Prend: kumusta na ang buhay?
Ako: (nag-isip kunyari ng malalim) umm... ito self-supporting.
Prend: e ang sex life?
Ako: ganun din.
Madalas akong matanong ng mga kaklase ko o kaibigan ko kung kumusta na daw ako at madalas ko din silang sagutin ng okey lang, minsan parang text lingo na nga rin...'K Lang'. Ewan ko ba, hindi ko kasi trip sabihin yong nararamdaman ko kahit di naman ako okey.
Nitong nag-daang araw lang, alam ko sa sarili ko hindi ako okey. Nawawalan na kasi ako ng ganang... ummm... kumain. (holsam ako ngayon, ano ba?). Pero kahit papaano tatlong beses pa rin ako kumain sa loob ng isang araw 'di pa kasama dyan yong meryanda sa hapon at madaling araw.
Kamusta o Kumusta? Alin nga ba ang tama pagdating sa formal na wikang filipino? Ngayon may ibang versyon na yan sa text linggo, tulad ng muzta, moostah, muzzta, usta o mustah at marami pang iba. Minsan nga tinext ako ng kaibigan kong malaki ang bibig; ansabi 'aryu?' Tinamaan ng magaling na matsing! eh di ko maintindihan kung saang planetang naggaling yong salitang yon. Kaya tinanong ko, 'wrong sent ka ata pare.' nagreply naman agad, 'tangek! in-short yun ng how are you! bobo!.' Abah at may bobo pang pahabol, kaya ang ginawa ko imbes na mainis eh nagsori ng lang ako, taz este tapos nagreply agad... ansabi 'kei'. Nagets ko agad, yong K na short term ng OK ay pinahaba. letche talaga oh.
Maitext na nga lang si inang.
'Zup inang?
maikli lang muna ang ipopost ko ngayon, di ko alam kung affected din sa kawalan ng ganang magpost. Am i going bitchy now?
girl: hoy bitch!...
"hey dont you ever call me hoy!'
-bitch
"...if theres one lesson we young adults ought to learn, it should be maturity. Maturity to understand that life is unfair and maturity to not make things worse. Maturity to realize that there are things that we cant change and maturity to accept them gracefully. Maturity in loving and maturity to never be bitter if things dont work out..."
- qouted
12 komento:
hahaha... pero minsan its still nice to hold on to such "immaturities" because admit it or not this petty things makes us fell more human...
don't you ever call me hoy!!
gusto ko nyan!
tnx sa pagbisita!
:P
ah ganun pala, kaya pala madami din ang nagrereklamo sa pagtetext ko. pero hindi naman ako mahilig magimbento ng tulad ng 'aryu, kaso hindi ako mahilig gumamit ng vowels, as in, kaya super parang german daw. lol anyway, salat sa pagbisita sa aking blog. teka at ilalagay kita sa aking blog roll. hehe
masikap ka pensuck ka, tama yun pero wag mong sarilinin. (tama ba sarilinin? sarilihin?) hehe. ang sikat mo na ah, dahil sa blog mo may nadadapa sa blog ko. kaya dito ako tambay parati kahit once in a blue moon lang ako magpost. ehehe
"Prend: kumusta na ang buhay?
Ako: (nag-isip kunyari ng malalim) umm... ito self-supporting.
Prend: e ang sex life?
Ako: ganun din."
:-D ehehe
medyo mahina ang maturity ngayon. akala kasi ng marami pag nagiging pasaway sila ay mature na sila.
mali na yata ang naging meaning ng maturity kaya ganyan na ang nangyayari. parang love... dati maganda ang salitang love ngayon ginagamit na rin sa pamamastos.
iba na talaga. sana naman hindi pa lala ito.
sinagot ka ba ni inang sa text???
hehehe
ayus to ahh..pero mas astig yun pati sex life self supporting..slamat sa pagdaan sa blog ko..
Kumusta ang tama kasi hango yan sa espanyol na: Como Estas? Tanggalin mo lang yung E at S magiging "Como Sta?"
Nalilito din ako minsan kung ano ang tama, pero pinagaaralan ko nalang kung saan hango ang salita kasi wala naman tayong orihinal na mga salita.
ang sagot ni inang:
k lng nmn. here na me house luto konte kht sleepy na me. tul.
@wandering, oo minsan masarap talagang magkapilyo at maging immature. haha.
@mrs.j kumusta naman ang ex mo? bitter ka pa rin ba? award winning ang blog mo 'day.haha
@prinsesamusang, minsan napapatext din ako nang mahirap intindihin, hehe, uyy salamat sa pag-add sa blogroll mo ha.
@linapuhan, umm.. sarilinin ata ang tama. hehe.ewan, basta maintindihan ka, okey na.
@the dong, haaay... synonimous nga ba ang love at maturity? ewan, baka, malay mo.hehe... oo nga, iba na ngayon ano? tsk.tsk.tsk. panahon ay nagbabago.
@rio, walang load si inang eh.hehehe.. kaya di nakapagtext.
@billy, hehe.. kala ko walang makakakuha ng joke na yun, heheh
@arot, tama ka, hehe.. galing iyon sa salitang espanyol. como estas? tama nga ba? haha
@utakmunggo, post ka pa ng entry mo.
hahaha...
natawa ko dun sa 'aryu' kahit ako di ko magegets yun...
dati may nagtext skin 'stah'...huh??ano daw...
ano nga ba sabi ni inang??hahaha
Mag-post ng isang Komento