"Hindi ka ba masayang makita na nandito na ako? Bumalik na ako,para sa iyo,albert..."
Ngumiti nang ubod tamis ang babae,pero halos kisapmata lamang ay biglang umilap ang malamlam na mata nito.Sinunggaban ako at biglang sumigaw.
"Mang-aagaw! Ano,aagawin mo rin sa akin si albert ko?Hayop ka! Kagaya ka rin ni Mila"
Gusto kong makaramdam ng takot pero labis na awa ang nangibabaw sa akin para sa babaeng nagwawala sa aking harapan.Pinigilan ko ang kanyang mga kamay at iniyakap ang aking mga braso sa kanyang nanghihinang katawan.
"kilala mo ba siya?Si mila...yong bestfriend ko.Tama,kaibigan ko sya pero inagaw niya sa akin si Albert."
Biglang lumayo sa akin ang babae at dinampot ang suklay na nakalapag sa mesa sa tabi ng kanyang kama.
"maganda naman ako di ba?Kaya lang,bakit ako ipinagpalit ng demonyong yon sa haliparot na si mila...palagay mo?"
Unti-untiy may gumuhit na pilyang ngiti sa kanyang mga labi. Ngiting lalo pang lumuwang at sinaliwan pa ng malutong na halakhak.
"Pogi,tingin ka sa akin.Siguro dahil wala ako,iniwan ko ang demonyo kaya naghanap ng kapwa kampon ng dilim at yun dumating ang haliparot na mila.Mga malilibog!"
Bigla nitong inihagis ang suklay na hawak sa salamin na nakasabit sa kanang bahagi ng silid.Bagay na ikina-alarma ng mga kasama ko.Dali-dali nila itong nilapitan at tinurukan ng tranquilizer.
Ayoko ng makita ang panghihina ng kaawa-awang babae.Yumuko ako pero di ko talaga makaynang patuloy na marinig ang hapo nitong tinig.Sa kabila ng paos nitong boses ay di pa rin maitatago ang sobrang galit nito at labis na sama ng loob.
"wala kang karapatang patayin siya.Hinayaan kong mahalin mo sya...pumayag akong maging kahati m0!"Umalis na ako sa silid na yon.Hindi ko na kaya.Tumuloy ako sa office ko.Hapung-hapo,ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot na upuan.
Ganun na lang ang palaging nangyayari sa tuwing kakausapin ko sya.Parang gusto ko na ring sumuko dahil wala na akong sapat na lakas para patuloy na hawakan ang nalalabing hibla ng pag-asa sa aking dibdib...pero,ayoko.Hindi ko pwedeng bitiwan ang pasyente ko.
"Dr.Chan,heto na po ang files ng pasyente sa room 107"
Tumayo ako at isinenyas na ilapag na lamang nito ang folder sa side table.Pagka alis niya ay binukla-buklat ko ang laman ng folder.Natawa ako.Para namang may bago.Ilang beses ko na ba itong ginawa,ang pagbabasa ng folder ni Theresa,ang pasyente sa room 107.
Ang kaawa-awang babae.
Iniwan ang pamilya sa ibang bansa.Kinalimutan ang pagiging asawa,binalewala ang pagiging ina para lamang balikan ang kasintahang minsan ay iniwan sa Pilipinas.
"haay...naman,nakarecord na to sa utak ko eh"
Tama, nakarecord na nga. At kahit na masunog pa siguro itong boung mental hospital kasama lahat ng files ni theresa ay ayos lang sa akin,dahil memoryado ko na lahat ng detalye,tungkol dito.
Kinuha ko ang aking portable recorder sinimulang makinig sa mga kuha sa mga nakaraang therapy namin ng aking pasyente.
"Binaril nya...Bang!Bang!Bang! Tatlo...tatlong sunod-sunod na putok.Tumama sa dibdib,sa kanyang braso,sa balikat..."
Yun ang sinabi ng babae,isang taon na ang nakaraan.Ikatlong therapy namin yun noon.At iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nagsalita ito.
"duguan sya...niyakap ko.Hindi alintana ang aking kahubdan...sexy naman ako bakit ako mahihiya.Siya nga tong dapat mahiya,siya itong nangistorbo.Tapos na sana kami sa sex namin,nakaraos na sana kaso bigla syang dumating..."
Napangiti ako.Iyon yung araw na inabutan sila ni Mila habang nagtatalik.
"theresa,karapatan nyan magalit at karapatan nyang mangistorbo,kasi sya ang asawa..."
"Asawa?Ganun,pero ako ang mahal ni albert!Ako lang.Sinabi niya yun at ipinaramdam nya sa akin.At sa kaniya ko lang yon naramdaman.Maliban na lang kung gusto mo ring iparamdam yun sa akin pogi?"
Pinatay ko ang radio,at isinalang yung tape na kuha anim na buwan ang nakararaan.
"Bakit ka ptmayag na maging kerida ni Albert?"
"kerida?Ano yun?Pagkain?Ayoko ng pagkain!. si albert ang kailangan ko...kerida?Chinese food ba yon?Naalala ko tuloy yung asawa ko.Hahaha!Yung singkit na asawa ko.Intsik kasi yun eh.Si Ryan.Kamukha nya yung batang inalagaan ko n0on,yung pinapadede ko pa nga pag umiiyak..."
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko nang narinig ko yun.
"bwisit!Lintik lang ang walang ganti...nakulong si Mila dapat lang,dahil binaril nya si albert ko"
"theresa,kalmahin mo ang sarili mo kailangan mong lumaban ngayon.."
"para ano pa?Para kanino,para saan,wala na di ba?Pinatay na ni mila si albert.Wala syang karapatan!" Matino syang magisip kung minsan pero hangang dun na lang.
"alam mo,pag nakikita ko yung mga anghel na kasakasama mo,mga alalay mo,may naaalala ako.Yun kasing kasama ko sa bahay...paborito din nya kasi ang puti.Ewan ko ba, si Ryan na laging nakaputi."
Wala ng katuturan yung usapan namin kaya pinatay ko ulit ang tape.
"mabait yung asawa ko.Mahal na mahal ako.Pero,ang baboy ko iniwan ko sya.Eh walang kwenta sa kama eh, sila at di ko loves sila ng batang kasama nya.
"yun i decided to go back home in the Philippines to rekindle a dead light of love with albert.But i never expected to see him married na,and kay Mila pa."
"Nung malaman mong may asawa na sya,bakit di ka na lang bumalik sa asawa mo?"
Iyon yung therapy namin two months ago,malaki na ang improvements nya.Maayos na yung detalye ng mga kwento nya.Pero napaaga ako sa pagtapos sa discussion namin.Ewan,hindi ko na kaya yung mga naririnig ko.
"hindi porke committed ka sa isang tao ay sya na ang mahal mo...at hindi porke nakakulong ako sa seldang pag-aari mo ay ikaw na rin ang may kakayahang magpalaya sa akin!"
"hahaha. feel na feel di ba doc? yun ang huling sinabi ni albert bago sya mamatay.Para kay mila"
"at palagay mo namatay sya na ikaw ang mahal nya?"
"oo,ako rin,nawala lahat ang katinuan sa isip ko pero nanatili sa alaala ko si albert..."
Noong nakaraang linggo lang ang usapang yon.Akala ko tuloy tuloy na sya,pero hanggang dun na lang pala sya.Di ko na napigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.
"theresa,listen.Nakikilala mo ba ako?"
"oo,ikaw si Dr. Pogi..."
Pinatay ko na ang tape.Oo,tama pagod na ako.Hirap na hirap na ako,pero ayokong bitiwan sya.Naghihintay ang kanyang anak para sa kanyang pagbabalik.
"Dr. Ryan Chan..Hows your patient? Is she doing fine or..."
"Who among them Dr.Regaldo?"
Isa sya sa resident doctor sa hospital. Kaibigan ko at ninong ng anak kong si paolo.
"Theresa Chan of room 107..."
"there is a continous development. But I guess it takes a long process before she can totally overcome her fears"
"how about your son?Di ba sya nagtatanong tungkol sa mommy nya?Hes getting older"
"yes he does. .I told him, Im taking good care of her mom..."
Gumuhit ang mapait na ngiti sa aking labi.
"And Im doing everything to win her back..."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento