"epes! mamatay ka! pakyu! shet ka! olol! gagu ka!"
Nakangisi si lelang habang nagsusulat sa likod ng aparador nang utusan sya ng kanyang amo gamit ang chalk para puksain ang mga pesteng ipis.
“ngayun, mapopoksa na kayu! Tang-ena nyong mga madirpaker!” sabay tawa ng malakas,(mala-demonyong tawa) as in tawang demonyita.
Bumaba na si lelang upang tapusin ang nilulutong ulam nang matapakan nya ang laruan ng kanyang alaga na nagkakahalaga katumbas ng isang buwang suweldo nya.
“oh may gas! may pedikyur!”
Worid na worid si lelang sa kanyang pedikyur, hindi alintana ang laruang nasira.
Hawak ang chalk, isinubo ito upang pagtuunan ng pansin ang nasirang pedikyur.
“sera na ang pedikyur ko. Hu-hu-hu-.hu. gumastos ako dito ng 300 pesos para lang mapaganda ang patay kong kuko tapos matutuklap lang ang pusya pink nitong kolor.” Sa isip-isip nya.
“ano na lang ang mukhang este kukong ipapakita sa boyprend ko nito?” sa isip-isip nya ulit.
Tumayo si lelang at biglang nagsalita.
... taglay mo ang payak ngunit maalab na kintab
Sa iyong paglago ako’y napapagtanto.
Ika’y isang mahalagang bagay sa akin sinta.
Ispin man nilang kahibangan pero itoy
Katotohanang may halaga.
Matagal-tagal din ang ating samahan,
Parang kelan lang.
Ngayon ika’y nahimlay na
Sa iyong tunay na patutunguhan.
Gabay mo aking dasal at pang-unawa.
Sa iyong paglalakbay wag kang talipandas
Sa mga kapwa mo ungas.
Naway magpakabait ka upang
Iyong sinapit di na maulit.
Paalam sa ‘yo.
Aking mahal na kuko...
Na minsa pa’y akoy iyong pinaganda sa
Iyong mahiwaang kinang.
Isa kang obrang napakaganda.
Sabi nga ni kekang,
“lelang ang ganda naman ng iyong kuko,
Sana naging kuko ka na lang”
Tinaggap ko ‘yon ng buo
At buong pagmamalaking komplemento.
Pero ngayon, ika’y wala na.
Kaya panu na aking ganda?
Bahala na.
Bahala na.
Oo bahala na talaga.
Paalam sa ‘yo...
mahal kong kuko.
---oda ni lelang para sa kanyang namatay na kuko.
Para syang timang na umiiyak habang nakangisi. At biglang tumawa ng malakas, nang ubod ng lakas.
"ha-ha-ha-ha-ha"
Ilang sandali lamang nagdilim ang paligid ni lelang.
Napahandusay sya sa lapag at nawalan ng malay.
Sumisikip ang kanyang dibdib at nahirapang huminga.
"kelangan ko rin ng oda" tanging nasambit nya.
10 komento:
lintik naman sa pedikyur 300.. isang metro ba ang haba ng kuko nya sa paa? hahahah!!
at naman.. ng speech pa! sosyal!
*astig*
gravity namang pedikyur yan 300 pesoses....may gulay!
wahaha...
aliw a! bwahahahaha!!
siguro patungpatung na patay na kuko nayan.
mas gusto ko na yata ngayon si Lelang kaysa kay Inday mas gusto ko kasi pilipino eh. magaling magaling..ang ganda ng iyong oda Lelang, sayang nga lang at nakain mo yung chalk. pwede mo pa sana hamunin si Inday sa balagtasan. whahaha. go Lelang. Pensucks, ikaw na ba manager ni Lelang?
kakatuwa! Si Inday, jologs version! hehehe! Galing. Magaling!
buti pa si lelang...
nakakaapord pa rin magpapedekyur sa halagang 300 pesos..
imperness maganda ang oda niya!
uyyii :D
nyemas na lelang yan ah.. samantalang dati ay namamahalan na ako sa P25 na peydikyur!
pambihirang pedikyur yan, 300 pesos?! aba, me kasamang pa-kape at pa-canton ba yan kaya ganyan kamahal?! hehehe ang kulit! :D
grabe ibang klase nga ang pedicure... ang mahal ah kasama na ba hair shampoo dun?
Mag-post ng isang Komento