Ang utak ng tao ay katulad din ng mga kulay. Minsan nagiging matingkad ang kaanyuan nito, ganun din kapag may naiisip tayong mga bagay-bagay o ideyang sa tingin natin ay may patutunguhan at may mabuting kalalabasan. Minsan naman ay nagiging mapusyaw ito, kulang ng timpla ika nga. Hindi ko malaman kung saan natin nakukuha ang mga konotasyong may kaugnayan sa kulay. Tulad na lamang ng kulay na yellow, sabi nila ang kulay ng SELOS.
Saan nga ba nagmula ito?
Gaya nga ng nasabi ko kanina, ang bawat kaisipan o ideya ay may patungkol na tingkad o pusyaw. Hindi na importante kung matingkad o mapusyaw ang kaisipan, ang mahalaga ay may taglay itong mensaheng may kinalaman sa konotsyon ng isang bagay. Naisip mo na bang bakit kaya violet ang kulay ni Barney? Kung bakit yellow si spongebob? Kung bakit dark yellow si garfiled? Kung bakit golden red si Nemo? Kung bakit pinaghalong pula at itim si mickey mouse? Kung bakit may ibat-ibang kulay ang mga karakter ng Power Rangers?
At marami pang iba, At kung bakit brown ang kulangot, samantalang yellow naman ang tutuli? Alam kong ang mga nahuli kong nabanggit ay may kinalaman sa sensiya, ngunit hindi na importanteng mahalaga (provoked redundancy) kung bakit, ang mahalaga lamang ay ang mga cartoon character na nabanggit ay nakapagbibigay ng saya sa mga bata at maging sa mga matatanda. Gumawi tayo sa parting malalim. Bakit napaka-mean sa isang tao ang kulay na red? Dahil ba sa matingkad ito? Is it because it possessed something passionately? *ambiguity* paano na lang ang kulay na gray? Paano na lamang kung isipin ko ring color of passion din iyon? Paano na lamang ang red?
Ganyan ang utak ng tao, mahirap intindihin ngunit kapag nagkasamasama sa iisang persipsyon, they will now come to one notion. Sadyang nakalilito ngang tunay ito. Naalala ko tuloy yung kanta ni bamboo na tatsulok: “hindi pula’t dilaw ang tunay na magkalaban” tama nga naman, tayong mga tao lamang ang nagbibigay ng contrast sa bawat bagay. Ang bawat kulay ay pwedeng pagsamahin, ngunit kelanman ay hindi sila magkalaban. Hindi sila tulad ng langis at tubig. Ang kulay ay palamuti lamang ng mga regaling dulot Niya. Pampaganda. Kailangan sila upang mabigyan ng pagkakakilanlan ang isang bagay.
Gaya na lamang ng mga mujeristang bakla, kailangan nila ng make-up. Gagamit sila ng ibat-ibang kulay ng make-up upang mapansin sila. Natuto silang paghaluiin ang bawat kulay para sa magandang kombinasyon. Bakit kung black ba ang ilalagay bilang foundation nila, sa tingin mo ay magandang tingnan? Hindi di ba? dahil magmumukha silang uling na may mukha. Hindi ako nagpapatawa, sinasabi ko lamang ang pwedeng mangyari sa mga ganitong senaryo. Ang kulay green. Kalian ba yan naging naughty sa hanay ng madla? Bakit kung makapagbiro ka ng may halong kabastusan ay green jokes ang tawag? Kawawa naman ang green dahil nadidiscriminate siya ayon sa kanyang kulay mismo. Kumbaga may stereotyping na nangyayari. Hinahanay natin ang bawat kulay ayon sa bansag o konotasyong naroon sila sa ating isipan. Nagkakaroon ng stereotyping. Ang bawat kulay ay may dalang persipsyon sa bawat tao. Ang gustong kulay ay ayon sa dikta ng utak at kagustuhan mismo ng tao…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento