I always woke up as early as 5 o’clock in the morning.
Katulad kanina, ayoko kasi matraffic although alas nuebe pa naman yong pasok ko. Umaalis ako ng bahay nang mga alas sais na. bale dalawang sakay ako; isang tricycle mula sa krus na ligas at isang sakay pa sa bus papuntang ortigas mula philcoa. Sa tuwing daraan ako sa overpass ng philcoa may isang ale doon na bulag at nanlilimos, si manang overpass ang tinawag ko sa kanaya. Sa tuwing daraan ako, anumang halaga ng baryang madudukot ko diritso yun sa Zagu nyang lagayan ng barya para sa limos. Ewan ko ba kung bakit ako nahahabag para sa mga katulad nila na tanging yun na lamang ang paraan para kumita ng pera na alam ko namang wala na silang kakayahang buhayin ang kanilang sarili kundi sa panlilimos katulad ng mga matatanda gaya nya.
May mga pagkakataong absent si manang overpass katulad pag umuulan o sadyang mas maaga lang ako at wala pa sa pwesto nya.
“what you have to give is what you have to get”
Nakita ko kanina sa add board ng megamall papuntang opisina.
Hindi ko alam kong ano ang significant ng tema’ng yan kay manang overpass. Basta alam ko nagbibigay ako nang walang inaasahang kapalit. Sinusunod ko lang ang pangmalawakang alituntuning prinsipyo ng buhay ko, ang mahalin ang kapwa ko.
1 komento:
...good... i wish more and more peole are like you... i also feel for those "manangs", but i really hate the ones who has babies with them, I am a mom and hate how they treat those babies...
Mag-post ng isang Komento