Biyernes, Hulyo 25, 2008

wala lang... trip ko lang.

Ilang beses na rin akong nadisapproved ng google adsense dahil sa langguage na ginagamit ko, unsupported daw ang wikang filipino natin. Hindi ko alam kung bakit o talagang may diskriminasyon lang sa ating/aming wika.

Gusto ko lang i-try kung anong feeling tumanggap ng tseke na kita mula sa ads sa iyong site. O sa madaling sabi, gusto kong subukang kumita. Sinubukan ko ang adbrite, pinag-aralan kung panu, saan ilalagay, kung panu ang billing pero di ko talaga alam. Pasensya.

Maraming blogs dyan ang english ang ginagamit bilang medium. Pero marami rin sa kanila ang wrong gramming. Nakasusulasok na wrong grammar. Mali ang subject-verb agreement, pati ang syntax, mali din ang expression. Pero blog yun, personal na bagay ng isang tao, at hindi mali ang kumita ng pera. (pero sana, ayusin din naman nila)

Kagabi/kanina, kausap ko lang si mahiwagang sibuyas. Bertdey pala nya, nagusap/naglandian/nagkachokaran/nagbatian kami sa way-em. Okey sya kausap,para kang kumakain ng cake...masarap. Yun nga lang lasang sibuyas.

Makulay na parang gulay ang aming conversation, kung ipopost mo yun at lalagyan ng google adsense, malamang kumita ito ng husto. Bawal ang spam ha.

At dahil bertdey mo, 'to na lang regalo ko sa yo mahal kong kaibigan (waaah feeling close na ito?)...

"kung isa kang sibuyas habang binabalatan, mas okey pang akoy lumuluha habang ikay pinagmamasdan, kasabay ng pagtalop at pagtanggal ng saplot ng iyong makinis na katawan"


8 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

--

hakhak

hay naku baka may malas kaya hnd ka inaaprub

hakhak

elyens

XXXxx

pen ayon kay ...

sizzling hot!! :)

katukayo pala kita neh..matagal ko nang hindi gingamit un kasi kung hinde ako pinagkakamalang lalake (na hanggang ngayon naman sa pen palaboy ay gnun din) ay pinagkakamalan akong manyakis hehehe! pen*slave daw errr..

salamat sa pagiwan ng bakas sa blog ko.

PADAYON!

UtakMunggo ayon kay ...

galing na ako kay cheebooyas. nagchismisan pala kayo ha. eh lumago ba ang economy bilang resulta ng chismisan nyo? ahehe

happy birthday ulit kay cheebooyas.

at ikaw may patalop-talop makinis na balat ka pang nalalaman. nakuuu!

Roxy ayon kay ...

hmm. mejo interesado din ako sa adsense pero feeling ko wala pa akong karapatan. haha.

btw, happy bday to Mahiwagang sibuyas. Gusto ko sana magcomment saknya kaso nahiya nmn ako bigla kasi baka feeling nya feeling feelingan ako na close. haha. Cheers!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

gawa ka bago account sa blogspot tapos wag mo muna lagyan ng entry tapos pa approve mo sa add sense ma aaprove kagad,.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ako din. ilang beses ko nang sinubukan yang Google Adsense na yan. at syempre lagpak nga naman... ala naman sigurong diskriminasyon, siguro dahil hindi lahat eh nakakaintindi ng wika natin kea ganun.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

asus! kung mali grammar nila, eh ano naman? dahil sa blog, nahahasa sila. yung iba nga diyan eh, taglish na nga hindi mo pa rin maintindihan. kaya ayun hindi alam ang pagkakaiba nang 'linggo' sa 'lingo.'

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

nyay ako'y nagblush pagkabasa ko netong post mong ito... *blush*
lololololololololol :D

para tuloi akong nagmumurang sibuyas..
lololololol :D

huwaaaaw makulay na gulay? bahay kubo ito?! :D

salamat, at sinamahan mo akong magcountdown nung gabing iyon. feeling ata naten new year's eve iyon eh? lolololol.

@roxy: nyak wag kang mahiya kasi ako naman eh walang hiya. lolololol. at dahil binati mo ako, feeling ko close na tayo. hahaha apir apir! ;)