Bigla akong nakaramdam ng kirot habang papalubog na ang araw. Namutawi sa aking mukha ang mga masasayang araw na lumipas mula pa noong nagkamalay ako, mga panahong nakagisnan ko habang papalaki.
Ang mga taong nakapaligid sa akin at walang sawang gumagabay sa aking pagtahak sa masalimuot na daan na wangis ay isang lagusang puno ng pasakit at hiwaga. Unti-unti akong nayuyupos sa kadahilanang hindi ko na kaya, ngunit hindi ako naduwag kailanman para takbuhan ang Kanyang hamon. Lahat ng ‘yon hinarap ko ng buo kahit pa may pag-aalinlangan. Tinanggap ko ang ilan sa mga bagay na sa simula pa’y di ko mawaring ganoon pala ang kahihinatnan.
Buntong hininga. Ayokong sa paglubog ng araw ay sanluksang sasapit sa akin. Ayokong maging madalamhati ang lahat. Ayokong puspos ng himugto at paninisi ang lahat. Ang tanging gusto ko lamang ay payapang pagpanaw kasabay ng paglubog ng araw.
Wala akong dala sa aking mahiwagang biyahe kundi ang mga ala-alang kailanmay di ko makakalimutan.ang mga taong naging bahagi ng aking magulong buhay. Ang mga taong minsan pay naging sandigan ko sa aking mga hinanakit sa mundo, ang mga taong nagbigay ng lakas sa akin upang akoy hasain pa ng kakaibang tapang. Sa mga taong naging malapit sa akin, sa kaibigan, kakilala. at higit sa lahat sa taong minahal ko ng lubos at binigyan ng tamang atensyon at pagpapahalaga. Salamat.
Kulang ang espasyong ito sa napakahabang pagpapasalamat sa inyo. Alam kong hindi nyo magugustuhan ito, ngunit tinanggap ko marahil ay matanggap nyo na rin na minsan pay may nakilala kayong isang nilalang na tulad ko.
Lubos akong nagpapasalamat sa mga panahon at oras na inilaan nyo para sa akin, sa mga walang kwentang biruan ngunit nagpatibay ng ating samahan, sa mga walang katapusang tampuhan na nagbigay ng paraan upang magkaunawaan.Salamat.
Hindi pa ito ang katapusan ng lahat, marahil ay simula pa lamang ng aking tunay na laban. Gaya ng aking nasabi, hindi pa ito ang tuldok ng lahat. Unang simula pa lamang ito ng pangungusap na aking gagawin sa aking mahiwagang nobela ng aking buhay. nawa’y bigyan pa ako ng pagkakataon upang maituloy ko ito sa mga susunod pang kabanata ng aking buhay... patlang.
Wala pa ako sa kalahati ng aking patutunguhan, simula pa lang ng bagong laban. akoy mahihimlay sa puspusang katahimikan ng laban.walang putok, walang karahasan, walang ingay, walang bayolente, lahat ay payapa.
Payapangng magdudulot sa akin upang maiwagi ko aking laban. Hindi ko iisiping akoy talunan kahit pay akoy pumanaw na, ayokong isiping talo ako at si Kamatayan ay panalo. Hindi ako duwag para kaligtaang may sarili akong kapangyarihang ipagtanggol aking sarili. Lumubog na ang araw, habang akoy nakaluhod. Hinihintay si kamata
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento