Bata ka pa noon pero mahilig ka ng magbutingting ng kung anu-ano. Ang kulit mo nga eh. Halos hindi masuway ng iyong inang. Naalala mo yong nalunod ka? Andun ako, paslit ka pa nga kaya hindi mo alam na nagsisigaw di ako sa takot na maianod kang tuluyan. Pero maswerte ka dahil nakita ka agad ng iyong tita para iligtas ka. Pinalo ka noon ng tatay dahil sa iyong kakulitan, nalungkot ako dahil hindi mo naman talaga ginustong pumunta sa bahaging malalim, tanging gusto mo lang noon ay para makuha yong t-shirt na naanod.
Grade 1.Second honors ka, tuwang tuwa magulang mo noon. Syempre pati ako dahil bestfriend mo ako . Hindi mo pansin pero nasa bahaging likuran ako noon ng maraming tao, tanaw ka.Masaya. Proud.
Naalala mo yong binato ka ng bato ng isang kaklase mo? kulang na lang idemanda ng yong mama. Astig ka tin nun ha kasi kamag-anak nyo yong principal kahit alam mo sa sarili mo na may kasalanan ka din. Di ba ikaw pa nga yong nagtawag sa bumato sa kanya ( Diosdado ata ang pangalan nun eh) na "baluga" sya dahil mukha syang Aeta. Pero sa totoo naman talaga, eh aeta sya.
Grade 2. Fourt honors ka na lang, isinumbong mo yun sa mama mo dahil may "favoritism" na nangyari. Umiyak ka pa nga pauwi noon eh. Pero kasama mo ako, hinahabol kita pero dahil paslit ka pa lang mabilis ka pang tumakbo di tulad ko.
Grade 6. Natuto mo akong kilalalanin, mula noon "close" na tayo. Araw-araw mo akong kinakausap, pinapangiti dahil sa maliliit mong kalokohan. Di ba sabi mo noon may crush ka klase nyo? Natuwa talaga ako dahil sa wakas ang isang patpating paslit may crush ka na rin sa wakas. Pero nasaktan ka noon ng sabihin ng crush mo na hindi ka nya mahal. Engot pala sya eh, hindi mo naman talaga sya mahal. "crush" lang naman.
High School. Thirteen Years old ka noon. Yon yong simula na makaligtaan mo na ako. Dati kasi gabi-gabi mo ako kausap, pinapakinggan mga batang-reklamo mo. Na kesyo palagi kang inuutusan. Ha-Ha-Ha naalala mo yong minsang nagdabog ka, binagsak mo yong ash tray tapos di inaasahang tumalbog at dumiretso sa paa mo. OUCH!!!. Sa edad mong 13, maraming nagbago sa iyo. Boses. Pagdadamit. May bago ka na ring Crushes. At mga kaibigan. Astig ka noon dahil friends mo mga "elits" sa klase nyo. Belong ka ika nga. Pero dahil dito nakalimutan mo na rin ako bilang isang kaibigan. Nakakalungkot lang dahil para nanlamig ka sa ating samahan. Di kita masisi dahil bumaling ang iyong atensyon sa iyong kaibigan.
Graduation mo ng high school. May speech kang babasahin. Astig dahil sa iyong angking katalinuhan Mar. Sumasali ka rin kasi noon sa mga paligsahan sa pagsusulat hindi ka man nanalo pero doon nahasa ang iyong talento sa pagsusulat. Proud talaga ako sa 'yo noon Mar. Kaya mong makipagsabayan sa kanila kahit pajamming lang ang iyong taktika, nakakaperpek ka ng mga tests lalo na sa science. (sablay ka nga lang sa math dahil yon ay ayaw mo). Habang binabasa mo noon yong speech mo, nakaramdam ako ng kakaibang lamig dahil satuwa na rin siguro at galak. Astig ka kasi, nasungkit mo yong "journalism of the year" na award, kahit hindi ka man kasali sa honor roll atleast napatunayan mo sa sarili mo na kayang mong makipagsabayan sa kanila.
College ka na noon pero biglang bumalik ang 'nanlamig' na samahan natin dahil may mga kaibigan ka ng "mabubuti". Pero taglay mo pa rin ang pagiging maloko Mar, kasi naman kung makapanlait kayo ni julieann tagus-sa-buto. Katulad ng "wow!!! ang ganda ng nail polish nya. Im sure may Memorial ng paglilibingan sa patay nyang kuko. Nail polish na lang ang tumatakip" tapos sabay kayong tatawa, sasabat naman 'tong si bruhang julieann "josko! eh sa impyerno hindi yan tatanggapin!".Ganun ang mga patutsada nyo pag kayo na ng barkada nyo magkakasama. Akala nyo eh mga Diyos at Diyosa kayo sa kaguwapuhan at kagandahan. Pero bumilib ako sa 'yo noon mar noong naging working student ka. Nagtatrabaho ka mula 5 o'clock ng hapon hanggan 11 o' clock ng gabi para lang may magamit kang pera para sa sarili mo. Proud din akong naging scholar ka at konti lang binabayaran ng parents mo para sa tuition mo at working student ka pa. Pero dumating yong point na nagkaroon ka na ng bagsak, hindi ka na kasi nakakapagreview para sa morning subject mo lalo na yong major mo. Pero kampante ka lang noon dahil lahat naman kayo ng ka-major mo eh lagpakers din. Naging kampante ka ngunit pinanghinaan ng loob. Dumating yong point na umiiyak ka noon dahil sa nalagpak mong exam. Sayang...Science pa naman.Di ba paborito mo yun? Pero pagdating ata sa mechanics eh hindi mo na type pag-aralan mga vector quantity, speed, length at kung anong anik-anik pa yan. In short nagsawa ka!
Naalala ko noon, mag-isa kang nasa boarding house mo, umiiyak dahil hindi mo alam kung ano uunahin mo kung yong letseng pag aaral mo o yong trabaho mo na nageexpect yong managers sa yo. Nahirapan kang nagdesisyon kaya nag-bahala ka na.
Infairness,marami ang natutuwa sa iyo. Bibo ka kasing bata lalo na pagdating sa recitation. Astig kang sumagot, may punto at may laman. Type mo yong gisahin yong reporter sa harapan habang sya naman ay takot sa mga "pop-up questions mo". Naalala mo yong muntikan ka ng murahin ni Raymond dahil sa tanong mo noon na mukha namang irrelevant sa topic. ha-ha-ha...bibong bata dahil napatumba mo yong "pinakamagaling" klase nyo. Sumuko. Pero sa huli humingi ka pa rin ng tawad. Doon ang naantig sa iyo, marunong kang magpakumbaba. Astig ka talaga Mar. Napasok ka noon sa student publications nyo. Wew! astig ka rin bumanat dahil nailalabas mo yong sentimyento mo.
Tanda mo pa yong naadik ka sa blog? At doon mo rin nakilala yong unang taong nagpaiyak sa iyo ng todo dahil sa lintik na pag-ibig yan kamo. Nagtagal din kayo ng halos siyam na buwan, pero biglang umiba takbo ng sinasabing mong "mundo". Hindi pala sa lahat ng oras eh takatuon lang ang atensyon mo sa sinasabi mong "mundo". Duh, wag ka nang magmaang-maangan pa. Di ba sabi mo mundo mo sya? Pero sabi ko nga Life has to change for it has to. Sa kanya ka umiyak ng todo. Di ko masabing karma pero parang ganun na rin dahil marami ka na ring pinaiyak di ba? Sana maalala mo pa yong time na iniwan mo gf mo dahil nalaman mong hindi mo pala sya mahal. Marami ka na ring nakarelasyon pero sa kanya ka talaga nasaktan ng todo. Umiiyak ka noon, nagmamakaawa pero hindi nya pinakinggan. Halos kaawa-awa ang iyong lagay noon. kasabay noon ay ang paghahanap mo ng trabaho sa manila. Naging Call Center Agent ka noon sa Ortigas, pero dahil sa kaestupiduhan mo, pinili mong maghanap ulit ng trabaho malapit sa bahay na pinagtutuluyan mo sa ParanaƱque, swerte ka talagang bata dahil ilang araw lang na paghahanap nakakita ka ulit ng trabaho bilang Data Analyst kahit sa lagay mong yan na di graduate kinaya mong makipagsabay sa mga degree holder, astig ka talaga!)
Nagbreak kayo sa araw bago ng inyong monthsary. Kawawang bata dahil ginawa mo lahat para sa kanya. Noong panahong yon mag-isa mong hinarap yong sakit, hindi mo ako kinailangan dahil nagtapang-tapangan ka! Umiiyak ka noon ng mag-isa pero di mo lang alam nasa likod mo lang ako umiiyak din dahil nasasaktan ang isang kaibigana malapit sa akin. Kung alam mo lang kung gaano katindi yong emosyon ko para tulungan ka pero hindi mo ako tinawagan para gawin ang bagay na makapagpapabuti sa iyo. Pinili mong mapag-isa at magalit sa lahat ng tao dahil ayaw mong kaawaan ka. Gusto kitang yakapin noon para mapanatag ka pero nagpumiglas ka. Isinumbat mo sa akin lahat, naging sarado ang iyong isipan para intindihin yong mga nangyayari sa iyo. Trabaho, pamilya at maging mga kaibigan---gumugulo din sa iyo noon, nakikisabay sa iyong problemang dinandala.
Sa ngayon, narealized mong may magandang nangyari rin pala sa iyo ang lahat. Ngayong taon lang na 'to akala mo katapusan mo na dahil sa apendecittis nangyari sa iyo.Buti na lang naging matatag ang iyong pananalig kaya nailigtas ka mismo ng lakas nang loob mo. Yun yong natutunan mo sa break-up nyo ni (name withheld). Natuto kang maging mas matapang pa. Astig ka talaga mar.
Ilang months after ng operasyon mo, nakilala mo si (new one). Sya na ngayon yong taong malapit sa iyo at pumalit kay (name withheld). Masaya ka sa piling nya at sya lang yong taong nagpabago sya. Pasalamat ka sa kanya. Pero nakakapagtampo ka Mar, dahil nakaligtaan mong batiin ako noong birthday ko. Hinihintay ko pa naman ang tawag mo. Pero noong mismong araw na yun eh hindi ka tumawag sa akin, hindi kinausap pero alam kong alam mo ang birthday ko. Nagdiwang pa nga kayo di ba? May Christmas party pa nga kayo eh, naghanda rin at nagsalu-salo. