tangna para akong bumabalik sa highschool. every little moment na kasama ko sya cherish na cherish ko. saka ok lang, sya naman tong nagmomotivate sa akin sa trabaho. yong every gising ko sa morning, sya unang unang maiisip ko at gaganahan akong maligo kahit napakalamig ng tubig. tapos tapos tapos.... ayyyyy... excited akong makita sya. tangna talaga.
anong meron sa frutos? binigyan lang naman nya ako ng 8 frutos. tatlo dun e pineapple flavor, yong lima e orange flavor. sinabihan ko kasi sya na bigyan nya ako ng frutos pag-uwi nya, ayun iniabot sa akin nang nakasmile pa. haaay.. nakakakilig na sa akin yon. ambabaw ko lang. basta galing sa kanya wala akong pakialam, kahit pa durian flavor yan. kebs.
ilang linggo na kaming magkatext. kung tutuusin mga walang kwenta yong pinag-uusapan namin, pero bakit ganun di ko magawang burahin. kahit yong text nyang... K. shet shet shet! whats happening to me? tapos ito pa yong mga importanteng message na kelangan kong isave pinagbubura ko. like, text mula sa smartmoney yong smartmoney number ko, yong forwarded cellphone number ng frend ko, at marami pang iba. wala pa dyan yong mga quotes na pikit-mata kong pinagbubura. ODK.
ewan ko ba. feeling ko kahit magkaibigan lang kami okey na sa akin yon, basta maramdaman kong mahalaga ako sa kanya bilang ako. sapat na yon. ay oo ang orte orte ko ngayon.
di po ako inlab. naglalandi lang po.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento