Lunes, Marso 26, 2012

chloe, my newest toy


last week bumili ako ng puppy. ewan ko ba kung impulse buying ang nangyari o talagang pagkakataon ko nang bumili ng pet. i have been wanting to have one ang kaso mo bawal sa apartment ko pero since wala na yong orihinal na may ari at landlord na lang nagpasaway ako, breach kung breach ang kontrata. lol.

her name is chloe. ang sosyal lang di ba? parang cartoons hahaha. she is a crossbreed of shitzu and mini pinscher. at ang kuleeeet. nung unang mga araw medyo matamlay sya, siguro dahil sa bagong environment pero nung mga 2 or 3 days after na, ayun nagiging makulit na. she likes going out for a walk. kaya parati kami sa parke tumambay, i make her socialize para sa kanyang behavior.

next week pa ang sched nya sa vet para sa kanyang vaccine. actually wala pa syang antirabbies vaccines kasi kadedewormed lang nya. pero may vitamins naman sya, yong amoy tiki-tiki. pero gustong gusto nya.

about dun naman sa foods nya, mas gusto nya ang table food kesa sa dog food... so i always prepare her a ground beef sauted in tomato sauce. okey naman sya dun. minsan nga kanin pa na may sabaw e. okey din sya sa milk. pero yong milk nya dapat ay lactose free para di magkaroon ng complication ang kanyang digestion.

kasama ko sya sa gabi kung matulog, mahilig syang sumiksik sa kili kili ko. siguro dahil mainit. at ang cute cute nya kung matulog parang baby. humihilik pa nga e. haaay.. kaya may reason na akong umuwi ng bahay nang maaga.

sana lumaki syang disciplined. :)

Biyernes, Marso 16, 2012

lagablab

Love ONE...! Not TWO
But love the one who loves you too...

Love not THREE, not FOUR
But love the one who loves you more...

Love not FIVE, not SIX
But love the one who really sticks...

Love not SEVEN, not EIGHT
But love the one who's willing to wait...

Love not NINE,not TEN
But love the one who'll love you till the END....

Huwebes, Marso 15, 2012

healthy living eh?

two weeks na akong nagbabawas ng timbang. 122lbs ang weight ko, though normal naman para sa aking BMI pero nalalakihan ako sa tyan ko.
so more more cardio ako this last few days. tapos sit ups at push ups. masakit sya sa katawan, hindi biro yong 30mins na exercise na yan para lang
maging lean ang body ko. tapos nagbawas na din ako ng kanin. dati nakaka 2 cups of rice ako, ngayon one cup na lang sa lunch. tapos sa gabi oatmeal or fried egg ang veggies na lang.

part din ng diet ko ngayon yong brownrice at lean foods. more protein ang kelangan para maging lean, so far nagkakashape naman ang braso ko at nagiging firm yong maskels. medyo lumiit na din ng onti ang aking belly.

ibang klase ng lifestyle ang pinagkakaabalahan ko ngayon, dati kasi mas malaki yong oras na nagugugol ko sa harap ng pc sabay ng isang pakete ng chippy at coke zero. ngayon hindi na, exercise na tapos eating healthy foods kuno. saka magastos ang magdiet.

but so far nakikita ko naman yong result, nagkasya na yong mga pantalon kong dati'y di ko masuot. ang sarap ng feeling ng ganung achievement, achieve na achieve!

sa ngayon ang problema ko is yong pagpupuyat, di ko maiwasan. alas dose or ala una na ng madaling araw ako nakakatulog sabay gising ng alas sais y medya ng umaga. doon ako nagkukulang. kelangan kong i-adjust yong sleeping habit ko. crap!

balak ko din palang bumili ng whey protein kaso di pa kaya ng budget ko, may kamahalan sa isang aliping sagigilid na tulad ko. tiis tiis muna sa gatas at itlog kaso dapat moderate lang para di mataas ang calorie content.

last saturday 122lbs ang weight ko, goodluck sa akin this coming saturday. sana may mabawas kahit pano.

Lunes, Marso 5, 2012

marso

marso na.
andaming nangyari nitong january at february pero di ko naidocument thru blogging. isa dyan yong nagkita-kita kami ng mga dati kong classmates sa college.first time ever after graduation. bumalik sa amin yong dating kulitan and everything.napag-usapan ang mga dating lovelife, profs, subject, major, mga classmates at delusional torture.

lately, nagkaroon ako ng sakit. sinisipon ako saka inuubo. i find it ironic na pag umiinom ako ng vitamin c the more na susceptible ako sa sakit like colds.
nahinto din ako sa hobby kung photography, ewan ko ba... tinamad akong mag-edit ng photos. upload lang nang upload kahit kelangan ibrush-up ng konti sa contrast at brightness.

ngayon naman nahihilig ako sa pagluluto. gusto ko magluto ng kung anu anong putahe. pero pag naluto na, wala naman akong ganang kumain dala na siguro ng pagkasawa dahil tikim ng tikim.
kaya ang siste binabaon ko sa opis kaya mga kaopisina ko ang lumalantak. moment of success naman sa akin hahaha.

sana kung ano yong dapat kong matapos ngayong march, sana successful. wish me luck.