Why are they condemning you? Why are they blaming you? Why are they degrading you? Why are they letting you to suffer too much pain? Why are they putting you on shame? Haven’t they knew what you have is enough for them to be known? At times, they were making you ridiculous spot in front of public. They tell all your “kabahuan”, they pointed out your inability to grow further, they discriminate your race, despite they have used to like that.
I don’t get any point why are they doing those things to you. Plus, there are people behind of you using you as their milieu to put themselves on top. There are scenarios that they almost shattered your pride and divinity. Zilch. I remembered one time; you were walking along the way going up. But there are these stupid and dumb people pulled you down, they pretended to be nice. However, you didn’t even know what are their mere intentions. You were just fooled. I should have tell your story for they would know how much you beared your burden and agony all the times, and how much heavy your emotional baggage you’ve carried over. And your treasured story goes…
Decades ago.
Kung natatandaan mo pa aking Ina. Iyong mga panahong ginahasa ka ng hindi mo nakikilalang mga lalaki, ngunit sigurado kang sila’y mga dayuhan. Tatlo silang nambababoy sa iyo. Tatlo sialng nagpakasasa sa iyong mahinang katawan, wala ka ng nagawa pa.Musmos pa lamang ako noon ngunit ramdam ko na ang bigat na iyong pinapasan, ang bawat panaghoy mo, sa tuwing gabing naaalala mo ang kahayupang ginawa nila sa iyo.
Kwento pa sa akin ni lola na sa tuwing makakakita ka raw ng lalaki ay bakas sa iyo ang matinding pagkabahala. Ikay takot na takot, parang kakainin ng halimaw. Punyeta sila!mga hayok!Matinding bagabag ang pumasaiyo. Katulad ka rin ni lola, binaboy at nilapastangan ng mga dayuhan. Si lola ay minsan pa’y naging comfort woman ng mga hayok-sa-laman,ng mga dayuhang sumakop, maraming taon na ang nakararaan. Tulad din sila ng mga hinayupak na yun. Walang kwenta. Mga malilibog! Nararapat sa kanila’y i-firing squad din sa Luneta. Hindi para sa kabayanihan kundi para sa kamatayan.Lola often says; ‘jose, apo wag kang gagaya sa mga kapatid mo”.Oo may mga kapatid ako, marami kaming magkakapatid. Ibat-ibang hitsura ngunit iisang “dugo” lamang ang nanalantay sa amin---pareparehas kaming Pilipino. Kinupkop kami ni Ina at itinuring isang tunay na anak.
Ako ang unang inaruga, at naging panganay sa aming magkakapatid. Mula nang mangyari ang kababuyang sinapit ni Ina ay hindi na niyang binalak pang mag-asawa. Nag-ampon siya upang mapawi ang dalamhating nangyari sa kaniya. Ngunit hindi niya inakala na tatalikuran siya ng ilan sa kanyang mga anak-anakan. At bibiguin lamang.Kaya nasabi sa akin ni lola ang gayon dahil ayaw niya akong matulad sa mga kapatid kong sarili lamang ang iniisip.
My Lola says that it will all be okay in Gods time. Just take time and all the rest would be going to be fine.Natatandaan mo pa ba inay yung panahong nilalalatigo ka ng aking mga kapatid. Duguan. Wala na ako noon,nahimlay na. kung naidasal ko lamang sa Kaniya na sanay sabay na lang tayong pumanaw noon, marahil ay ginawa ko na. ngunit maraming balak ang Diyos para sa iyo. Sa kabila ng iyong pagdudurusa, pinagtibay ka ng iyong tibay ng loobAwang-awa ako noon sa iyo. Halos hindi ka noon makahinga sa bawat banat na iyong tinatanggap. Nahihiya daw silang ikaw ang kanilang ina. Isang dungis ng lipunan, isang puta.
Ngunit kailanman ay hindi ka naging puta, pinagsamantalahan lamang ang iyong kahinaan, ang iyong pagkababae. Masakit isipin na mismong mga anghel mo pang itinuturing ang gagawa ng kabalbalang yun. Wala akong nagawa kundi pagmasdan ang bawat luhang naghahalo sa iyong dugo. Ang bawat lantay at ang bawat marka ng kalapastanganan.wala akong nagawa kundi manalangin sa Kaniya, na tulunagn ka. Inay ko, pasensya po, wala akong nagawa upang tulungan ka.Sa ngayon, habang muli kitang pinagmamasdan mula sa aking kinalalagyan. Pagod na pagod ka na inay. Awang-awa ka na sa sarili ngunit patuloy pa rin ang pakikibaka mo upang makaalpas ka sa kahirapan. Kung maibabalik ko lamang ang panahong itinakas tayo ng titik at artikulo ko, sana’y pinagbuti ko pa. Hinding hindi ko na magagawa pa ang kabayanihang iyon muli Inay. Hindi na dahil mismong mga supling mo ang siyang nagpapahirap sa iyo, ang siyang nagmamaltrato sa iyo. Palapit na naman ang halalan, marami na naman ang maghahangad at mananamantala sa angkin mong kagandahan, sa angkin mong yaman. Mga hunyango sila, mga walang hiya. Aalipustahin ka na naman muli, tulad din sila ng ilan sa mga kapatid kong pilipinong ikinakahiya ka ngunit sila nama’y nagmula sa iyo. Tulad din sila ng mga makakasarili kong kapatid na nilayasan ka at ikinulong ng tuluyan sa limot. Nakakaawa ka Inay.Sariwa parin sa akin ang mga panahong akoy tinutukso noong bata pa lamang ako. kasalukuyan akong nag-aaral noon sa primarya nang ako ay tampulan ng tukso. Puta daw kasi ang ina ko, ang kinikilala kong ina. Ngunit sabi ko nga, kailanma’y hindi ka nagging puta.
Pinagsamantalahan ka lamang nila, Bastardo akong tunay sa mata nila, they always tease me as bastard jose! Bastard jose!Yes really I am. But how could they do those things? If they could only knew how great you are to me. If they could only knew how you mean to me.Katahimikan.Ayan na naman ina, hahampasin ka na naman. Lalatiguhin at sasaktan. Ina ko, umiwas ka sa kanilang nagbabagang suntok, labanan mo ang iyong mga walang hiyang anak na nagpapahirap sa iyo. Iwasan mo ang kanilang nag-aalab na sipa, ang kanilang matitinding sampal. Makinig ka naman sa akin aking ina. Pakinggan mo ako kahit isang saglit. Itigil mo na ang pagiging martir mo para sa mga anak mo, Salbahe ang mga anak mong ‘yan. Salbahe sila! Salbahe sila! Pukawin mo ang iyong kabaitan sa iyong namamagang kalooban, mamulat ka sa katotohanang silay purong masasama. Ituon mo na lamang ang atensyon mo sa aming mga anak mong may concerns pa sa iyo .kami na lamang ang mahalin mo. Dahil ang mga kapatid kong hunyango, makakasarili,mayayabang at ubod ng kasamaan ay walang puwang sa mundong ito. Wala silang kwenta ina! Wala! Makiramdam ka sa bawat bulong ng aking puso, wag kang magmatigas. Labanan mo sila, sila ang nagpapahirap sa iyo, sila ang nagpapabigat sa iyo ng husto sa iyong kalooban!Gusto kitang ipagtanggol sa kanila ngunit wala akong magawa dahil iniyapos ako ng limot.
Ipinagsawalang-bahala na lamang nila ako bilang isang magiting na kapatid. Gusto kitang yakapin ng mahigpit, punasan ang mga dugong bumubulwak sa iyong ulo, ipagtanggol sa kanila. Ngunit pinili mong mapag-isa. Ang sabi mo noon kakayanin mo pa. ina ko, awing-awa na ako sa iyo. Laspag ka na, at puro bahid na ng kahihiyan at dugo ang iyong katawan.Kaguluhan. Karahasan. Nakawan. Bangayan. Dumi.Porque de lagrimar a sangre, de grito a agonia. A destruido tu vida mi madre.(why tears turn to blood. From scream to agony. Still, they have ruin your life mo beloved mother.)But I know that you can all surpass your trials. Just be strong and don’t run of it. Face them that you can. Don’t let them ruin your life in their hands.
Pasumandaling katahimikan.
Ina ko, tumayo ka. Lumaban ka, alam kong kaya mo pa. Alam kong aahon ka. Alam kong babangon muli ang masagana mong pamumuhay. Manalig ka lang sa Kaniya.Tumayo ka, punasan mo ang dugong tumutulo sa iyong ulo, hawiin mo ang iyong nagulong buhok. Ayusin mo ang iyong sarili, Punasan mo ang iyong mga luha. Bumangon ka ina ko. Alam kong kaya mo pa, magtiwala ka. Aahon ka din muli. Mahal na mahal kita aking Ina, mahal na mahal kita aking Pilipinas.Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng espiritu-santo. Amen…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento