Sabado, Setyembre 15, 2012

breaking dawn


after namin magbreakfast umakyat muna kami. si angel ang naghugas. di ko na kinaya kasi masakit ulo ko nong time na yon, i had to sleep kahit saglit lang.

hindi muna ako naggagalaw nung time na yon. nahihilo ko shit!

naalimpungatan na lang ako ng gisingin ako ni angel. sweet. ayeeh.

balak sana naming magsimba nung araw na yon. kaso nauwi ang lahat sa isang inuman... na naman!

nagpahinga muna kami mula alas dose gang alas tres. saka bumili si ram and don ng iinumin.

putsa. tequilla! whatda! hindi ako madalas uminom, lalo pa't tequilla. nagsimula kami ulit mag umpukan ng bandang alas singko ng hapon. okey naman ang samahan at kwentuhan. kaso si don walang partner. hahahaha.

tequilla ba kamo? syempre andyan yong bodyshot. hahaha. pero as ive stated wholesome ako. hahaha.

yong balak kong umuwi ng gabing yon e naging kinabukasan na.

masarap ang naging kwentuhan namin. nagkaalaman na. hahaha. pero wala na sigurong sasaya pa pag kasama mo yong taong gusto mong makasama at your worst. be it like emotional or lasing na lasing ka na. walang inhibitions.

nagpapasalamat din ako sa dalawa kong kaibigan na matagumpay naming naicelebrate ang house party na to at sa mga bagong naging kaibigan, kay nica, angel, levi at gemma. ang gaganda nila!

Huwebes, Setyembre 13, 2012

don: the chronicles of nganga

nagkaroon kaming magbabarkada ng naghouse party, saan? sa antipolo. ako, si ram at si don. bale ang siste meron kaming dalang invites. ang dala ni ram si nica, si don si gemma, bitbit ko naman si angel.

rendesvouz. starmall shaw. ang usapan alas sinco ng hapon, ang kaso alas sico y medya na wala pa si ram. naiwan daw ang pukenang cellpone so he had to go back home. alas sais na ata kami nun nagkita kita. kasama ko na nun si angel, don at gemma. ang susunduin na lang si nica na nasa tiendesitas pasig.

yong alas diyes na uwi ni gemma dahil may cutoff time slash curfew hours ang hitad e paonti ng paonti, para syang buhok na 'thinning'. mano ba namang dalawang oras na kaming nagbyabyahe mula ortigas extension papuntang antipolo. kasumpa sumpa ang traffic! halata nang iritable yong dalawa, si don at gemma. ramdam mong sinusuyo sa tingin ni don si gemma na wag mainis.

alas nuebe na kami nakarating sa bahay nila don. isang oras na lang uuwi na din si gemma. pero bago yun e dumaan muna kami ng shopwise para mag-grocery. at sa grocery palang inubos na naman ang oras namin kapipili kung anong uulamin.

ako at si ram ang naatasan sa kusina. ako nagluto ng adobo. si don nakipaglandian na, joke! bale tipon tipon muna sila for getting to know each other. ganun.

10pm. hindi na nakakain si gemma, she had to leave dahil nga sa curfew hours nya. besides feel na din naming bothered na bothered sya as time passess by. we had no choice, pinagtulakan namin sya papalayo. joke lang. sayang di kami masyadong nakapagkwentuhan. hinatid na sya ni don 'gang tikling.

10:30pm. dinner time. dun pa lang nagsimula ang getting-to-know each other. we had fun. after namin kumain saka namin nilabas ang empe lights. dami kong kaba. mga nine, ganun. hindi kasi ako sanay makipag-inuman. at kung nalalasing ako, hindi ko alam kung ano pinagsasabi ko. dammit.

11pm. nakarating na si don. thank god. akala namin nilamon na sya ng traffic.that time e may tama na rin ako. ang lakas na kasi ng tawanan namin nun lalo na yong dalawang invites namin, si nica at angel. ubos na rin nun yong isang empe lights. and mind you lima lang kaming umiinom. madaming pulutan kaso natatakot akong ngumatngat dahil baka mas lalo akong malasing. nakakatense amputah.

11:45pm. umeksena si don. hindi pwedeng wala syang dalang partner. sya ang host. sayang naman. so nag-invite ulit ang gagu. si levi naman. buti na lang may kotse yong invite nya kaya madali silang nakarating. ang ganda ng invite nya! seksi. hihihi

12:10 onwards. inom. laklak. kwentuhan. inom. laklak. blah blah blah. lahat may tama na.

08am. nagising na lang ako na mainit ang pakiramdam ko dahil sa singaw ng kwarto. kulang yong hangin na binubuga ng electricfan para sa 5 taong nagsisiksikan. umuwi na din pala si levi ng mga bandang alas sais. ang kwento nauna na daw kaming natulog ng invite ko. totoo nga! magkatabi kaming natulog.
kinapa ko ang aking katawan wala namang masakit. hahahaha. wholesome kaya ako. tigilan nyo ako. hihihi

pagbalikawas ko, aba si ram at nica magkayakap. napakagandang eksena sa umaga! natulog ako ulit. habang pinagmamasdan ang mukha ng katabi kong dyosa. ehem.

10am.si don ang aga aga nagbubunganga na magsibangon na daw kami. that time, yong bonding namin e close na. hindi na sya superficial na memasabi lang na bonding. may mga info na rin kaming alam sa isat-isa. and i think that is a good indication of trust. :)

11am. we had our breakfast.

(to be continued)


Martes, Setyembre 11, 2012

kape


dalawang bagay lang naman ang nangyayari pag nagkakape ako.
kung hindi lumalamig e hindi nauubos.

madalas kong bilhin kay manong guard (oo tindero din ang guard namin ng kung anu ano) yong great taste coffee white. sakto lang kasi ang lasa, hindi mapait hindi matamis. so-so lang. ganun.

habang nagbabasa ako ng pukenang hundred of emails e sinasabayan ko ng lagok ng kape, tapos makikipagchat sa mga kaibigan sa ym kung sinong online, tapos sa hotmail chat din na intergrated yong facebook account ko, saka e-internalize yong mga email na importante. ipiprint. ipapasa sa staff. ipapabasa. tatanungin kong naintindihan nila. kung hindi uulitin namin mula sa simula. tapos pag okay na ang lahat saka ako lalayas. uupo sa upuan saka magkakape.

ang kaso mo, pagdating ko sa upuan ko malamig na. iba na yong lasa. ayoko pumunta ng pantry para ipainit pa to. mas magkokonsumo ako lalo ng kuryente kesa sa itapon ko. di bale kalahati lang naman yon.

ang kape, bow.