Lunes, Hunyo 30, 2008

pasasalamat

Bago ko ituloy yong karugtong ng kwento ko tungkol sa imaginary friend ko, gusto ko muna ilaan ang entry na to para sa mga kapwa ko blogger na bumisita sa blog ko. Ilalaan ko itong ika-91 na entry ko para sa mga bumisita, nang-okray at napadaan dito sa munting lungga ko,a t yong iba nilagay pa sa blog roll nila...salamat sa inyo.

Iba pala yong feeling na may bumibisita at nagbibigay ng reaksyon sa mga entry mo sa blog mo.

Nauna akong magblog taong 2004 sa g-blogs ng globe. Ilang taon na rin pala at buhay pa rin sa dugo ko ang pagbablog. Ito na rin siguro ang munting libangan ko na may malaking kinalaman sa paggamit ng mumunting karne na laman ng aking bungo. Malaking tulong sa paglalabas ng tunay na saloobin ko, at pagpapahayag ng opinyon tipikal man o ekstraordinaryo.

"hindi lahat ng writer ay blogger at hindi lahat ng blogger ay writer"

Pero astig ka kung writer ka na, blogger ka pa. Dahil may mga teknikalidad na kelangan mo munang isipin bago mo ilapat ang tinta ng iyong bolpen sa papel, 'di tulad ng blog na kahit ano... mali man o tama sa mata ng iba na pwede mong itipa sa harapan ng isang makinang makabago na parang katulad ng isang telebesyon na ikaw mismo ang may kontrolado.

"ang blog ay parang cellphone din, personal na bagay na pwede mong palitan kung gugustuhin mo, pero bawat blog/cellphone may mga alaalang hindi lang basta-basta matatapon"

Sabi ng isang sayberpren ko, ang blog daw ay isang bagay na lagakan o tambakan ng mga emosyon ng tao (blogger). Isa itong personal na bagay katulad ng telepono na pagdating ng araw magiging necessity din ito.

Kaya pinapasalamat ko ang mga sumusunod na lungga ng mga kuro-kuro at emosyon:

Salamat po sa inyo!

lawstude
http://lawstude.blogspot.com/
nonoh
http://www.nonoh.com/
anne
http://dirtyraven.wordpress.com/
repah
http://www.supahrepah.com/
jheyamhei
http://kreyziness2.blogspot.com/
lorie
http://www.mikelorie.com/
marya
http://marysteryosa.blogspot.com/
akda
http://kwentuhan.wordpress.com/
brine4u
http://brine4u.blogspot.com/
mangBADoy
http://talambuhay.wordpress.com/
jerick
https://pornouniverse.blogspot.com/
jhammy whoops
http://jhamywhoops.blogspot.com/
madbong
http://madbong.kotsengkuba.com/
tentay
http://tentaypatis.blogspot.com/
utakmonggo
http://purokareklamowalakangkwenta.blogspot.com/
toxic eyeliner
http://toxiceyeliner.blogspot.com/ (changed)
bhievzkiez
http://bhievzkiez.wordpress.com/
talambuhay
http://talambuhay.wordpress.com/
ayzzz
http://azraelworld.com/
rimewire
http://rimewire.wordpress.com/
wifeybee
http://wifeybee.wordpress.com/
alingbaby
http://alingbaby.wordpress.com/
mumu sa kanto
http://lovely-lh.com/
linapuhan
http://linapuhan.wordpress.com/
beero
http://tambayannilex.wordpress.com/


"sa pagbablog, para ka lang tumatae... kelangan mong may mailabas para hindi mabulok sa iyong katawan, tulad ng mga bagay na nasa iyong isipan"

Sabado, Hunyo 28, 2008

imaginary friend

Bata pa ako, may topak na ata ako. Naaalala ko nun may kausap akong imaginary friend ko. Yun yong mga panahong ikinukulong ako ng mama ko sa loob ng bahay kasi daw sobrang likot ko. Pinapatulog nya kasi ako tuwing tanghali pero kahit anong gawin ko di ako antukin. so kadalasan tumatakas ako. Pero nung nalaman na tumatakas ako, isinarado na yong pinto, medyo mataas eh kaya di ko abot yong parang lock.

Hanggang isang araw, naisipan kong kausapin yong nasa utak ko. Ayun feeling ko sumasagot naman sya.

“tatakas ka na naman ba batang paslit?”

“pakialam mo!, tang-‘na mo!”

“wag kang malikot, magigising mama mo”

“hindi mo ba nakikita? Ansarap ng tulog nya, humihilik pa”

“bakit ba hindi ka mapakali dyan?”

“so what? Does anybody care?”

“paenglish-englis ka pa dyan, eh narinig mo lang naman yan sa
Tessie ng tahanan”

“e mahilig ako manggaya eh.”

“hahaha.. manggagaya ka palang bata ka”

“pakyu!”

Babae yong imaginary friend ko, hindi ko alam yong pangalan. Sa halos haba ng panahong kasama ko sya sa inip, tuwa at galit, e hindi ko na nalaman pa ang pangalan nya. Ang sabi ng nanay, madalas daw akong makitang nagsasalita ng mag-isa, hindi nya alam kung yong aso lang kausap ko o yong dyip-dyip at tau-taohan lang na free pa nun sa mga grocery items ni mama. Ewan ko lang kung pinaniniwalaan ni mama na ‘pag daw nagsasalita ng mag-isa eh matalino. Hmp, hindi man lang sya natakot kung ano na nagyayari sa kanyang unico hijo.

“kelanman hindi ka magiging matatag kong may kasama ka”

Quotable quote ng imaginary friend ko nang minsan sabihin ko sa kanya na sana paglaki ko nasa tabi ko lang sya palagi. Pero sinabi nya yun ng buo at may paninindigan.

Kung nasaan ka man, miss na kita.

Huwebes, Hunyo 26, 2008

amo't aso...

Asan ka na ba? Antagal ko nang hinihintay ang text mo, magkikita pa naman tayo dyan sa rotonda.

Binigyan kita ng load pero hindi ka nagreply, tama ba yun ha?

Ang usapan alas-dos ng hapon, e anong petsa na?

Ginagago mo ba ako o ginagwang tanga.

Kung di lang kita hindi mahal minura na kita, tang-ina mo!

Wala akong nagawa kundi hintayin pa kita ng isang oras para umasa.

Umasa nga ako pero wala. As in wala.

Alam mo bang kwarentay sinko din ang nagastos ko?

Dise-sais sa dyip, otso pesos sa pop cola at sampung peso sa kakanin
ni loling.

So bale may eleben pesos pa.

Bumili ako ng 3 istik ng marlboro, at limampisong kendi.

Hithit ang yosi habang hinihintay ka, tinext at miniscol ng ilang beses
pero pucha...pambihira ka talaga!

Namuti na ang buhok ko pero ni isang anino mo wala akong nakita.

Naubos ko na ang biniling pop cola pero di mo pa rin ako sinipot. Tang-ina.

Umupo ako sa isang tabi, at ‘di mapakali. Nayayamot at di mapakali.

Tatlong oras na akong naghihintay pero wala ka pa.

Isa. Dalawa. Tatlo. Umalis na ako.

Sa ‘di kalayuan, isang aso ang nasagasan tatlong oras na ang nakararaan.

(kwento ng isang amo na naghihintay sa aso)

Martes, Hunyo 24, 2008

frank you!

Ooopss... medyo late ko na 'to napost ha kasi naman nagloloko internet namin last saturday nung kasagsagan ng bagyong frank. Umuwi nga ako ng nakatsenelas lang eh, kasi anlakas ng ulan na may kasamang bugso ng hangin. Hiniram ko yong tsenelas sa officemate ko. Wala akong choice kaya napilitan na din ako.

Umuwi ako ng basa at nilalamig. Ang hirap pa humanap ng masasakyan, magtataxi sana ako kaso 'pag nalalaman nilang pasig ang destinasyon eh umaayaw sila. So nagdyip ako at isang sakay ng tricycle, kaya ayun basang basa dahil sa wisik ng ulan. Pagdating ko ng pad, naligo ako agad para di ako magkasakit. Mahirap na sa panahon ngayon, bawal magkasakit!

Dun sa video, ganyan kalakas ang bagyong frank na dumaan dito sa metro manila. Kuha yan mula sa 21st floor ng building kung saan ako nagtatrabaho.

Biyernes, Hunyo 20, 2008

mga vandal sa UP...peyups.

Mga vandal sa UP.
Wala muna akong matinong entry ngayon, pagtiisan na lang muna natin ‘tong post na to. Infairness natawa din ako ditto, so witty! Hehe…


"nobody cares"
somebody answered:
"not even the carebares?"
then another:
"not even kier?"
then:
"not even zoren?"
lastly:
"not even zorro?"
all written by different people.


SA:
sa chairs:
"push button to eject seatmate"

"push button to eject urself"

"push button to kill teacher."

"push button to eject teacher"
....reply: "it's jammed! We're doomed!"


sa cubicle:
"Donate your bulbol here.." tapos may chewing gum na pagdidikitan....

sa chair :
"you know bobo? bobo is you!"

sa 1st floor CR:
"if you forget the past, then you porget the purious.."

sa 1st floor CR uli:
" Im a simple gay "
tapos me sumagot
"sira! Dapat 'Im simple and gay!' Taga peyups ka ba? duh! "
tapos me sumagot ulit (with matching arrow pa na nakaturo dun sa reply)
"sira ka rin! yung simple is used as an adjective tapos yung gay is used as
a noun. kaya ok lang yung simple gay nya!"


CHEM:
Chem chair:
"push button to spray acid on prof's face."

Another chem chair:
"You Boron!!!"


BIO:
Bio chair:
"Push cadaver to haunt teacher."


FO Santos:
"SA MGA NAGTATAPON NG BASURA DITO... bawal."


ENG'G:
Sa Men's CR, facing the urinal:
"Hawak ko saking mga kamay ang kinabukasan ng bayan!"
Reply:
"the future you are holding is very small."


GAB:
sa likod ng armchair sa isang room sa GAB:
"takas ng ward 7"


MATH:
sa cr sa may math building:
"SUMAPI SA NPA! "
may sumagot:
"PAANO? "
may sumagot pa:
"MAGFILL UP NG COUPON AT IHULOG SA PINAKAMALAPIT NA DROP BOX SA SUKING
TINDAHAN!"

sa math building, sa likod ng isang "teacher's chair" sa 3rd floor:
"BABALA: asawa ni babalu"

sa math 3rd floor, sa isang upuan uli.
"you'll NEVER find what you're looking for"
May nag-reply:
"find x."

sa math 3rd floor, sa isa pang upuan uli.
nakasulat sa armchair:
"F*CK DA WORLD! "
ta's may sumagot:
"F*CK U TOO!
--WORLD"

3rd floor math cr:
"kaibigan, pagkapatos mong umihi, paki PLUS mo naman, hehehe."


UPIS
sa loob ng music room.
"maam _______(music prof) boses palaka! "
tas may sumagot
"nakarinig ka na ba ng boses ng palaka "
tas may sumagot uli
"weh "
tas may nag-react uli
"oo, sabi kokak!kokak!"


VINZONS:
Wall ng vinzons
"Do not steal. The government hates competition"

men's cr sa Vinzon's:
"remember: the hands that clean this toilet are the same hands that cook
your food."

men's cr waaaay above the urinal:
"if you can reach this, the fire department wants you!"


NIGS:
sa isang upuan:
"f*ck nigs!"
may nagreply:
"who's nigs?"


MAIN LIB
Sa isang lamesa ng main lib, filipiniana section:
"UP STUDENTS HAS BECOME PATETHIC"
tapos may sumagot...
"mali pang grammar at spelling mo, halatang di ka taga UP"

KALAI:
nietzsche-"god is dead"
God- "Nietzsche is dead!"


SC:
sa labas ng PNB:
"in case of emergency break ass and push butt"

sa girls' CR:
"Bawal ang vandal Dito!...
Mommy said: First Aid Terramycin"

sa girls' CR uli:
"My boyfriend and I had sex and now I'm pregnant"
Reply:
"Pray to God"

--------NEW Addition by Alfie--------
Sa Vinson's Hall Men's CR
"Pustahan tayo habang binabasa mo 'to hawak mo ang titi mo"

Sa Men's CR
NAkapaskil: "paki-flush after gamitin"
reply with face of ERAP: "Anong flush?"
May sumagot ulit:"Hyperbolic of flus"

Martes, Hunyo 17, 2008

ulan, rain, ulan, rain...

Tag-ulan na! kahapon lang umulan ng malakas, pati kaninang hapon umulan din. Maikwento ko lang, naligo ako kanina sa ulan. Natutulog ako no’n nang biglang bumuhos yong ulan, as in sobrang lakas ng ulan. Bumangon ako agad at lumabas ng bahay para maligo sa ulan, kung sa amin lang yun sigurado di papayag si inang mother. Para akong bata na naligo sa ulan, pinagtitinginan nga ako ng mga taong nakasilong eh. (pakialam pa nila), halos isang oras din ata tumagal yong ulan, di ko namalayan kasi after 30 minutes eh sumilong na ako at nagbanlaw. Sa banyo naman ako naligo ng maligamgam na tubig.

Kwento ng lolo ko, ewan ko kung kwentong barbero o kwento para may masabi lang. Pinakamalinis daw na tubig noon ang ulan. Tango na lang ang naging tugon ko at di ko na rin binalak na i-research kung totoo man o hindi. Sa ngayon, acid rain na ang mararanas natin. Polusyon na kasi ang mahihita natin ngayon mula sa tubig-ulan. (nadiri ako ngayon habang pinopost ko, bahala na)

Yan lang muna sa ngayon, wala pa ako maisip na maikukuwento eh.

Sabado, Hunyo 14, 2008

libro, utak, manunulat, itaktak!



Mayroon akong bagong libro nabili sa National bookstore. Nakita ko 'to nang minsan akong napadalaw sa nasabing bookstore, kaya nagkainteres akong magkaroon. Hindi ko pa naman to natatapos basahin pero alam kong sa maikling panahon eh tapos na, wala rin kasi akong masyadong pinagkakaabalahan pag nasa bahay na ako, liban na lamang sa kumain at matulog, kumain, maligo at matulog, matulog, matulog at kumain. Malamang dito ko na rin lang ipopost yong mga nabasa ko. Bilang isang rebyew.


Tipo kong libro eh yong hindi ako maboboring, gusto ko yong may kwentong pwedeng mangiliti sa aking emosyon at pandamdam. Kaya okey sa akin ang mga librong humorous katulad ng mga libro ni bob ong, jessica zafra, eros atalia, paolo manalo, at ilang libro pang may hatid na kiliti para sa akin.


Sa akin kasi, ang pagbabasa ay isa sa mga pinakanakatatamad na gawain ng isang tao pero pinakamasipag na pwedeng gawin ng utak ng tao. Isipin mo, pwede mo namang gawin sa tunay na buhay ang mga nababasa mo, so bakit ka pa mag-aaksaya ng panahon para pagtuunan ng pansin ang kalokohan yun? Subalit sabi ko nga, isa ito sa bagay na masipag gawin ng utak. Mahirap mag-isip nang wala naman talagang iniisip, at mahirap magbasa ng walang binabasa. Sa pagbabasa kelangan mong maglaan ng panahon para sa bagay, ang pagbabasa ay parang kumakain.



Noong kapanahunan ko pa bilang isang writer (kuno) sa aming state college. Marami akong gustong isulat, mga bagay na hindi lamang namumutawi sa aking bibig kundi maging sa aking utak, sa maliit na karne ng aking ulo.
Buti na lang at nabigyan ako ng pagkakataon na magkaroon ng kaalaman kahit konti sa kompyuter at natutunan ko ang blogging.Kaya dito ko, minsan, inilalagak ang mga guni-guni ng aking malikot na isipan.
Pinili ko ang tagalog na medyum sa dahilang ayoko sa wikang englis, kundi dahil wala akong choice, okey na sa akin ang taglish para kwits lang.
Matagal ko na ring hindi naaupdate 'tong blog ko, medyo naging busy lang kasi. Pero sisikapin ko pa ring maging activo sa blogmundo ko. Yun eh kong may maitataktak pa ang utak ko.

Linggo, Hunyo 8, 2008

timeout



next time ko na lang gawan ng entry 'to.

Biyernes, Hunyo 6, 2008

trip-tripan tayo...

"hindi lahat ng abnormal ay tao at hindi lahat ng tao ay normal"
Wala lang, naisip ko lang. Sa lahat nang pagkakataong akala nili eh normal ako, sus 'kala lang nila yon, abnormal din ako katulad ng ilang abnormal na tao. KUng ang ipis ay may mating season, syempre ako din may 'abnormal season', kala nyo mating no. Wholesome ako uy! Abnormal season ko? Ang magsalita ng magsalita, trip ko din ang kunyari nakikinig pero ang totoo nyan tulog ang isip ko, ok din sa akin yong kunyari may kabuluhan yong sinusulat pero in no mere reason eh wala naman talaga, wala lang, as in wala lang talaga.

Nasulat ko to sa kadahilanang nasa abnormal state ako, wohoo! Pakialam ban g ibang tao? Kalayaan kong magsulat nang kahit na anong gusto ko, kalayaan ko ring sabihin ang lahat nang naisin ko. Sa lunes na pala ang independence day (adjusted). Syempred adjusted na naman ni mareng Gloria, para siguro humaba-haba yong bakasyon mula weekend to Monday. Asar nga eh, kasi natapat nang Monday yong day-off ko so parang wala lang, dumaan lang si ‘independence day’ para sabihing ‘uy mar, adjusted na ako’.
Speaking of freedom. Freedom pa rin bang masasabi ang paninigarilyo sa public places? Kasi may nakita ako kanina sa jeep, nagyoyosi. Asar ako sa mga taong ganun, walang pakialam sa katabi na kahit mabugahan na ng mabahong usok ay manhid pa rin. Oo karapatan nilang manigarilyo pero hindi sa communal place like that. So such a gross thing to happen. Isipin din sana nila na may mga taong nakalalanghap ng usok mula sa bibig nila…ewww.

Bakit ba gustong gusto nila manigarilyo ng mga kalalakihan? Sense of manhood? O trip lang din katulad ng mga pinaggagawa ko minsan? Ang sabi sa helath magazine na nabasa ko, isang addiction na daw yun (daw kasi di naman ako naninigarilyo), hindi nakamamatay yong adiksyon kundi yong sakit na maaaring maidulot ng paninigarilyo tulad ng sakit ng ipin dahil nasisira ipin mo dun, sakit sa balat kasi pwede ka magkarashes, sakit sa utak kasi pwedeng pumasok yong usok sa ulo mo at sakit sa bulsa kasi pwedeng maubusan ka ng pera ( note: ang maniwala tanga). Pero ang mga nabanggit ay maaring mangyari maliban sa mga sakit tulad ng lung cancer, Oesophagus cancer, basta lahat ng bahagi ng iyong katawan na may kinalaman sa paghithit-buga sa usok, pwede ka ring mabaog, lumabo ang paningin, peptic ulcer at kung anu-ano pa. lethal di ba?

Balik tayo sa pangtitrip, kung trip mo ang nasa isip ko ngayon pindutin mo sa keyboard mo ang ctrl D=ON’+_sMO I< e!
(uyy...nakikitrip)

*biglang may maaalala*

DON’T SMOKING

Sign na nakita ko sa jeep papauntang antipolo, nangiti lang ako habang lulan sa pampasaherong jeep. Di ko alam kung nangtitrip o ano pero hinayaan ko na lang. Tactic na rin siguro para mapansin ng ilang smokers, kasi yong usual na signage eh kadalasang hindi na pinapansin. Ganun naman talaga ang ilang pinoy, pasaway! Sarap talian sa magkabilang kamay at paa tapos kaladkarin hilahila ng mrt. O kaya gilitan ng leeg gamit ang nailcutter, o tanggalan ng kuko gamit ang ipit ng sinampay. Sarap panggigilan ng mga pasaway.

O sya sige, simula na ng duty ko. Hangang sa muli.

bertdey ng kabatak ko...

Bertdey pala ni jomar. Buti na lang nasilip namin na may mga bumabati sa kanya over the YM, good thing nalaman namin bago kumain kaya alam nyo na...

Narito ang ilang kuha bago ang kainan...

Ito na, ang the moment of truth... kuhanan na ng pagkain.


Kainan na!...



(syempre wala ako dyan, ako yong kumukuha ng picture)


Eating took less than 30 minutes, dont dare to ask. Because i dont wanna say anything about, just look at the 'aftershock' below...


AFTERSHOCKS:







Isang mainit na pagbati para sa isang kasama sa trabaho...

"tol... paburger ka naman dyan" hehe...

"hapi bertdey pareng jomar"

Miyerkules, Hunyo 4, 2008

go! go! go!

Sa wakas natapos din ang matagal ko nang reviewing ng mga products and services namin, kaninang umaga lang yong presentation ko. Ginamitan ng powerpoint at konting power ng bibig. presto! natapos din ang matagal ko nang dinaramdam.
Pero naging malupit sa akin ang tadhana, ang akala ko kasi sa boss ko lang ako magprepresent, yun pala kabilang din ang staff. Naloko na talaga! Kaya kinabahan ako ng husto at nawala na sa memorya ko yong spiel na dapat kong sabihin. Pero kahit papaano, memorize ko pa rin naman yong products namin.
Sa huli, maraming nakitang mali ang staff. Kesyo daw ganito, kesyo daw ganyan, kulang sa ganito, kulang sa ganyan, lakasan daw ang boses at dapat pang ikabisa ang products. Naging destructive ang dating sa akin ng mga comments nila hindi naging constructive, pero ok na rin yong comment sa akin ng boss ko, pampalubag loob na rin. Pero mas ginusto kong tutukan yong bad side na nasabi, gusto ko yun baguhin sa paraan na gusto ko.Kaya nga humingi ako ng take two, ewan ko kung kelan ulit yun pero pagkatapos ko magawa tong next project ko yun ulit aasikasuhin ko. Humanda sila dahil narito na si Zaido.Bwahahah...