Biyernes, Hunyo 6, 2008

trip-tripan tayo...

"hindi lahat ng abnormal ay tao at hindi lahat ng tao ay normal"
Wala lang, naisip ko lang. Sa lahat nang pagkakataong akala nili eh normal ako, sus 'kala lang nila yon, abnormal din ako katulad ng ilang abnormal na tao. KUng ang ipis ay may mating season, syempre ako din may 'abnormal season', kala nyo mating no. Wholesome ako uy! Abnormal season ko? Ang magsalita ng magsalita, trip ko din ang kunyari nakikinig pero ang totoo nyan tulog ang isip ko, ok din sa akin yong kunyari may kabuluhan yong sinusulat pero in no mere reason eh wala naman talaga, wala lang, as in wala lang talaga.

Nasulat ko to sa kadahilanang nasa abnormal state ako, wohoo! Pakialam ban g ibang tao? Kalayaan kong magsulat nang kahit na anong gusto ko, kalayaan ko ring sabihin ang lahat nang naisin ko. Sa lunes na pala ang independence day (adjusted). Syempred adjusted na naman ni mareng Gloria, para siguro humaba-haba yong bakasyon mula weekend to Monday. Asar nga eh, kasi natapat nang Monday yong day-off ko so parang wala lang, dumaan lang si ‘independence day’ para sabihing ‘uy mar, adjusted na ako’.
Speaking of freedom. Freedom pa rin bang masasabi ang paninigarilyo sa public places? Kasi may nakita ako kanina sa jeep, nagyoyosi. Asar ako sa mga taong ganun, walang pakialam sa katabi na kahit mabugahan na ng mabahong usok ay manhid pa rin. Oo karapatan nilang manigarilyo pero hindi sa communal place like that. So such a gross thing to happen. Isipin din sana nila na may mga taong nakalalanghap ng usok mula sa bibig nila…ewww.

Bakit ba gustong gusto nila manigarilyo ng mga kalalakihan? Sense of manhood? O trip lang din katulad ng mga pinaggagawa ko minsan? Ang sabi sa helath magazine na nabasa ko, isang addiction na daw yun (daw kasi di naman ako naninigarilyo), hindi nakamamatay yong adiksyon kundi yong sakit na maaaring maidulot ng paninigarilyo tulad ng sakit ng ipin dahil nasisira ipin mo dun, sakit sa balat kasi pwede ka magkarashes, sakit sa utak kasi pwedeng pumasok yong usok sa ulo mo at sakit sa bulsa kasi pwedeng maubusan ka ng pera ( note: ang maniwala tanga). Pero ang mga nabanggit ay maaring mangyari maliban sa mga sakit tulad ng lung cancer, Oesophagus cancer, basta lahat ng bahagi ng iyong katawan na may kinalaman sa paghithit-buga sa usok, pwede ka ring mabaog, lumabo ang paningin, peptic ulcer at kung anu-ano pa. lethal di ba?

Balik tayo sa pangtitrip, kung trip mo ang nasa isip ko ngayon pindutin mo sa keyboard mo ang ctrl D=ON’+_sMO I< e!
(uyy...nakikitrip)

*biglang may maaalala*

DON’T SMOKING

Sign na nakita ko sa jeep papauntang antipolo, nangiti lang ako habang lulan sa pampasaherong jeep. Di ko alam kung nangtitrip o ano pero hinayaan ko na lang. Tactic na rin siguro para mapansin ng ilang smokers, kasi yong usual na signage eh kadalasang hindi na pinapansin. Ganun naman talaga ang ilang pinoy, pasaway! Sarap talian sa magkabilang kamay at paa tapos kaladkarin hilahila ng mrt. O kaya gilitan ng leeg gamit ang nailcutter, o tanggalan ng kuko gamit ang ipit ng sinampay. Sarap panggigilan ng mga pasaway.

O sya sige, simula na ng duty ko. Hangang sa muli.

Walang komento: