para sa blog kong ito...
salamat.
para sa aking mga makamundong pag-iisip...
salamat.
para sa aking mumunting isip.
salamat.
para sa aking maliit na karneng bahagi ng aking ulo.
salamat.
Sa mundong ito, maraming pwedeng magbago. Ang pangit napapaganda nang dahil sa Siyensya. Ang dating mabait na tupa anumang oras pwedeng maging isang leong lumalapa at kakalat sa lipunan. Ang dating masayang pamilya pwedeng magkawatak-watak. Ang dating masayang uri ng pamumuhay ay maaaring masadlak sa kalungkutan nang dahil sa pera.
Talagang ganun nga siguro. Hindi maiiawasan ang pagbabago. Pero nang dahil doon, mayroon at mayroon tayong natutunang laan Niya. Maging positivo lang sa pananaw at pananampalataya.
Halos benteng taon na rin pala akong namumuhay sa mundong ito.Humihinga. Kumakain. Pinagsasabihan. Nagtatatrabaho. Tumatawa. Nalulungkot. Nagpapayo. Nagkakaproblema. Pero malakas pa rin ako sa kabila ng lahat.
At higit sa lahat...nagmamahal pa rin ako sa kabila ng mga nakalugmukan kong sawing pag-ibig.
Tama nga siguro Siya. Pinagtitibay nya aking pagkatao para sa mga susunod ko pang laban at hamon sa buhay.
Panginoon ko. Sori po sa aking mga asal na hindi naging mabuti para sa inyong mata.
Katahimikan.
Masaya ako sa kabila ng pagiging loner ko, ang pagiging masaya ay isang kagustuhang nagmumula sa ating sarili at egotismo.
Salamat para sa mga bagay na nagpapatibay sa aking pagkatao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento