kuha ko ito mula sa isang website review:
"Isa sa mga librong tumatawa ka habang binabasa mo. Multitasking ka. Hindi pwedeng hindi tumawa dahil kasama yon. Naging idol ko tuloy si Bob Ong dahil dito. Ang saya ng kwento, o masaya dahil mataas ang common sense ko sa pagbabasa. A must-have book pag malungkot ka, dahil tiyak mag-eenjoy ka sa adventure na walang patutunguhan, kasama ang iba't-ibang hayop sa gubat, na pwede mo ring makita sa bahay at sa school."
Tama nga naman ang sabi ng reviewer. Isa itong librong may binatbat at nagtataglay ng angking katalinuhan. Maganda syang basahin dahil gagana talaga ang iyong kapiranggot na karne na laman ng iyong bungo. Mas gusto ko pang basahin ang ganitong genre maliban sa mga librong SCI-FI. Kung ang trip mo ay tumawa habang natuto at natatauhan (pwera na lang sa mga character kasi hayop sila) dapat magkaroon ka nito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento