakit ko bubulatlatin yon para lang muling basahin. Ano ba naman yan! Kahit pa siguro ilang beses mawala tong record nya e memoryado ko na halos lahat. Ni-ultimo kulay ng mata at ng kanyang paboritong tv show e alam ko. Inilapag ko na lang yong folder sa lamesa ko. Muling huminga ng malamim atsaka nagtanong.
“Hindi ba hindi mo tunay na papa si Papa Paul mo?”
Tumingin lang sya sa akin. Mga ilang segundo din yon at kung di pa ako maglilihis ng tingin e walang mangyayari.
“mahal ka ba ni Papa Paul?” Pag-iiba ko ng tanong.
Muli, wala akong nakuhang sagot kundi…
“Tatlong putok! Bang! Bang! Bang!”
“ha-ha-ha-ha-ha-ha”
Umismid ako saka ko sya tiningnan ng malalim. Kita ko sa kanyang mata ang lungkot. May malalim na pinanggagalingan ang bawat saliw ng kanyang mga mata. Hindi ako kumilos sa kinalalagyan ko at patuloy lang syang aking pinagmamasdan. Patuloy lang sya sa pagtawa. Pinagmasdan ko ang pagkakahawak nya sa manika. Mahigpit.
Sa mga oras na yon gusto ko nang panghinaan ng loob. Muling nanumbalik sa akin yong kawalan ng pag-asa ko kay Thea. Yumuko lang ako. Ayaw kong ipakita kay Thea na nangingilid na yong luha ko sa magkabilang mata.Ayaw ko ring ipakitang pinaghihinaan na ako ng loob. Hindi ko alam kung magagampanan ko yong propesyon ko bilang doktor nya. Natatakot ako. Ngunit hindi ako titigil hangat di sya gumaling. Kung maliit man yong tsansang bumalik sya sa katinuan nananatili pa rin akong positibo sa ngalan ng maliit na pag-asang yon.
Hinugot ko ang panyo sa aking bulsa para magpunas ng kung anumang likido ang kumatas sa aking mga mata. Tumigil sya sa pagtawa.
Nung pagtingala ko nakita ko syang nakatingin sa akin, nagtataka. Ngumiti ako ngunit blangkong mukha lang ang iginanti nya. Tangan tangan pa rin nya ang kanyang munting manika, ng mahigpit.
At sa blangkong mukha unti-unting tumulo ang kanyang mga luha. Agad ko syang pinalapit sa akin at pinusan ang kanyang mga luha. Alam ko sa propesyon ko hindi dapat ako magpapa-apekto pero mahirap sa akin, sa kalagayan ko, sa kalagayan namin ni Thea at sa ganitong klase ng sitwasyon.
“Thea, tingin ka sa akin. Ako ang yong doktor, ako si Doc Mario. Pipilitin kitang mapagaling sa abot ng aking makakaya. Gusto kong bumalik yong normal mong buhay, yong muli kang makapaglaro ng malaya, yong may makakalaro ka na. Lahat gagawin ko para sa ‘yo. Thea...Thea... anak kilala mo pa ba ako? Ako to si Daddy, yong tunay mong papa. Ako ‘to anak,--- si daddy to anak, Thea si Daddy ‘to. Nakikilala mo ba pa ako?” Paglalahad ko sa kanya habang hawak ko sya sa magkabilang balikat. Unti-unting tumutulo ang aking luha sa magkabilang pisngi.
Hindi ko magawang tumahan sa pag-iyak pero wala akong ibang magawa kundi ang maiyak at kaawaan sya. Ilang ulit na rin akong humingi ng tawad pero hindi sapat yong pagpapaliwanag ko para maintindihan nya. Ako si Mario Jimenez ang daddy ni Thea.
Tumingin lang sya sa akin. Nag-usap ang aming mga mata. Saka ko sya niyakap. At sa mga oras na yon naramdaman ko ang pagkapit ng kamay nya sa aking likod. Pareho kaming humagulgol. Kumalas sa kanyang mga kamay ang munting manikang pakamamahal nya. Yon din yong manikang ini-regalo ko sa kanya noong sya’y bata pa.
Tatlong putok ang umalingawngaw sa buong paligid.
Bang! Bang! Bang!
Nagdilim ang langit. Kumuyom ang liwanag. Bumalot ang malamig na hangin. Huminto ang lahat. Nakabibinging katahimikan.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espitu-Santo. Amen.
sangkap para sa http://www.saranggolablogawards.com/