Sabado, Hulyo 19, 2008

isang daang porsyento ni tarugo este taguro.


Yehey! ito ang ika-100th entry ko. Isang taon at mahigit na rin ako dito sa blogger slash blogspot. Angaling ano? Marami na rin akong nalagak na mga kuro-kuro at emosyong patlang (anlalim dude), at naeenjoy ko naman. Marami na rin akong nabisitang blogs, may blog na epal, informative, kwentong ek-ek, kwentong barbero, may blog na mala-tibak ang konsepto, may blog na antichrist, may blog na patawa, malungkot at kung anu-ano pa. May ilang ding naligaw sa dito, napadaan at tuluyang tumambay.

Ilang sa kanila e paborito kong pasyalan, nariyan ang blog ni utakmunggo na tungkol sa mga kwento nila juday, claudine, kc, at sino pa nga ba ulit yun? Basta masaya ako pag binabasa ko yan, dagdag mo pa yong adventures niya sa dalawa nitong anak na uber sa kulit, aliw na aliw akong basahin at kwela talaga (sana hindi nya mapansing binobola ko lang sya). Kung trip mo naman ang medyo green eh bisitahin mo ang greenpinoy sabay mo na rin ang blog ni ferbert na uber din sa kulit ewan ko kung dahil sa may pagka alien o ano, basta kool. Kung mga kwentong pipitik naman ng iyong isipan e itry mo tong kay pb at kay batopik.

Usually gusto ko yong blog na makakapagcatch talaga sa atensyon ko, matagal na akong blogger way back pre-historic era pa. Kaya ang tipo ko eh yong kakaiba at bago sa panlasa. Gusto ko ding magbasa sa blog ng mga makulit na sina kamotenista at mahiwagang sibuyas.

Kung gusto mong makisunod sa adventures tungkol sa biyaheng pinoy try mo ‘to. At ni dakilang islander. Maging si lawstude masarap ding makisabay sa mga escapades nya sa buhay-life. At kung tungkol naman sa mga escapades sa ibayong dagat pwede na rin siguro ang mga blogs katulad nina madbong lorie, alingbaby, nonoh, mangBADoy, at marami pang iba. Okey din ang adventures ni jhammywhoops at ni tentay, at super emotirang to the highest unbearable level na sina emoterangnurse, kengkay, acey , ayzzz camillee.

Kung tungkol naman sa tooth pwede dyan si rio and different thoughts ni bienthoughts at ni eyebags . Salamat sa inyo at sa iba pa. Sa month-end post ko yong mga dumalaw dito at nag-iwan ng bakas.

Masaya ako kasi naka-100 entries na ako,parang alam mo yong feeling na umuutot ka dahil sa kabag, releasing... ang dating? Astig no? O kaya yong feeling na natanggal mo yong gabukol mong kulangot dahil sa sobrang lagkit at sobrang dikit na parang ang drama e ikaw ay isang superhero tapos naipagtanggol mo si Mother Earth with matching cheering squad pa. go, go, power rangers!!!



Ngayong naabot ko na ang ika-100 post entry.Malamang magtatransform na rin ako sa mas 'nakaka' pang blogger. Kung ano mang 'nakaka' yun e sikreto muna.

Malamang ipopost ko na rin yong mga sequels ng RIBLO. Ayoko naman kasi maistak na lang yun sa isang kuwaderno at amagin lang. Sayang naman. Baka maitangay ng haliparot naming pusa, magawa ko pa syang adobo. Ayoko ng ganun. Kadiri, ambaboy! (pusa?? baboy?!?)

Kung nanoonod ka dati ng ghost fighter, malamang kilala mo din si taguro-yong kinalaban ni lupin este ni eugene. Katulad din ni taguro, ilalabas ko ang aking isandaang porsyento... sa pagsusulat at pamamahagi ng mga bulok kong kaisipan sa mundong ito.

Some expects me to be ‘perfect’ but I am not... I have also my mistakes, weakness and fears. But Im so contented for whatever life I have now. And it doesnt matter where I came from, whom I am always with, my name or whatsoever. It always me as a person that counts. Others may see me as a stone not a gem, and i dont give a damn to it. I know who I am. How I care people I love, what I think and what I feel. Me, Myself and I... not perfect but just the way I want it.
--- makatang sabog.

18 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Congratumalations, makatang sabog.

^_^

achievement yun!

^^,

hakuna..matata...

very catchy yung song mo...

hehehe.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Congrats!

Bienthoughts [a.ride.to.life] ayon kay ...

Pensucks, your "pen name" is really catchy! hahaha! *ironic lang? ano pa ba ibang pwedeng term sa "pen name" considering na isa kang manunulat? well, pen really sucks, katamad kaya magsulat! buti na lang may kyumputer, papindot-pindot na lang!

Kongratsuleysyons sa iyo katoto! Isa kang kahanga-hangang blagista! totoo.
Salamat sa pagbanggit mo sa aking payak at hamak na pahina. more, more power!

-bienthoughts

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

haha. happy 100th post!!! :)

UtakMunggo ayon kay ...

langyang bata binobola mo lang pala ako eh di nagmukha na nga akong kulangot neto. ahahha

congratulations sa iyong ika-100th post! ako nama'y malayo pa ang lalakbayin para marating ko ang naabot mo. nasa 63 palang ang lola...

o ano na, may paburger ba o pasgeti?

:D

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

aba naman...congrats sa sandaang entries na punum-puno ng kalokohan, kakulitan, makabuluhan, mga bagong kaalaman at kung anu-anu pa. salamat sa masayang tambayan na 'to. wala bang pa-sopdrinks dito? hehehe...

wanderingcommuter ayon kay ...

congratulations... keep it coming!!!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

bakit ako hindi ko yata naramdaman ang 100th post ko, na over siguro ang emote ko, hahahaha

enrico ayon kay ...

Ngayong umabot ka na sa ika-isandaang entry mo, nawa'y patuloy kang maging isang daan sa pagmulat ng makukulit na isipan ng iyong mambabasa :9

RJ ayon kay ...

congrats bro! achievement iyan. ituloy mo lang . masarap ang mayrong laging nababasang mga chismis. hehehe. =D

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

wow ang galing!

sana marating ko rin yan...marami pa akong kakain na buhok este kanin.

congrats!!!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

congrats! iba talaga ang feeling pagnakaabot ng 100 posts... parang mapapasigaw ka ng SUCCESS! hehehe!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

magaling! magaling! magaling! apir! isang sayaw nga dyan! tuloy tuloy mo lang yan! icelebrate natin yan! apir!!!!

Mahiwagang Sibuyas ayon kay ...

huwaaaaw, kongrachuleyshyons and jubileyshyons! :D

waaaw naman bawang, panalo ka.

kipitap! :D

salamat sa pagbanggit ng aking walang kakwenta-kwentang sitio-blogosperyo.

at gusto ko ding malaman mo na isa ka sa aking paboritong destinasyon dito sa mundo ng blogging. yebah yebah!

chroneicon ayon kay ...

ayos pare! congrats! tambay lang ako dito hanggang umabot ka ng ika 200 lathala mo...

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

uy, pensucks ayaw ko muna magcomment sa ika 100th post mo. parang huli naman na yata ako eh. palm reading ako ngayon. babasahin ko ang kapalaran mo tutal pinost mo na rin lang ang palad mo dito sa blog mo. hindi mo naitatanong eh manghuhula ang lola ng lolo ng lolo ko. ayon sa iyong palad, hindi pa rin mawawalan yan ng mga bacteria kay siguraduhing maghugas ng kamay bago kumain. sana nakatulong ang hula ko sa buhay mo. haha

escape ayon kay ...

congratulations!!! sorry sa delayed greetings kasi busy sa pag adventure. hehehe...

aabangan namin lagi yang nakaka-anuman-yon mo. hehehe...

salamat nga din pala at sinama mo ako sa listahan mo di-to!

emotera ayon kay ...

wow kasama ako sa post...
nakakataba naman ng puso...
congatsumalation sa iyong pang 100 na post...
post lang ng post...
madami ka naman readers eh...