Kaya dito ko na lang ipopost yong unang bahagi ng librong nabanggit, pero bago pa man ang lahat ikukuwento ko muna kung saan nagsimula ang lahat...
18 years old ako nun, nang maisipan kong gumawa ng kahibangan sa buhay ko. Sa murang edad na punumpuno ng raging hormones e naisipan kong gumawa ng librong na parang nagda-diary lang.
RIBLO...
‘yan yong gusto kong pamagat ng librong nabanggit, bakit ganyan yong book title? mam'ya malalaman mo. Tapos sa baba nya may tag line dun na, ang librong para sa mga matatalino.
Tama, libro para sa mga matatalino dahil ginawa ng isang bobo. Kung may mali man sa grammar, sintaks, panlalapi, ugnayan ng pangungusap e labas na ako dun, matatalino naman sila at anytime pwede nilang itama. (playing safe?)
Ito 'yong unang bahagi ng libro...
Magsisimula ang lahat nang dahil sa isang pagsibol ng isang hinayupak na nilalang na nagnanais kumawala sa tinatawag na ‘normalidad’ ng kanyang eksistensya. Kasabay ng 360`degree na pagikot ng mother earth sa 23.5 nitong inclination axis, isang nilalang nga isinilang para maghasik ng lagim dito sa lupa (sabay tawa ng malakas). Kung saan man sya galing, sikreto daw, walang nakakaalam.
Siya ang may pasimuno nang lahat ng ito, ng binabasa mo.
What is life? Isang tanong na cliché sa tenga ng marami, may kanya-kanyang interpretasyon at pakahulugan. Tanong na mahirap sagutin minsan. Tanong na walang nagsasabing tama o mali ang sagot mo dahil ikaw mismo ang nagbibigay simbolo.
Where does it come from? Naks! Kanina lang what is life ngayon naman kung saan ito galing, ano to islambuk? Sabi ng born again slash katoliko slash minsan atheist slash tibak kong kaibigan ang buhay daw ay galing sa Kaniya. Kaya tinanong ko yong frend kong bihira lang maligo. Sino ba Siya? Sumagot naman sya habang may hopia sa bibig nya at patuloy sa pagsupsop ng softdrinks, “katulad din kung paano mo bigyan ng pakahulugan kung ano ang buhay sa ‘yo, ganun mo din mabibigyan ng sagot kung sino nga ba Sya? Dahil Siya ay buhay para sa mga mas nakakaalam at para sa mga nakararami”. Antaray! nosebleed ako sa sagot nya, pero naisip ko totoo nga naman. Hindi hawak ninuman kung paano mo ipakahulugan kung sino Siya sa iyo, kung sino ang tinatawag mong Diyos, tanging ang tinatawag na ‘faith’ lang ang makakasagot ng lahat. Kung naniniwala kang may buhay ka dahil buhay ka ngayon ganun din malamang ang ipakahulugan na meron Sya sa buhay mo. Dahil sya ang buhay ng buhay mo,leche! tama na nga dinudugo na naman ako.
Naalala ko tuloy noong tinanong kami ng biology teacher ko nito lang college, What is life? Tapos sumagot kami, life is what you make it! na animoy parang nursery rhyme dahil sa pagsagot ng sabay-sabay. Sus! Kulang na lang bumaga ng apoy yon teacher ko dahil sa galit. Akalain mo? hindi pala yun yong punto ng tinatanong nya. Bigla kaming natauhan, science class nga pala kami. Tamang sagot? Life is existence daw. Owww (namangha) na lang yong sumunod na reaksyon namin. Tama nga na naman, life is existence. Tapos sinundan ng comment ng sarkastikong katabi ko na mahilig sa mga paranormal ek-ek, if ghost exists, then they have life. It means they are alive.
Sumunod na nangyari? Ayun, long quiz na mala-nobela. Since nasa biology class kami, kulang na lang sampahan namin ng kaso yong teacher ko ng animal cruelty. Kainis!
Lesson:
Ang buhay ay parang balon, malalim!
Lahat ng teacher may PMS.
At hindi lahat ng nagreview pumapasa.
Pwedeng pumasa ang nangopya, minsan mas mataas pa.
Life is a sentence. It has a point that ends.
Gusto ko yung huling moral lesson. Malaman at parang masarap pakinggan, parang tunog pangcall center. Ay oo nga pala, mali palang gamitin yong moral lesson, redundancy daw kasi yun sabi ng english teacher ko. Whatever.
xxxxx
Point.
