Im so sick and tired of this cruel life! In solitude I always pass this life’s endless road amidst the spooky road, feeling the coldness and uncertain darkness of the night. Shouting relentlessly at the top of my lungs just to touch your ears and answer your exotic cravings.
--sosyal at depressed na magbabalut
Balot. Balut. Isa sa mga pagkaing pinoy na kinahihigan ng marami. Imposobleng hindi mo’to alam, ito yong itlog ng bibe (tama nga ba?) na hindi pa napipisa ng kanilang inang mother. Ito yong mga itlog na nagtagal lamang ng 16 to 18 days tapos tsinugi na at pinakuluan sa kumukulong tubig na merong asin.
Sa paggawa pa lang ng balut, meron ng aborsyon na nangyayari, mga kawawang little birdies (ngek? Birdies?) hindi man lang nasilayan ang ganda ng mother earth. Sigh.
3 years old ako noon nang una akong nakatikim ng balut, tandang tanda ko pa noon dahil sa tuwing pupunta kami ng plaza with my ever loving parents eh hindi pwedeng 'di kami bibili. Palaging pinapakain sa akin ng aking amang father yong puti, yong matigas. Sweet no?
Tatlong piso pa noon ang balut. Mura lang kung ikukumpara lang sa sampung pisong balut ngayon. Yong balut ngayon parang 1-day old na ang hitsura, matigas ata ulo nung sisiw kasi ayaw pa-abort. Or baka late lang ang abortion, parang yong mga babaeng nagdadalawang isip pa kung ipapaabort yong bata o hindi habang patagal ng patagal ayun lumalaki naman yong kawawang fetus.
Bakit ko 'to ginawan ng entry? Wala lang. Ramdam ko lang naman yong cravings sa pagkaing 'to.
Nakakamiss na kasi. Ikaw, miss mo na rin ba ang mabalahibong itlog na tinutukoy ko?
16 (na) komento:
una ako yey!!! miss ko na balot!!! masarap yun wala nun sa malaysia!!!
Sa paggawa pa lang ng balut, meron ng aborsyon na nangyayari, mga kawawang little birdies (ngek? Birdies?) hindi man lang nasilayan ang ganda ng mother earth. Sigh.>>>>
hahaha... lupit ng naiisip mo. kakatuwa talaga mga kwento mo. natikman mo na ba ang one day old chick? ito kahit papaano nasilayan nila si mother earth. hehehe... sa baguio ko to natikman.
gusto ko ang balut ayaw ko lang sisiw. naalala ko nun... kakain kami ng halos isang tray ng balot nung bata tapos binibigay namin sa yaya namin ang sisiw., yun lang ang kinakain niya. ahahah. bad noh?!
Balot? Yuck! hahaha! Inuulam ko kaya sa kanin yun with ketchup or toyo't kalamansi. Da ba? Lakas trip? Pero masarap, try nyo. No joke.
Bakit ganoon, ako din, nung bata pa, laging yung puting part na matigas ang binibigay ng ama ko? Unfair!
Anyway,
Balot.
@mangBADoy, oo nga ikaw ang una. nadevirginized mo tong entry na to kuya.hahaha
@the dong, di ba totoo naman? abortion na ang nangyayari?haha... salamat sa complement, wag masyado lumalaki hydrocephalus ko.hehe.. oo natikaman ko na din yun, sarap nga eh, may feeds pa nga sa loob ng tyan nung sisiw. hahaha
@wanderingcommuter, masarap din naman yong puti ah, hehe... ah mayaman pala kayo kasi may yaya ka dati, ako isang imaginary friend lang.hehe, pero hindi kumakain yun ng balot, maarte kasi. malansa daw.
@bienthoughts, ah talaga pwede pala yun sa ketsup. pero parang kadiri? kasi aborted na parang minasaker pa. hahaha
Bossing mas type ko yung penoy hehehe. Sarap. Nakakamiss.
naku, kahit pampataas ng presyon ang balut, eh paborito ko tong kainin. lalo na yung yellow na part... yum!!!
pampalakas pa daw ng tuhod...
Aha! Balot. Sabaw lang ang gusto ko. pero sus. ang sisiw. jusco po rudeh. ay nako. asows. iwi. hehehe
Btw, Sweet naman ni fatherly! :D
ako first time kung kumain ng balot nung 1st yir college ako...wahaha
oo nga noh kulang ang buhay pinoy kung hindi mo natikman ang bagsik ng isang balot....wahahha
Ang tagal na ko hindi nakatikim nyan. Pero wala na ako craving.
Naalala ko na kahit papaano may pandidiri pa rin ako sa pagkain ng balut. Lalo na kapag nararamdaman kong nadudurog ung ulo ng sisw sa bunganga ko. Masarap lang para sa akin yung sabaw at dilaw. Kaso sa amin dati tutuksuhin kung hindi kumakain ng balut na sissy.
So I ate the sisiw so I won't be labeled as sissy.
sabaw lang ng balut ang kaya ko! hehe
takot ako kumain ng sisiw kasi baka pag-jebs ko may feathers ang jebs.
:D
masarap yung balot na may sibuyas.
maraming maraming sibuyas.
kaso katakot kainin yung sisiw.
baka pag isusubo na eh biglang suminok. lagot! haha :D
ano bang ingles ng balut? hehehe.
paborito ko dati ang balot. kung hindi lang ako pinipigilan eh makaka-apat o lima ako sa isang upuan. kaso highblood daw ang aabutin kaya dalawa lang lagi.
pero tama ka, abortion na nga iyon. kaya hindi na rin ako makakain ngayon dahil yun ang naaalala ko. nakakaawa.
@lorie, di ko naman tipo yong penoy. hehe... parang di masarap sa panlasa.
@gillboard, tama ka masarap nga yong yellow part. masustansya yun sa protena di ba? yummy talaga.
@roxy, try mo minsan kumain ng balot. medyo ewwwwyy pero maarap naman sya. pero kung sa sabay ka lang talaga. oks na yun di ba?
@kamotenista, bakit first year college ka pa nung unang natikman mo ang kaligayahan sa pagkain ng itlog na ito? hehe
@niel cam, try mo kaya kumain minsan.hehe
@utakmunggo, merong balot ba jan sa englatera o kahit anong versyon man lang.hehe
@mahiwagang sibuyas, talagang maraming sibuyas ano?hahaha
@ipob, di ko rin alam kung anong englis eh.hehe
@rj,naku pare, bawas bawasan mo para di ka highbloodin.hehe
Pinalibutan ako ng mga groupmates ko sa isang overnight noon at pinakain ako (for the first time) ng balot (parang ako yung pinapanood na kumakain sa perya ng buhay na turkey!!)..
Masarap naman pala eh.. Pwede na akong magmayabang na nakakin na ako noon (hindi ba obvious na nagmamayabang na ang gago?? Hehehe)..
Pero, hindi ko naman ito gaanong trip, ayos lang.. Sakot lang (parang Coke)
Mag-post ng isang Komento