Lunes, Disyembre 26, 2011

merry xmas

bisperas ng pasko. natulog ako mula alas sais ng hapon hanggang alas onse ng gabi. isang oras bago ang opisyal na pasko. 04:30 pa lang kasi umuwi na kami mula sa trabaho kaya dahil na rin siguro sa pagod mula sa opisina, nakatulog na ako.

wala kaming noche buena actually. dalawa lang naman kami ni albert, kaya hindi na. mas gugustuhin na lang namin pareho ang matulog o kaya magpahinga kesa sa maghanda pa nang kung anik anik pa. ilang taon na rin namang malayo kami sa pamilya kaya siguro sanay na kami pareho.

nasaksihan ko ang mismong paglapat ng kamay ng orasan sa impuntong alas-dose. maingay sa labas ng bahay. may nagpapaputok at maraming nagkakasiyahan. party party?

pero dahil nga halos limang oras na ang tulog ko, eh hindi na ako dalawin ng antok. kaya nagchat na lang ako sa phone ko using palringo platform. okay naman. maraming bagong kakilala.

alas singko na ng umaga ako natulog at alas dos na ako ng hapon nagising. mahaba habang tulugan yon,halos kalahating araw akong tulog. paglabas ko ng bahay maraming bata ang nagkalat, nakapustora. siguro mamamasko sa mga ninong at ninang. maswerte ako dahil nasa probinsya yong ilang inaanak ko, hehe.

yun, yun lang naman ang nangyari sa akin ngayong pasko ng 2011. merry christmas!

Huwebes, Disyembre 15, 2011

mema update lang


regarding lang dun sa christmas party namin last week. third placer lang kami. super practice pa naman kami last week. sabi kasi operatic, so kumanta yong iba while yong iba naman e sumayaw.kaso sa kasawiang palad, third place lang kami.

pero okey lang naman. atleast nakapagparticipate kami nang maayos. saka okey naman ang party. masquerade ang theme. yong iba sa amin pinaggastusan talaga, ako sakto lang. hehe.

anyway, nabili ko na pala yong book ni chico and delle. okey sya. tawa ako nang tawa sa mga top 10 nila. gusto kong bumili pa ng isa panregalo. 175.00 lang naman yun.

katatapos lang ng lunch ko ngayon so pahinga muna. pumipiteks habang wala pang transaction na dumarating. ayun, update ko lang naman ang blog ko.

Lunes, Disyembre 5, 2011

monday dilemma

2am na ako nakatulog kagabi. as usual nagbabad na naman ako sa internet. alas sais pa ang pasok ko kaya alas singko pa lang dapat gising na ang ulirat ko. wala namang naging casual damage sa paggising ko.

basa ang kalsada as i expected, buong araw umulan kahapon. mahamog pa ang buong ortigas. few meters away zero visibility na. okey payn.

kung kahapon tinatamad ako, iba naman ngayong araw... parang feeling ko magiging hyper ako today. anyway, i supposed to have an outbound calls for today kaso wala pa akong bagong listahan.although 3 hours ko lang naman to ginagawa everyday kaso nakakaburyong din pala. paulit ulit na lang yong spiel.

may praktis pala kami sa sayaw ngayon para sa christmas party namin sa friday. hindi pa buo yong buong sayaw. nakakaasar lang. gusto naming manalo pero hindi pa namin makompleto.

may meeting akong dapat i-set ngayon para sa grupo ko kaso since magiging busy ako the whole week, i-aadjust ko muna to the following week. yong mga settled appointment ko this week ganun din, dahil sa praktis praktis na yan.

so far alas siete kuwarenta na wala pa rin akong ginagawa. hinihintay ko pa rin yong bagong list for my outbound calls. gusto kong tanggalin yong dnd ng phone ko para inbound na lang ako kaso baka may makausap akong irate caller masira ang lunes ko.

so there!

Linggo, Disyembre 4, 2011

bum ako today

i feel so bum today. and i can blame it sa halos buong araw na umuulan. i woke up past 12 na ng tanghali, and have not done any house chores yet. i supposed to clean the bathroom and do some general cleaning around the house but since nakakatamad ang panahon, i stayed watching tv. lumabas lang ako ng bahay kaninang 2pm para ipa-laundry na lang yong mga damit na lalabhan ko sana today.

tumutok lang ako sa national georaphic, kaso na-bore lang ako sa mga hitsura ng mga malalaking isda. nothing so fancy. so what i did, tumutok naman ako sa computer. doon napunta ang halos 8 hours ko, katumbas na yon ng isang duty ko sa trabaho. pero ayun, nagfacebook lang ako. nagbrowse sa yahoo, nagchat, nanood sa youtube at nag-hop sa mga blogs.

i should have a meeting today with groupmates sana. kaso yun nga umiral ang katamaran ko kaya i canceled it. wala talaga akong planong lumabas ng bahay. ang hype lang ng katamaran ko today, and i cant explain it very well. lume-level yong katamaran.

ano production ko today, wala. as in wala. di ko alam kung sisihin ko ba ang sarili ko because i let it happened or blame it to the weather. hay...

by the way yong mga platong huhugasan ko pala are starting to get bored too. sobrang tamad ko no. anyway, the day is almost over. i hope something productive will be done tomorrow.

Biyernes, Disyembre 2, 2011

tuloy lang mangarap, otep

Lahat naman tayo nangangarap. lahat naman tayo may pangarap. lahat naman tayo marunong mangarap. sabi nga, libre lang naman to bakit hindi na natin i-grab yong chance na yon.

Kaya this time, alam ko pangarap din nyang manalo sa patimpalak na to.

Kaya tutulungan ko syang manalo. i vote for otep of Libre Lang Mangarap for the 2011 Philippine Blog Awards Bloggers' Choice