Miyerkules, Setyembre 19, 2007

si mokong sa buhay ko...

Do you still remember your grade school days? ako,oo...masaya ako noon.talagang masaya. may seatmate ako noon, first exam namin sa grade 1.
PANUTO:ILAGAY ANG SALITANG T PAG TAMA ANG SAGOT AT M PAG MALI ANG SAGOT.
Pansin ko sya,nanginginig at butil-butil ang pawis. nakakatawa dahil wala pa ang tanong agad na nyang sinabi sa akin,'mar pakopya ha'. i just smiled then.unang tanong palang sablay na si mokong.
TANONG:ANG RED BA AY PULA? ang sagot ni mokong? naku mali na nga sagot nya wrong spelling pa. o di ba?nakakatawang nakakainis. si mokong ang naging malapit ko nang kaibigan. mokong ang pangalan nya sa entry kong ito dahil baka alam nya ang blogsite ko ay lusubin pa ako ng kanyang angkang manginginom. Mabait naman sya,mahilig nga lang sa babae. Naalala ko tuloy nang minsan pauwi na kami dahil magkalapit lang naman bahay namin(sa palawan)ay may nakita syang isang bata,siguro mas matanda sa amin ng dalawang taon. Hinalikan ba naman nya sa pisngi sabay takbo. Natural ako yong nakita ng bata kaya ako yung isinumbong naman ng mafeeling na animoy gusgusing batang iyon. mangiyak-ngiyak akong umuwi dahil sa takot na baka ipa-barangay ako ng angkan ng nasabing bata. nagkulong ako sa kuwarto ng boung araw(sabado kasi noon) Marami din kaming kalokohan ni mokong,minsan pa nga umiihi na lang kami sa likod ng classroom namin ng patago eh. nagnanakaw ng bayabas sa kabilang bakod malapit sa school namin. Marami na rin kaming napagsamahan ni mokong kahit ganun lang sya,turing ko sa kanya eh parang kapatid ko,wag nga lang ibatay sa hitsura dahil dehado sya.sa ngayon wala na akong masyadong balita sa kanya,nagbabakasali nga akong isang araw ay magkrus ang aming landas dahil si mokong ay may utang pa sa akin na piso.

ang aking Inang puta....

Ako ay isang puta. Isang inang puta, o isang putang ina. Nagtratrabaho ako para mapakain ang pito kong anak. Anak sa ibat-ibang lalaki.dahil sa kagandahan ko ay minsan pay nabihag sila ng alindog ko.

Nagkaroon ako ng dalawang anak sa una kong asawang kastila. parehong babae. Akala ko sya na noon ang una at huling lalaki sa piling ko. Hindi pala dahil noong nasa kalagitnaan na namin ng aming pagsasama ay pinapahirapan na nya ako, mahuli lang ako ng gising para sa kanyang almusal ay binubuhusan na nya ako ng mainit na kape. At kapag wala akong naibibigay na pera para sa kanyang bisyong pagsusugal ay pinagsasalitaan nya ako ng masasakit na salita sa harapan ng kanyang mga kumpadre.

Kasalukuyan pa rin akong nagpuputa noon dahil kailangan kong buhayin ang aming unang anak, wala siyang ginagawa kundi magbisyo kasama ang kanyang mga hinayupak na kumpare. ginawa ko yun dahil mahal ko sya, siya kasi ang first love ko eh. Kahit alam kong may halong panloloko ang pakikisama nya sa akin ay okey lang.

Noong isinilang na ang aming pangalawang anak ay iniwan nya ako. Masakit pero kinaya ko, itinaguyod ko ang dalawang kong anak kahit pa kiknukutya ako ng tao. Dumating ang panibagong boyfrend, isang hapones. Negosyante. Noon din ay nakatikim kami ng rangya sa buhay dahil ang aking asawang hapones ang nagbubuhay sa amin ng aking anak. Lahat ng gustuhin namin noon ay binibigay nya. Mamahaling laruan, pagkain, alahas, lahat pero may kapalit yun. Sa tuwing gagamitin nya ako ay pinapahirapan nya muna ako. Isa siyang sadista! linalatigo nya ako, pinapaso ng sigarilyo at sinasampal. Hindi lamang yun ang naranasan ko sa kanya. Naranasan ko na rin ang masakal na halos ikamatay ko noon. Pagkatapos ng pananakit ay saka nya ako gagamitin.

Lahat ng yun ay tiniis ko mabigyan lamang ng sarap ng buhay aking mga anak kahit hindi ko sya mahal at tanging una kong asawa pa rin ang mahal ko. Dumating ako sa puntong kinakaawaan na ako ng aking anak dahil sa pasa sa aking katawan. Makalipas ang dalawang taong pagsasama ay nagbunga iyon ng panibagong supling. Ngunit bago pa man naisilang aming anak ay lumuwas na ito sa kanilang bansa dahil daw sa kanilang negosyo. Nasaktan ako di dahil umalis sya ngunit dahil nawalan na kami ng pagkukunan ng aming ikabubuhay.

Subalit naitaguyod ko tatlong anak ko ng walang alinlangan. nagtrabaho muli ako bilang puta, maganda at may asim pa naman ako kaya nagawa ko muli ang trabahong iyon. Nangako ako sa aking sarili na hindi na ako makikipagrelasyon pa. Hindi nga ako nakipagrelasyon sa loob ng limang taon ngunit dahil sa trabaho ko ay nadagdagan muli aking anak ng dalawa sa magkakaibang lalaki. Ang tanga ko talaga dahil nagpauto ako noon na hindi gumamit ng kontraseptiv, dala na rin siguro ng libog ko sa katawan kaya nagbunga ang katarantaduhang iyon. Kaya naging lima aking binubuhay na anak. Dumating sa buhay ko isang amerikano. Akala ko ay magkaibigan lang ang aming turingan ngunit nauwi ito sa seryosohang relasyon. Kahit pa hirap ako mag-english ay nauunawaan naman nito. Nakakaintindi sya ng kunting tagalog kaya hindi mahirap sa amin ang komunikasyon di tulad ng nauna kong dalawang asawa ay marunong ako ng niponggo at espanyol.

Mabait ang naging huli kong asawa. Ngunit dumating ang panahong nakita ko sya sa may kasamang iba. Ipinagpalit nya ako sa aming kapitbahay. Nasaktan ako ngsobra dahil kahit papaano ay mahal ko sya. iniwan na nga nya ako ng tuluyan at nakipagrelasyon na sa iba. Noong panahong iniwan nya ako ay nagdadalang-tao na ako noon. At sya ang ama. Sa malas ko ay naging kambal pa ang naging bunga kaya naging pito lahat ang supling kong binubuhay.

Halos mabaliw ako noon kung saan ko kukunin ang aming kakainin, buti na lang ay may mga kaibigan akong kahit papaano ay tumutulong sa akin. Napag-aral ko ang apat kong anak sa tulong ng trabahong kong pagpuputa, noong naging mahina na ang trabahong din yun para sa akin ay naglako na lamang ako gn sigarilyo sa kalsada. Tiniis ko init ng araw, ang lamig ng gabi at ang kutya ng tao. Ang tatlo kong anak ay hindi na nakapag-aral dahil sila na rin ang tumutulong sa akin sa paglalako ng pwedeng maibenta sa kalye. Naging pasakit talaga sa akin ang may maraming anak ngunit hindi ko pinagsisisihan yun dahil masaya kami sa pamilya namin. dumating din ang puntong nagkagulang na aking mga anak. ngunit sa akin pa rin sila dumidepende. May asawa na ang tatlo kong anak. Isang araw habang akoy may sakit ay may nagawi sa aming bahay na isang foreigner. inaaya nya akong pumasyal ngunit masakit ang katawan ko noon dahil sa trangkaso, naging mapilit sya. Agad nyang dinakma ang mukha ko at pilit nyang hinahalikan ang maseselng bahagi ng aking katawan. putang ina nya! binaboy nya ako ng walang kalaban-laban dahil ako ngay mahina noong panahong iyon. pagkatapos nya akong gamitin ay naglabas sya ng pera at agad nyang inilapag sa tabi ng kama habang akoy umiiyak.

Alam kong naririnig ng aking mga anak iyon ngunit hindi nila ako sinaklolo. Kinaumagahan ay nagsumbong ang bunso kong anak na kagagawan ng panganay ko ang lahat, ibenenta nya ang katawan ko dahil kailangan daw nya ng pera sa susunod na araw. naiyak ako ngunit tiniis ko ang sakit na kayang kaya pala ako ibenta ng aking mga anak. pagkalipas ng ilang buwan ay lumuwas ang dalawa kong anak sa abroad. ilang buwan din sialng andun ngunit hindi na sila nagparamdam pa sa akin.

Wala na akong balita sa kanila. Ang kambal ko namang anak ay patuloy pa rin sa pagtulong sa akin ngunit dumarating ang puntong sinasaktan nila ako kapag nakaririnig sila sa kapitbahay na ako ay isang masamang babae. Sinisisi nila ako kung bakit ako nagputa at patuloy sa pagpuputa kapag wala nang makain. nilayasan din ako na aking mga anak.

Sa ngayon ay nag-iisa na ako. Naghihirap dahil sa idinulot ng aking mga anak. gayunpaman ay mahal ko pa rin sila dahil ako ang kanilang ina. Ako si PILIPINAS, ang kanilang ina, ang kanilang bansa.

sa kadiliman...

Sa wakas… naintindihan na rin kita.
Noong nangangapa lang ako sa dilim, takot na takot ako. Ilang beses rin akong natisod at nasugatan kasi lakad ako ng lakad… galaw ako ng galaw… wala naman akong nakikita. Isinisigaw ko ang pangalan mo, pero wala ka… hindi ka dumarating. Gusto kitang habulin pero hindi ko alam kung saan ka na nagpunta. Masakit. Mahirap. Akala ko tuluyan mo na ‘kong iniwan. Akala ko wala na akong halaga. Kapag nasa dilim ka--- walang makita at walang malinaw na mahagap, nakatitisod at nakagagalos talaga. At dadagdag ng dadagdag ang mga masasakit na sugat, na lalong humahapdi sa bawat patak ng luha na nag-uunahang kumawala.
Mabuti na lang, sa kasisigaw ko ng pangalan mo… narinig mo rin ako. Pero hindi ka sumigaw pabalik. Impit… bulong na lang ang narinig ko, at muntik ko pang hindi narinig.
Ang hindi ko alam…
Nasa dilim ka rin pala.
Itinapon tayong dalawa sa isang kawalan na balot ng nakapanlulumong itim. Hindi ko lang alam kung nasan ka, pero kagaya ko--- may dilim ka ring pinipilit talunin… nangangapa, natitisod, at nasusugatan ka rin. Marahil mas malalim pa nga ang mga sugat mo. Hiyang- hiya ako sa sarili ko dahil pumayag akong isipin kong iniwan mo ako. Yun pala, nawawala ka rin. Patawarin mo ako.
Nalito ako--- hahanapin at hahabulin ba kita gayong hindi ko naman alam kung sa’n ako pupunta… pero dahil nga gumagalaw ka rin, bagama’t nasa dilim, baka lalo lang tayong hindi magpang-abot. O pipirmi ba ako, at hihintaying mahanap mo, habang hinihilom ng oras at nakapanghahapding luha ang mga sugat nating dalawa?
Pareho nating hindi alam kung paano magagapi ang dilim. At baka nga hindi talaga natin siya kayang talunin. Hindi ko kaya, hindi mo kaya. Kahit gaano natin pilitin… Mahirap talaga. Masakit. Nakakalito. Pero wala tayong magawa.
Ngayon… tama na sa akin ang narinig kong binanggit mo ang pangalan ko. Kahit na gaano kahina ang impit na yaon. Hindi mo alam kung gaano kahalaga na nalaman kong kahit na nasa dilim, kahit na mahirap… hinahanap mo rin ako. At kahit kailan ay hindi mo ako iniwan… pinipilit mo lang rin na makakita at malayang makagalaw bilang IKAW, na hindi ngayon pinahihintulutan ng dilim.
Isa lang ang alam ko, isa lang ang malinaw. Hindi ako naniniwalang itinadhanang maghari ang dilim sa matagal na panahon. Magliliwanag rin. Hindi ko alam kung sabay itong sisinag sa atin, o mauuna ito sa iyo, o sa akin.
Kung sabay ang pagliwanag ng mundo sa atin, mabuti. Kung mauuna ito sa iyo, hanapin mo ako. Pinili kong pumirmi at hintayin ka, at labanan ang sakit. Sana, sa panahong yaon, tuluyan nang hinilom ng mga luha ang mga sugat natin. Hihintayin kita. Kahit anong mangyari. Titiisin ko ang dilim. Dahil mahal kita. Kung una ang pagsinag sa akin, sa unang sandali pa lang na makita at maramdaman ko ang liwanag, hahanapin kaagad kita. At sasagipin kita sa dilim na matagal na bumilanggo sa atin.
Maghintay lang tayo. Magliliwanag rin. Makagagalaw ka rin bilang ikaw, at ako bilang ako, dahil wala na ang dilim.
At kung akala ng dilim ay natalo niya tayo, mali siya…
Mas lalo lang niya tayong pinatatag, at mas lalo niyang pinatibay ang pag- ibig nating kailanma’y hindi niya nagawang magapi.

ang hari at ang kanyang ugali

Dadaan ang hari. Lilinga-linga.
Walang tao.
May hinawakang isang bagay.
Ngumiti sya.
Umupo sa trono.
Pinindot ang makabang buton.
Lumabas agad ang dalawang alila.
Kintab ng sapatos
lalong pinaigting.
Ngingiti. Tatango.
Pinindot muli ang buton. Umikot ang upuan.
Mahina.
Tumayo. Sinipa ang alila.
Dumugo.
Hinawakan muli ang bagay na nagbibigay ngiti sa pilyong hari.
Ngiti.
Tatalikod,lalakad.
Titingnan ang kuko.
Okey pa.
Saka mananalamin.
Ayos na!
Tumungo sa pasilyo.
Kukuha ng kopita.
Alak.
Tubig.
Lalagok.
Muli ngingiti ang bruha.
Titingin sa kawalan.
Tumingin sa sarili, ayon sa repleksyon sa gintong kopita.
Ngingiti.
Babasain ang labi.
Pungay na ang mata.
Nalaglag ang luha.
Pinahid ng munting kamay.
Upang walang makakita.
Malamyang aristocrato.
Habulin dahil guapo.
Muling ngingiti.
Ubos na ang alak.
Tumuloy sa eleganteng kuarto.
Inalis ang kapa.
Tiningnan ang sarili.
Marami ang nagtataka sa ugali ng hari.
Malihim.
Werdo.
Engrata.
Kung ikaw ay isa sa kanyang nasasakupan,
makikilala mo sya!

ang aking kalaban

Bigla akong nakaramdam ng kirot habang papalubog na ang araw. Namutawi sa aking mukha ang mga masasayang araw na lumipas mula pa noong nagkamalay ako, mga panahong nakagisnan ko habang papalaki.
Ang mga taong nakapaligid sa akin at walang sawang gumagabay sa aking pagtahak sa masalimuot na daan na wangis ay isang lagusang puno ng pasakit at hiwaga. Unti-unti akong nayuyupos sa kadahilanang hindi ko na kaya, ngunit hindi ako naduwag kailanman para takbuhan ang Kanyang hamon. Lahat ng ‘yon hinarap ko ng buo kahit pa may pag-aalinlangan. Tinanggap ko ang ilan sa mga bagay na sa simula pa’y di ko mawaring ganoon pala ang kahihinatnan.
Buntong hininga. Ayokong sa paglubog ng araw ay sanluksang sasapit sa akin. Ayokong maging madalamhati ang lahat. Ayokong puspos ng himugto at paninisi ang lahat. Ang tanging gusto ko lamang ay payapang pagpanaw kasabay ng paglubog ng araw.
Wala akong dala sa aking mahiwagang biyahe kundi ang mga ala-alang kailanmay di ko makakalimutan.ang mga taong naging bahagi ng aking magulong buhay. Ang mga taong minsan pay naging sandigan ko sa aking mga hinanakit sa mundo, ang mga taong nagbigay ng lakas sa akin upang akoy hasain pa ng kakaibang tapang. Sa mga taong naging malapit sa akin, sa kaibigan, kakilala. at higit sa lahat sa taong minahal ko ng lubos at binigyan ng tamang atensyon at pagpapahalaga. Salamat.
Kulang ang espasyong ito sa napakahabang pagpapasalamat sa inyo. Alam kong hindi nyo magugustuhan ito, ngunit tinanggap ko marahil ay matanggap nyo na rin na minsan pay may nakilala kayong isang nilalang na tulad ko.
Lubos akong nagpapasalamat sa mga panahon at oras na inilaan nyo para sa akin, sa mga walang kwentang biruan ngunit nagpatibay ng ating samahan, sa mga walang katapusang tampuhan na nagbigay ng paraan upang magkaunawaan.Salamat.
Hindi pa ito ang katapusan ng lahat, marahil ay simula pa lamang ng aking tunay na laban. Gaya ng aking nasabi, hindi pa ito ang tuldok ng lahat. Unang simula pa lamang ito ng pangungusap na aking gagawin sa aking mahiwagang nobela ng aking buhay. nawa’y bigyan pa ako ng pagkakataon upang maituloy ko ito sa mga susunod pang kabanata ng aking buhay... patlang.
Wala pa ako sa kalahati ng aking patutunguhan, simula pa lang ng bagong laban. akoy mahihimlay sa puspusang katahimikan ng laban.walang putok, walang karahasan, walang ingay, walang bayolente, lahat ay payapa.
Payapangng magdudulot sa akin upang maiwagi ko aking laban. Hindi ko iisiping akoy talunan kahit pay akoy pumanaw na, ayokong isiping talo ako at si Kamatayan ay panalo. Hindi ako duwag para kaligtaang may sarili akong kapangyarihang ipagtanggol aking sarili. Lumubog na ang araw, habang akoy nakaluhod. Hinihintay si kamata

Biyernes, Setyembre 14, 2007

pinned-pain....

It’s over. Finally, I can breathe. I can have a life again, something apart from always trying to be there for you. I can stop trying to understand, trying to make you see that we can work through this, that our love is worth fighting for. All the uncertainty, all the confusion, all the pain of not knowing where I went wrong, is finally over.
D*mn you for putting me through all that. D*mn you for taking my belief in love, my belief in forever, my belief in you, and handing them back to me broken, saying you can’t deal with them anymore. You will never know how much you hurt me by just giving up, you will never know how much you scared me from loving as much as I loved you ever again.
I did not deserve to be hurt that way. And you didn’t deserve my trust.
So much wasted emotion. I had so much more tenderness to give, I could have stayed with you longer, but you didn’t think it would be worth our while. I know you still love me, as I know that you were too d*mned scared to be vulnerable. And I was stupid enough to hope I can help you conquer that fear, or live with it, so that you can take the risk of letting me into your heart. Not anymore. You would rather hurt me than let down your guard.
I loved you. Honestly, bravely, intensely I loved you. But it wasn’t enough.
I hate the fact that we could have saved us, but we didn’t. We simply gave up something rare, something that doesn’t come along everyday. I hate the emptiness. I hate the regrets.
But the worst thing about all this is the simple, stupid, pathetic truth that I miss you. I miss you. I knew losing you would be painful, but pain, I can deal with. I can cope with the sharp, intense rush of emotion that cuts like a knife, but is relieved somehow by tears and is dulled by the passage of time. What I didn’t expect was the sadness – the steady, lingering hurt that comes with the realization that you will never again look at me as if I’m precious, special, and infinitely cherished, you will never again call me “garnet ko” with the tender amazement that I really am yours. It’s the constant heaviness that haunts me and makes me wonder if I’ll ever be whole again without you, of if I’ll always mourn the part of me that died with our love. I miss you. And I’m to be totally honest with myself, I’ll have to admit that I’d do anything, give everything even go through all the confusion again, just to find a way for you to keep believing in us. But there’s no chance of that.
Some goodbyes are final. I have a feeling this one is.

lalaya din ako pero pasumandali lamang....

Ayokong hanapin mo ako dahil sa hindi mo ako makita, (malabo) dahil sa hindi mo ako maramdaman.(malabo pa rin)
Nitong nagdaang mga araw, nagbabago ako ng anyo. Isa akong yelo, na nakakulong sa bakal na puno ng kalawang. Hindi tumatakbo ang oras. Paano ako makakawala nang hindi natutunaw? Nang hindi nadudumhan?
Kung dumating ang oras na maghahanap ka, puntahan mo ang nagliliparang alikabok. Isa ako sa kanila. At kung sakaling mapuwing ka, isipin mong ako ang pumupuwing sa 'yo para di ka masaktan. Gusto kong maramdaman mo ang aking presensya nang hindi ako nakikita.
Kung madaan ka sa mga halaman, 'wag kang kukuha ni isang dahon man lang, baka ako ang iyong mapitas, malulungkot ako.
Pag ninais kong muling magbagong anyo, (ayoko pa) 'wag kang umasang makita ako, mag-iiba ako ng pormat disenyo.
Kung mapadaan ka sa umaagos na tubig, damhin mo iyon ng iyong mga palad. Wag mong punasan, isipin mo ako, hayaan mong matuyo at saka ako maglalaho.
Isipin mo lang akong tumatawa, tulad ng lagi kong ginagawa. Isipin mo lang akong tinotopak, at tawagin mo akong baliw, hindi pa rin ako masasaktan, tulad ng dati.
Hindi mo man ako makita, hindi ako lalayo. Magbago man ako ng anyo, ako pa rin ako. 'Wag mo na akong hanapin dahil hindi ako nagtatago, pero hindi ako magpapakita. Hayaan mong lumipas ang panahon...hanggang sa naisin kong ilapit ang langit sa aking puso...doon lang ako magiging malaya.