Umalis ako patungong amerika hindi para kaligtaan ang obligasyon ko para sa inyo ng anak ko. Umalis ako para bigyan kayo ng maayos na buhay… Mahal kita sa paraan na gusto ko at gusto ko yon sa paraan kung paano kita mahalin.
Alas siete na nang umaga. Ipagluluto ko na ng almusal si kim, nag-iisa kong anak. Tumungo ako papuntang kusina upang bumili ng mantika.
“kumusta ang boyprend mo? Ah! Asawa na pala” tanong sa akin ni aling nina.
“mabuti naman po, baka sa susunod na taon umuwi na rin sa awa ng Diyos”
“eh ano ang trabaho nya dun? At bakit hindi na lang kayo sumunod ng anak mo sa kanya?”
“hindi ko po alam pero ang sabi nya nagtatrabaho daw sya sa opinsina. Atsaka wala pa po akong Visa at ilang papeles, siguro sa susunod na lang ho”
Umalis na ako ng tindahan,dahil pag nagtagal pa ako roon malamang buong araw akong kukwentuhan ng tsimosang aleng yun. Nadatnan kong nanunoodd ng TV si kim habang hawak ang kanyan paboritong manika. Tinanong ko kung ok lang sya, at tango lang ang naging tugon nya.
Sa chat lang kami madalas magkausap ni Alfred, honey ko. Halos 7 taon na rin sya doon at nito lang kami nagkakilala… sa paraang chat din lang.
“honey, miss ko na kayo ni kim”
Subject email na pinadala sa akin ni Alfred. Hindi ko muna binuksan di dahil sa ayaw ko o walang oras kundi dahil ayoko lang talaga. Alam kong mahaba na naman yun pero halos lahat nang kabuoan ng kanyang mensahe ay paasahin lang ako, na kesyo ganito, na kesyo ganyan. Minsan gusto ko na rin maniwala sa isang parte ng sarili ko na sabit lang ako sa kanyang pangarap…
“mommy! Come here!”
Sigaw ni kim mula sa sala, nagulat ako at agad lumabas ng kuwarto. Nakita kong namumutla si kim kaya agad akong lumapit upang aluhin sya.
Isang anino mula sa labas ng bintana ang aking nakita, malaking tao at banaag ko ang sombrero. Agad kong hinawakan si kim at agad naman syang pumunta sa likod ko upang magkubli.
Kumalabog ang pinto at isang malakas na putok nang baril ang bumulabog.
Si Daniel!
Dumilim ang paligid, unti-unting bumagal ang mga galaw pero mabilis ang mga pangyayari.
Biglang bumalik sa aking alaala ang nakaraan. Na isa pala akong ina ng 3 bata, ang dalawa ay naiwan sa poder ng kanilang ama. Nakisama sa ibang lalaki upang kumita ng pera para sa tatlong anak. Kinalimutan ang responsibilidad bilang asawa ngunit ginawa ng husto ang papel bilang ina.
“putang ina ka!putang ina ka! Putang ina ka!”
Salitang mga naririnig ko mula sa paligid. Hindi ko alam kung saaan nagmumula pero alam ko kung sino nagsasalita.
Biglang pumasok sa isip ko si Alfred, ang mabait kong boypren. Tumungo ng amerika para kumita ng pera panustos sa pagpapagaling ni kim.
At naalala ko rin na minsan kong tinanong kay Alfred kung bakit pa nya kelangan magtrabaho sa ibang bansa kung meron naman sya negosyong pwedeng pagkakitaan dito.
Umalis ako patungong amerika hindi para kaligtaan ang obligasyon ko para sa inyo ng anak ko. Umalis ako para bigyan kayo ng maayos na buhay… Mahal kita sa paraan na gusto ko at gusto ko yon sa paraan kung paano kita mahalin.
Isa pang muling putok ang umalingawngaw. Nagdilim lalo ang paligid, tumahimik lalo. Kumiyom aking palad. Isang nakabibinging pangyayari ang nagaganap pero alam ko nasa paligid lang si Daniel, ang kabit ng asawa ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento