Biyernes, Disyembre 21, 2007

kwento ng naagnas na...

I was surfing the net and a blog entry of an strange blogger caught my attention though it looks jologs to read, i tried it to read. And as i was reading it some thoughts came into my mind without some mere reasons to think of, i just couldnt imagined how had i relate myself on this kind of "kajologans" but basically it is true...yeah it is!

And the story goes like this:

Nagta-type ako sa keyboard nang mapansin ko na nagsisimula nang mag-peel yung nail polish sa kuko ko. Kaagad akong naglagay ng top coat. Nabasa ko kasi sa Cosmo na iyong top coat, nagpapatagal ng kulay ng nail polish. At nagpe-prevent na mag-chip iyong kuko. Pero noong sumunod na araw, lalong lumala iyong pag-peel ng nail polish. Medyo nalungkot ako. Kasi, wala nang makakapigil pa sa pagkakasira ng kulay ng kuko ko. Pero kung iisipin natin, ang nail polish, parang life lang yan. No matter how hard we try to make it last or stay longer, we couldn't stop the inevitable.
Lahat ng bagay, nag-de- the end. Hindi mo na kayang pigilan ang nakatadhana. May mga relasyon na hindi nagtatagal. May mga pagmamahal na namamatay. Kahit na tambakan mo man ng top coat ang kuko mo, kahit anong ingat mo man, matatanggal at matatanggal pa rin ang nail polish. Kaya burahin mo na lang at ihanda ang mga kuko sa bagong nail polish na i-a-apply mo. Kailangan mo mag-move on. At magsimulang muli. Pero dapat, bago ka mag-apply ng bagong nail polish, siguraduhin mo na wala ng trace ng lumang nail polish. Bago ka pumasok sa panibagong relasyon, dapat, completely over ka na doon sa dati. Para simula ka sa clean slate, di ba?


It makes sense naman di ba?

Walang komento: