Ooopss... medyo late ko na 'to napost ha kasi naman nagloloko internet namin last saturday nung kasagsagan ng bagyong frank. Umuwi nga ako ng nakatsenelas lang eh, kasi anlakas ng ulan na may kasamang bugso ng hangin. Hiniram ko yong tsenelas sa officemate ko. Wala akong choice kaya napilitan na din ako.
Umuwi ako ng basa at nilalamig. Ang hirap pa humanap ng masasakyan, magtataxi sana ako kaso 'pag nalalaman nilang pasig ang destinasyon eh umaayaw sila. So nagdyip ako at isang sakay ng tricycle, kaya ayun basang basa dahil sa wisik ng ulan. Pagdating ko ng pad, naligo ako agad para di ako magkasakit. Mahirap na sa panahon ngayon, bawal magkasakit!
Dun sa video, ganyan kalakas ang bagyong frank na dumaan dito sa metro manila. Kuha yan mula sa 21st floor ng building kung saan ako nagtatrabaho.
5 komento:
frank you talaga. dapat isali na nila sa mga curricula ng elementary at high school ang disaster readiness at management.
frank you talaga. dapat isali na nila sa mga curricula ng high school at elementary ang disaster management.
Naloka ako ng nagloko ulit ang internet ninyo nitong Tuesday ng gabi hahaha. Tanung niyo kay boss Omar kung ano oras kami umuwi.
Grabe po ang mga pangyayari sa hometown ng aking ina na Sibuyan Island. I'm sorry that we lost many people in that tragedy but I can't help but feel relieved na wala akong kamag-anak na bumyahe ng araw na yun.
badtrip yang bagyong yan,
napadaan.
Nakita ko footage ng bagyo sa probinsya namin sa Capiz kung saan sinapit nila ang signal#4... I miss a big thing. Sayang sana nandoon ako... Na miss ko mga bagyo. It brings out the real people amidst chaos. May araw din yan... Matiempohan ko din yan ng uwi minsan...
Mag-post ng isang Komento