Aktuwali, repost ko lang 'tong entry na 'to pero part din to ng RIBLO. Repost ko na lang ulit (oh ayan may mali na naman ako, redundant. pansin mo?) Bale ito yong kasunod dun sa Wika na parte ng naunsyaming libro. So kumapit na ng mahigpit habang binabasa mo 'to. Itigil mo muna ang pag kain dahil baka mabilaukan mga hijo't hija. Kung nanonood ng porno i-close mo muna, at wag kalimutang huminga.
=OOO=
"hindi lahat ng panggagaya ay maganda"
- Edu Manzano
Noong high school pa lang ako. Garapalan talaga ang kopyahan, yes cheating! Kahit pa nakatalikod lang nang bahagya ang titser, kopyahan talaga ang drama. Halatado kasi maraming bulungang maririnig. Tapos meron pang drama na 'pag umubo ibig sabihin ay letter A, pag kumamot ng ulo naman ay letter B, pag suminghot letter C, at pag letter D kumukunot ang noo. Sa sobrang hirap ng exam, wala kaming choice kundi yon.
Aminado rin akong ako'y NANGOPYA at NAGPAKOPYA, sabi nga nila ang estudyanteng nagigipit sa katabi lumalapit.MAy clique din ako noon, o sa madaling sabi grupo-grupo. 'jologs' company" ang pangalan ng aming samahan. (hindi ko alam kung impluwensya ba ito ng pelikulang JOLOGS the movie o sadyang jologs lang kami).When it comes to mathematics nagtatransform talaga ako as parasite, parang yong sa pelikula mega transform ang drama. Talagang kopyahan talaga, ginawa ata ang math bilang isang kryptonite ko. As in kopyahan talaga na ultimo "**" na symbol eh kinokopya ko without knowing na erasures lang pala ng katabi ko. Paksiyet! nakakahiya yun talaga... Ang siste naman ng titser kong kamukha ng rugrats. Ipaparecite sa yo yong sagot mo pag tsinetsek na yong papel at sa harapan pa. Sa math lang naman ako mahina, kaya pag yong time na tsinetsekan yong papel sa math nasa canteen ako.
Pero hindi ko sinulat ang "kabobohang" 'to para mabasa lang at maipagmalaki ko (kung yun ang iniisip mo), sinulat ko yun dahil sa kabila ng kabobohang yun eh na-overcome ko.Gumawa ako ng paraaan para sa sarili ko, na hindi lahat ng pagkakataon eh parasitiko ako. Na kaya ko ring matuto nang mag-isa, ng may pride at utak para sa tamang paraan (naks ang drama, uber!.)Napagisip-isip kong hindi pa rin sapat yong marunong ka lang bumasa, sumulat at magbilang. Dapat matuto pa rin tayo kung paano i-extend yung abilidad mong yun at gumawa ng paraan para pakinabangan pa mas lalo. Kumbaga stepping stone mo pa lang yun o basic skills para maging tunay na literado.
Dumating yung time na kelangan ko na rin talagang kumilos para sa aking sarili at hindi pangongopya lamang ang sagot sa lahat ng katanungang na makikita mo sa test paper mo. May isang tanong na dapat mong masagutan bago mo pa man i-submit ang test paper mo, yun ay kung kelan mo ititigil ang pangongopya? Hindi lahat ng cheater kayang sagutin yan, kung nasa dugo na nila ang dugong parasitiko; wala na tayong magagawa pa, gaya ng nasabi ko nasa sa kanila pa rin talaga ang pagbabago.
Ayon kay Jean Baptist de Lamarck; isang french biologist, "a change in the environment causes changes in the needs of organisms living in that environment, which in turn causes changes in their behavior. Altered behavior leads to greater or lesser use of a given structure or organ; use would cause the structure to increase in size over several generations." Ayon sa aking pagkakaintindi may posibilidad nga na mamana natin ang traits mula sa ating magulang pero mas nakakaepekto pa rin ang environment sa paghubog ng katangiang yon. Nagset sya ng example tulad ng mga giraffe, ayon sa kanya ang mga naunang giraffe daw ay maikli lang ang leeg pero dahil sa scarcity ng pagkain na darating ang mga damo lang naman daw ang kinakain nila ngunit nang lumaon kenailangan na nilang i-strecth ang kanilang leeg para lang maabot ang mga dahon ng puno na nasa kanilang kapaligiran. Mula sa paglipas pa ng kanilang henerasyon, ang dating maikling leeg ng geraffe ay humaba ng humaba sanhi ng kanilang pangangailangan. Simple lang ang gustong ipabatid ni de lamarck. Organism changes as their environment changes as well. Pero hindi ito tinanggap ng ilang siyentipiko dahil kulang pa raw sya ng batayan para magtala ng ganoon. Katulad ng mga kaso ng mga makakapangyarihan dito sa Pinas, ang hatol...DISMISSED!Maaring totoo maaaring hindi. Isa lang pwedeng relevance, ang mangongopya ay humahaba ang leeg tulad ng giraffe ayon sa pangangailangan talaga para mabuhay. At kung nasa dugo mo na ang pangongopya isipin mong mabuti, baka maaari mo rin itong maipasa sa iyong salinlipi. Hala ka.
12 komento:
kung hindi ka ngayon magbabago, kelan pa? ayos toh ah. kargo konsensya na rin siguro ng tao yun...kung meron siya. hehehe..=]
galing! ^^; Salamat sa pagdaan-daan. Nauumay na rin ako minsan sa sarili kong blog eh kasi puro English. hehehe. This one's refreshing. ^^;
eto ba yung ripple principle? hehe. napadaan din pensucks
salamat sa pagdaan.maya magbabasa ko entry mo..pagbalik ko.wehehe.
math... weakness ko rin yan. Bat kc isinali pa ang "x" at "y" at di ginawang exclusive sa mga numero lng.
great post! i'm happy you overcame something. ang galing! :)
mahina din ako sa math, pero nahihirapan talaga kami mag-cheat sa school noong high school (when i attempted it out of desperation) dahil konti lang ang students at medyo malayo ang seats. haha.
thanks for dropping by my blog, bro. bisita ka ulit, ha. :)
nangongopya din ako nung high school kasi bobo din ako sa math. pero nahiya na ako nung college... wala ng kopyahan sa klase. assignments na lang
buti naman at napag-isipan mo na ang pagbabago. :) halos lahat naman ay dumaan sa ganyan, hindi maganda pero napapagaya lang talaga sa iba. unfair kasi sa mga honest sa pag-aaral hehe..;)
ahaha. uu kawawa ng magiging anak ko.. maipamamana ko sakanila ang mastery of cheating.
hindi mo naitatanong, iho (damatans mode), na ako'y isang dakhilang teacher sa nursing noong ako'y nariyan pa sa pinas.
sa pagkakaalam ko'y wala pa naman (sana) nag-describe sa akin na mukhang rugrats. haha natawa ako dun.
mabuhay ka! ang mga taong binabago ang sarili para sa kabutihan ay dapat tularan. kopyador rin ako dati sa christian life ed (demonya ako dati, yes) pero naisip ko rin na yung grade ko did not belong to me, kundi sa klasmeyt ko. kaya binago ko rin sarili ko at di na ako nagcheat magmula non... sa ibang bagay nalang. hehehehahaha
hahaha owshyet, genetically acquired pala ito. :D
hala, neber na akong mangongopya ng wrong answers sa aking katabi..(charing!)
hahaha apir!*
buti na lang di ako sanay mangopya at mag pakopya ang disadvantage nga lang sasabihin nilang madamot ka so minsan pag may assignment sila ayaw akong pahiramin ng notes...hahah!
Mag-post ng isang Komento