Linggo, Hulyo 20, 2008

taym pers portion: ang problemang kabayo...

Tapos na ang ika-100 na entry ko. Tapos na ang silibrasyon na aking inihanda para sa aking sarili. Isang simpleng salo-salo sa harapan ng t.v kasabay ng pagngasab ng isang supot ng kornik at isang bote ng RC cola. So there.

So tuloy-tuloy lang tayo.

Kahapon habang nakaupo ako sa aking trono. Naisipan kong gumawa ng isang portion dito sa blog ko. Isang ideya ang lumaya na naman. Mga gawa-gawang anomalya na kapupulutan ng aral...sana. wish ko lang. At heto basahin mo.

Dear Taym Pers.

Bago ang lahat gusto muna kitang batiin ng good morning, in tagalog magandang araw. Masaya ako dahil ito ang unang liham na nailathala dito sa blog mo. Ako nga pala si Pete, fet ang tamang bigkas dyan hindi feet na paa ha; nickname ko. Kasalukuyan akong nagtatrabaho bilang isang katulong sa isang prominenteng pamilya dito sa forbes park.

Lumaki ako sa hirap, wala kasi kaming kotseng BMW o kahit vios man lang noong bata ako. Hindi ko rin natikman ang rangya ng buhay, ang magkaroon ng sariling laruan tulad ng psp o kahit playstation 3 man lang. Okey na sa akin noon ang taguan-pong at bahay-bahayan. Hindi rin ako nakakatikim ng masasarap na pagkain, masarap na sa aming tatlong magkakapatid yong isang lata ng sardinas. Ang tanging afliance lang namin noon ay ang de-bagang plantsa, wala pa kasing kuryente sa aming barangay noon at ewan ko lang kung afliance na matatawag yong plantsang iyon na pamana pa ng lolo ng tatay ko. Im sorry if my sfelling is bad. Hindi rin kasi ako nakapag-aral, ang tanging isang pangungusap lang na ingles na alam ko ay... Give it more baby..ohh..ohh. Nabasa ko lang yan sa celpon ni sir nung minsan pakialaman ko. Ang alam ko text yun ng kabit nya. Ginagago nya pala si ma’am. Bobo din kasi si ma’am.

Maiba tayo, yun nga, mahirap lang talaga kami kaya nasanay na akong magbanat ng buto. Dagdag mo pa dyan yong pagmamalupit sa akin ng madrasta namin pag wala ang tatay namin. Hindi nya raw ako anak kasi ‘di raw kami magkamukha. Natural! Kaya nga madrasta namin sya, bobita rin pala sya ano?

Edad kinse anyos ako nang pumunta ako ng Maynila. Hinatid ako ng ante kong mabait na kapatid ng madrasta ko. Ang kaso nung nasa maynila na kami pinaghintay nya ako, ang sabi nya iihi lang daw sya. Pero dalawang oras na akong nakatayo sa mahabang kalsada dala ang isang bayong pero hindi pa rin sya nagpapakita. Pinagalitan ako ng isang mama na nag-aastang pulis, ang sabi bawal daw tumayo sa gitna ng Edsa.

Sa mga oras na yun, akala ko magiging palaboy na ako, hindi pala. Dahil doon ko unang nakikilala ang aking amo ngayon. Ang bait nga ni sir e, binigyan nya ako ng bente sabi umuwi na daw ako. Sabi ko naman hindi ko alam kung saan ang sakayan. Kaya nung nalaman nilang naliligaw ako, kinupkop nila ako at ginawang tagapagsilbi sa kanila.


Tatlo pala kaming magkakapatid, ako ang bunso. Pero yong dalawa kong kapatid na nauna sa akin ay hindi ako tinuturing na kapatid. Sampid daw ako. Si kuya monmon, limang taon ang agwat namin, pinaglihi daw sya buwan kaya ganun ang pangalan nya, si ate sansan naman tatlong taon ang agwat namin, sya ang pinakamatalino sa amin, pinaglihi naman sya sa tansan. Noong nabubuhay pa ang nanay ko, palagi ko syang tinatanong kung ano pinaglihi nya sa akin, hindi sya sumasagot kundi iniiba nya yong usapan. Pagnaaasar na ako at pasigaw ko na syang tinatanong atsaka naman sasabat si kuya monmon ng hindi pa ba halata dyan sa mukha mo? Tapos dun pa lang ako tatahimik at magkukulong sa kulangan kasama ang mga alagang hayop ni itay.

Teka medyo napahaba ang entro ng buhay ko ah, sumulat nga pala ako sayo para humingi ng payo sa aking problema.

Sa edad kong bente-otso ay nagkaroon din ako sa wakas ng boyprend. Nakilala ko sya kasi kapitbahay lang namin yong amo nyang may-ari ng mga kabayo, isa syang hinete. Sweet din sya kasi halos araw-araw ay binibigyan nya ako ng gulay pero ang sabi nya tiratira na nga lang daw yun, ewan ko kung saan at kanino talaga nanggaling. Masarap naman kasi ginagawa kong salad, yong may mayones. Sariwa pa naman yong gulay kahit minsan amoy laway ng kabayo, pinapakain ko pa nga kina sir e, masarap nga daw talaga yong gulay.

Yong tungkol sa problema ko ay tungkol sa boyprend ko. Nanlalamig na kasi sya sa akin, pag nilalambing ko sya at hinahalikan umiilag sya at sabay haplos lang sa ulo ko gaya ng paghaplos nya sa mga alaga nyang kabayo. Gusto ko syang tanungin kung sino ang mas pipiliin nya ako o si grace---yong kabayo. Pero natatakot akong baka si grace ang piliin nya, nakita ko na kasi yun di hamak na mas maganda ang buhok kesa sa akin. Balita ko rebonded pa nga daw.

Mahal ko ang boyprend ko kasi sya lang ang unang nagbigay sa aking ng tamis ng ligaya sa buhay ko. Pero yun nga, parang hindi na nya ako mahal. Ano kayang gagawin ko? Makikipagbreak ba ako sa kanya o hindi? Tulungan mo naman ako koya.

May isa pala akong problema, yong engron kasi ng kuko ko di ko masungkit paano ba ito tanggalin? Sana matulungan mo ako koya. Kasi labis na akong nag-aalala sa figure ko.

kelangang kelangan ko ng tulong mo.

Sya nga pala, may friendster account ka ba? Pwede ko bang makuha? Add kita ha.

Truly yours,
Petrang Kabayo.

6 (na) komento:

Mahiwagang Sibuyas ayon kay ...

Der fetra,

hahahahahahhahahaha. (ay sorry naman natawa tlga ako eh.)

sa aking pakiwari, parang medyo nahihirapan ngang mamili si dudung bitwin you ang Gres. ang tanong, sino ba ang mas magaling mangabayo sa inyo? si Gres ba o ikaw?

at lintek ka, pati frenster ni Bawang balak mo pang harbatin. tadyakan kita dian eh.

Nagmamahal,
M. Sibuyas

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

bwahahahah! dalhin mo sa ospital yung inggron mo. hirap ng problema mo? nauubos yung hair ko kakaisip ng sasabihin. magpray at humingin ng tulong sa Diyos.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ang haba ng letter, at malalim ang meaning in fairness kung baliktadin mo ang mata mo.! haha, wla bang letter ky petrang kanding,?

Axel ayon kay ...

nakikidaan lang din.

UtakMunggo ayon kay ...

haha kala ko yung anong engron.

dear feytra, fwede mo namang takfan ng boysen paint ang patay na kuko kaya ipaipit mo nalang sa pinto ang engron mo para tuluyan na siyang sumakabilang buhay.

hehehe

Jhamy whoops! ayon kay ...

nawindang ako sa problem mo Petra!!anak ng tokwa!!


*cart wheel 100 times*