Tag-ulan na! kahapon lang umulan ng malakas, pati kaninang hapon umulan din. Maikwento ko lang, naligo ako kanina sa ulan. Natutulog ako no’n nang biglang bumuhos yong ulan, as in sobrang lakas ng ulan. Bumangon ako agad at lumabas ng bahay para maligo sa ulan, kung sa amin lang yun sigurado di papayag si inang mother. Para akong bata na naligo sa ulan, pinagtitinginan nga ako ng mga taong nakasilong eh. (pakialam pa nila), halos isang oras din ata tumagal yong ulan, di ko namalayan kasi after 30 minutes eh sumilong na ako at nagbanlaw. Sa banyo naman ako naligo ng maligamgam na tubig.
Kwento ng lolo ko, ewan ko kung kwentong barbero o kwento para may masabi lang. Pinakamalinis daw na tubig noon ang ulan. Tango na lang ang naging tugon ko at di ko na rin binalak na i-research kung totoo man o hindi. Sa ngayon, acid rain na ang mararanas natin. Polusyon na kasi ang mahihita natin ngayon mula sa tubig-ulan. (nadiri ako ngayon habang pinopost ko, bahala na)
Yan lang muna sa ngayon, wala pa ako maisip na maikukuwento eh.
1 komento:
haayy...nakakamiss tuloy maligo sa ulan ngayon..
maraming salamat sa iyong pagdaan at sa iyong pag commento sa blog ko kaibigan!! i-da-dagdag kita sa blogroll ko ha.. salamat..
Mag-post ng isang Komento