Si Mar ang may-ari ng blog na ‘to. Bente anyos. Ipinanganak limang araw pagkatapos ng plane crash ng Continental Airlines Flight 1713 sa Denver, Colorado Stapleton International Airport taong 1987. Siya ang panganay at bunsong lalaki sa kanilang tatlong magkakapatid. Meron pa syang amang father at inang mother. Isinilang syang normal na nilalang mapa-pisikal man o mental (pero minsan lumuluwang ang kanyang turnilyo). Tatlong beses syang nagkender garten dahil atat ang kanayang ina para papasukin sya sa eskwelahan. Makulit daw sya noong bata at makulit pa rin sya magpahanggang sa ngayon.
Honor student din sya noong nag-aaral pa sya, di lang dahil sa palakaibigan ang kanyang ina sa kanyang mga nagiging titser kundi dahil sa...ummm ano nga ba? Basta yun na yun.
Gusto nya ang gulay maliban sa ampalaya, mahilig syang magbasa at magsulat kahit saan (i.e pader, upuan, c.r, lamesa at higit sa lahat sa hangin), at ease din sya sa panonood ng talk shows habang nakaplug ang earphone ng mp3 sa kanyang tenga.
Noong highschool sya malaki ang kanayang interes sa mga multo, tikbalang, 3rd eye, dwende, kapre, white lady, paranormal, fortune telling at basta tungkol sa mga di-pangkaraniwang bagay pero ngayon tanging ang mga nabanggit na lamang ang may interes sa kanya.
Wala syang interes sa online gaming pero adik sya sa pagba-blog.
Ang sabi ng kanyang mahal na ina at ilang piling kaibigan guapo daw sya bagama’t madali nga lang syang mauto. Mahilig din syang manlibre at magpalibre, so kwits lang.
Hindi nya natapos ang kursong BSED dahil sa angkin nitong katamaran sa pag-aaral.
Naniniwala din sya na ang dahilan nang pag-aaral ng estudyante ay dahil lamang sa kapiranggot na papel upang may maipakita sa lipunan na may natapos nga, yun lang as in yun lang.
Ayaw na ayaw nya rin ang diskriminasyon sa lipunan. Minsan nangingialam din sya sa mga usapang politikal at sexual, pero ang katunayan bugok sya sa aspetong ito. Kabaligtaran naman nito ang pagkahilig nya sa kape.
Kasalukuyan syang nagtratrabaho bilang isang office staff na matatagpuan sa Ortigas Center. Isang yuppie na may paniniwalang nabubuhay ang tao dahil lamang sa pera.
Bahala ka na kung paano mo sya maiintindihan at mailalarawan sa iyong isipan. Basta sya tahimik lang at walang pakialam sa sinuman.
Sya ay si ako, ako ay sya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento