gayunpaman naniniwala akong hindi kawalan ng isang blog ang walang blog title. #sabi.
Biyernes, Abril 27, 2012
kass bday
wala pa akong matinong tulog. galing ako sa birthday party ng isang frend. at halos tatlong oras lang ang tulog ko, putol putol pa.
yong isang staff ko, si patrick natulog sa bahay ko. walang kiyeme. cowboy. yun ang gusto ko, walang inhibitions sa katawan at kaartehan.
kaso kanina pagpasok namin, pareho kaming puyat. goodluck. sana walang error today.
random act of kindness:
nag tip ako ng 40 pesos sa taxi driver kahit okey lang sa kanyang wag na akong magbigay. pero nagpumilit ako. ako nang mayaman. :))
Huwebes, Abril 26, 2012
nasa ikatlong buwan na si chloe ngayon, yong pet ko. ang kulit kulit na nya. mahilig ngumatngat, kaya minsan imbes na chloe ang pangalan nya tinatawag ko syang natalie, ngatngatalie.
madalas kaming magwalk sa labas. kelangan kasi nya yon bilang exercise nya. tuwang tuwa sya pag nasa labas kami, para syang nakalayang ibon. may malapit kasing parke sa amin, doon kami madalas tumambay ni chloe. halos kilala na nya ang lugar. pag alam nyang malapit na kami, kumakawag kawag na yong buntot nya.
ang kyut nyang tingnan pag hinahabol nya ako. napaka-active sa paglalaro. after naman namin maglaro at nasa bahay na kami pareho, pupunta yon sa ilalim ng kama at matutulog, sobrang pagod kasi nya.
ito pala ang pic ni chloe ngayong 3 months old na sya.
Miyerkules, Abril 25, 2012
random act of kindness #1
today, i made a paypal transfer to a pozzie. He has been struggling that HIV for almost 3 years, i think. and for the act of kindness and support, i transferred a small amount into his account. may God bless him always. will pray for him too. :)
Biyernes, Abril 6, 2012
biyernes santo
biyernes santo. may pasok ako ngayon. kung anong sing-ingay ng telepono namin during normal operation e sing tahimik naman ng kasingit singitan ng mga pinto namin. nakakaurat ang katahimikan. apat lang kaming pumasok, ako, si paolo, si chichi at si ate ara. tanging ang tipak lang ng keyboard lang namin ang naririnig namin.
nakabibinging katahimikan.
kanina ko pa pinagmamasdan yong umiikot na balerina, kung pakaliwa o kung pakanan ba talaga. napapagpalit ko. bwisit.
ang luwang luwang ng kalsada, ang luwang luwang ng presence of mind ko. wala akong masyadong ginagawa. as in wala. nakakaurat na din ang twitter at facebook. wala kang ibang mababasa dun kundi ang taas ng ihi ng iba. kung di naman eh panghi ng ihi nila.
gusto kong kontakin yong kaibigan kong nasa US ngayon, kaso anong oras na baka tulog na. kasarapan na ng tulog at naglalaway pa.
sinisilip ko ngayon kung magkano ang laman ng pitaka ko. 400 pesos. panigurado hindi 'to magkakasya sa loob ng isang linggo. kelangan kong maglabas pa mula sa naipon ko.
speaking of savings, pagkakataon ko na rin palang silipin ang navps ng mutual funds ko. hmmmm... mukhang tumataas, pero wala pa rin sa ini-expect kong ROI. shet. shet. shet. baka dalawang taon pa.
o sya sige, makapagkape nga lang muna.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)