Martes, Hulyo 29, 2008

Taym Pers Portion, reply to Pepong Chaos

Dear Pepong,

Wala naman talagang problema sa pagiging pandak eh, sabi nga nila age doesnt matter este height doesnt matter.Matuto ka lang tanggapin ang katotohanan na ikaw ay ginawa Niya ayon sa kanyang kagustuhan.Walang problema dun.

Kaya ka nagkakaroon ng inferiority complex ay dahil sa sobrang low esteem na nasa sa iyo, kulang ka ng confidence at masyado kang conscious sa iyong sarili. May kaugnayan ito sa lugar, komunidad, lipunan, estado na kinabibilangan mo na nagdudulot ng pagiging "iba" na naiisip mo sa sarili mo. Oo maaaring iba ka nga sa karamihan pero sana ang isipin mo ay may ibat-ibang pag-uugali, seremonya, katawang physical o physiologocal, paniniwala, kultura, ang taong nabibilang sa isang lugar katulad ng nasabi sa itaas. Nangyari lamang na iba ka, at iba sila sa iyo. Halimbawa, sa isang niche ng mga hayop katulad ng ibon, may parrot, may ibong maya, may kuwago, nandoon din si tweety bird at hello kitty na nakaabang sa ibaba bilang predator ng ibon at may love birds, nangyari lamang ikaw ay isang ibong tiririt na walang ibang alam kundi humuli ng tikpalong ngunit kabilang ka pa rin sa niche na ito na bumubuo sa nasabing habitat.(sori ha, wala akong ibang maisip na katagang ipapalit ko sa inshort eh) Inshort, may silbi ka 'dong.


Kung pangarap mong maging basketbolista, okey payn hayaan na nating maging pangarap mo yan. Pwede ka naman maging basketbolista eh basta mg kalaban mo mga 4-footer. Kwits. Kung walang babaeng lumalapit sa iyo, try mong pumunta ng aurora boulevard mga bandang 5:30 pm onwards. Doon sa foot bridge, may mang-aalok sa iyo. Try mo lang, pero dahan-dahan ha, baka mahulog ka sa tulay na bakal, mataas yon para sa mga katulad mo.

Tungkol naman sa pakikipagtsismisan, well... sige chismis ka lang,just make sure na sa pagtalikod mo eh hindi yong heigt mo naman ang pinagtsitsimisan ha. At hindi ugali ng mga lalaki ang makipagtsimisan, unless.... hmmmm....

At sa usaping pagtitikol, hindi yun totoo. Madalas itong paniniwala ng mga teenage boys, at dahil sa peer pressure nagagawa nila ito kasabay ng paniniwalang tatangkad pa sila. Hindi yun totoo dahil sa puberty/adolescent progeression ang growth and developement nila ang may kinalaman dito. Kumbaga, hindi yong pagtitikol nila ang dahilan kumbakit sila tumatangakad kundi dahil nasasabay ito sa pagmature ng katawan ng mga teenage boys. Nakuha mo?

At sa pagpapapak ng star margarine,kung totoo man o hindi. Subukan mo ito sa margarina na nabibili sa mga palengke, may tingi at bulto, pero try mo yong isang tabo at isa lang ang resulta dyan sa kubeta ang destinasyon mo. Sa puntong yan, kelangan pa siguro ng DOH pag-aralan kung totoo man yan o hindi. Kaya ang sagot ko, ewan ko.

Pepong, kung ako sa ito...tanggapin mo na lang ang katotohan na ganyan ka. Okey na ang pandak kesa sa may kapansanan. Okey na yan kasi nabubuhay ka, ramdam mo yong hangin na pumapasok sa iyong katawan polusyon man yan o utot. Okey na yan kesa sa mga bilanggo na hindi nakararanas ng tunay laya dito sa mundong ibabaw. Makontento ka lang, okey na talaga.

Alam mo ang tao dapat matutong makontento para lubusang maramdaman ang halaga ng buhay na ipinagkaloob Niya. At matutong tumanggap ng anuman na bukal sa kaloban...

Kung kaya mo 'tong gawin, pwes tao ka nga.

Sana natulungan kita sa aking mumunting payo.

Ever Guapo (pero kelanman 'di naging conceited)
Taym Pers

5 komento:

UtakMunggo ayon kay ...

alyas pepong na pala ngayon si mura? bat di nalang kasi sila magasawa ni mahal. haha

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

lololololol :D

hanep sa payo ;)

Pepong, nawa'y nakatulong ang taym pers sa iyong nagsusumamong problema.

(UtakM, onga no? whatta bright idea! pepong panahon na siguro para mag arrange kme ng date ninyo ni mahal..)

lololololololol :D

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

hahaha. ayus ito. lahat naman ng tao may kapintasan eh.. hakhak! aun lang ang aking masasabi... =]

Niel ayon kay ...

yung mga manika ko maliliit din sila pero proud sila kasi cute sila! hehehe.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

maraming advantage rin ang pagiging pandak ha (biglang defend naman ako.)tingnan mo presidente natin ngayon... kung pandak ka, may posibilidad ka na maging presidente ng pilipinas. sa kung paanong paraan... aba eh hindi ko na problema yan. itanong mo kay kuya kim!