Bata pa ako, may topak na ata ako. Naaalala ko nun may kausap akong imaginary friend ko. Yun yong mga panahong ikinukulong ako ng mama ko sa loob ng bahay kasi daw sobrang likot ko. Pinapatulog nya kasi ako tuwing tanghali pero kahit anong gawin ko di ako antukin. so kadalasan tumatakas ako. Pero nung nalaman na tumatakas ako, isinarado na yong pinto, medyo mataas eh kaya di ko abot yong parang lock.
Hanggang isang araw, naisipan kong kausapin yong nasa utak ko. Ayun feeling ko sumasagot naman sya.
“tatakas ka na naman ba batang paslit?”
“pakialam mo!, tang-‘na mo!”
“wag kang malikot, magigising mama mo”
“hindi mo ba nakikita? Ansarap ng tulog nya, humihilik pa”
“bakit ba hindi ka mapakali dyan?”
“so what? Does anybody care?”
“paenglish-englis ka pa dyan, eh narinig mo lang naman yan sa
Tessie ng tahanan”
“e mahilig ako manggaya eh.”
“hahaha.. manggagaya ka palang bata ka”
“pakyu!”
Babae yong imaginary friend ko, hindi ko alam yong pangalan. Sa halos haba ng panahong kasama ko sya sa inip, tuwa at galit, e hindi ko na nalaman pa ang pangalan nya. Ang sabi ng nanay, madalas daw akong makitang nagsasalita ng mag-isa, hindi nya alam kung yong aso lang kausap ko o yong dyip-dyip at tau-taohan lang na free pa nun sa mga grocery items ni mama. Ewan ko lang kung pinaniniwalaan ni mama na ‘pag daw nagsasalita ng mag-isa eh matalino. Hmp, hindi man lang sya natakot kung ano na nagyayari sa kanyang unico hijo.
“kelanman hindi ka magiging matatag kong may kasama ka”
Quotable quote ng imaginary friend ko nang minsan sabihin ko sa kanya na sana paglaki ko nasa tabi ko lang sya palagi. Pero sinabi nya yun ng buo at may paninindigan.
Kung nasaan ka man, miss na kita.
10 komento:
huwaw ang lutong ng mura sa imaginary friend.. ahehehe.. ako?? Hmm.. sungit ako nung bata pa ko kaya kahit imaginary friend alang kumakausap sakin! ahehehe!!
no comment.
totoo ba yan? or kathang isip lang?
:) gusto ko tong entry na to. haha...parang naalala ko rin dati, kinakausap ko yong mga manika..
--
hakhak
may imajinari pren den aku date, nung grade 6
hakhak
pinbagtitripan nga ako ng mga klasmeyts ko kase balew ako
hakhak
elyens hab imadyinari prens
XXXxx
parang kahindik hindik sya, ahahaha
hehe..buti naman at ganung payo ang binigay niya sayo...atlis diba ngayon independent ka. may mga ganyan talaga siguro lalo na pag bata pa, shempre maraming nai-imadyin. wala naman ako nyan nung bata pa ko. Kakaibang eksperyens yan ah.
nakikibasa lang. :)
amp. aaminin ko na, ako si imaginary friend. taym pers lang! =))
whahaha. ang weird mo tsong. ako hindi imaginary friend. aso lang..
astig! gusto ko ring magka-imaginary friend eh. sayang nga lang kasi parang takot silang lahat sa kin. hahaha
haha, i like this. i like this. haaaaapir! :D
Mag-post ng isang Komento