Matagal ko nang pinopoint kung may point nga ba ang point para sabihing period na?
Period. Ito yong makikita mo sa huli ng sentence, tulad nito ( . ) parang ancute tingnan isa pa nga (inserted kapilyuhan)
Pero sa mga kababaihan ito yong colloquial term ng menstruation, o mas kilala sa buwanang-dalaw. It is being experienced monthly. As female approaches puberty, ang pituitary gland ng babae ay nagsesecrete ng gonadotrophic hormones, it stimulates the gonads and controls reproductive activity and ito yong follicle stimulating hormones at luteinizing hormones na nagbibigay sanhi upang ang ovaries ay maging aktivo.
Ayoko ng ituloy, tama na yong malaman natin na ang babae ay dinadalaw buwan-buwan sabay ng pagdurudo sa isang parte ng katawan. Ang tawag dyan ay blooding este bleeding pala.
Teka anong connect ng point sa dalaw ng babae? (kunyari nag-iisip pero wala naman talagang iniisip tapos biglang sisigway ng...)
Ano pinagkaiba ng what is the point? At what is point?
next post na po yong succeeding part ng naunsyaming riblo.
13 komento:
hahaha! nakakatuwa naman ito.. ayos yung sinabi mu... matatalino naman sila kaya dapat maintindihan nila yun hahahaha!!! tama. tama! apir! gusto kong title sa pangarap kong libro: ang aklat pandigma. ahahaha! ang weirdo. waha! ntutuwa lang ako! xD
o naman. isa yun sa isang libo kong mga pangarap sa buhay...pero hanggang pangarap ko lang yun. tamad kasi ako eh. hehehe.. xP aba. online siya... ambilis magreply.. hekhek.. xP tulog na! may pasok pa bukas!
weh? nagtatarbaho na pala ikaw.. naku. ayos yan. eh di dami na ikaw pera.. hehehe.. xD
ako din gusto ko din ng kapilyohan
(censored)
bwahahhahahaha!!
Lahat ng teacher may PMS.
-pano si sir?
lol
heyaaa, may wanted sa blog ko, pag nakita mo pakisabi sakin ha! tnx tnx!
sabihin mo sa teacher mo na nagsabi ng redundant ang "moral lesson" na sya ang mali. idinadamay pa kayo sa mali nya. hehehe...
you write well, kapatid. buhay at humihinga ang prosa mo. pangriblo nga! keep on writing, if only to keep you sane.
God bless!
interesting note: dito sa inglatera, ang period na matatagpuan sa bandang huli ng bawat sentence ay also known as full stop.
incidentally, kapag may period ang kami, everything comes to a full stop. aba leche. mahirap gumalaw galaw kapag may period ano, kaya full stop talaga. nyemas. dapat kayo ring mga lalake ay dinudugo para fair. hehehe
malalim ang pag-iisip mo pare. ganyan talaga kapag nasasailalim sa mga turo ni Luca Pacioli...
apir tayo kapwa tagapagtuos!
hello...salamat sa pagdaan sa blog ko....hmm..accountant 2b?? hahaha!! may trauma ako sa mga kagaya mo....ngat
helluu!! salamat sa pag daan sa aking blog.. ehehehehe!!
keep safe!!
tc!
wow ganda! nakakatuwa...ang galing mo naman..gusto ko rin magkaroon ng sariling riblo.
...uy, aabangan kong ma-publish ito.:D
chong mas malalim pa ito sa 30 ft. na balon namin sa probinsya ah. haha. ako din dati gawa gawa nito pero hindi libro. kababawang komiks. nainspire kasi masyado ni berlin manalaysay, yung gumawa ng combatron..(hoping na nagbabasa ka ng funny komiks) hehe, kinain lahat ng anay yun. hahay. sige kaya mo yan, ituloy ang riblo. nakakatuwa.
binalak ko din nuon na sumulat ng isang aklat, pero wala pa kong nararating, meron naman na siya akshalli, wala nga lang kwenta, saka sikretong malupit ko muna, wala muna pwedeng bumasa. hahaha, mukha lang kasing tanga e, pero pangarap ko din talaga na minsan makapagsulat din ako ng libro.
ayan! nakadalaw na ko! ^_^
god bless!
Ang galing! Nakakatuwa.
Aba,umpisahan na ang riblo at baka me kumopya pa ng ideya mo pati na ang isinulat mo dito.
Hindi sa sinasabi kong ganyan ang ating mga kababayan pero alam mo na, mabuti na ang nag-iingat.
Peace :)
Mag-post ng isang Komento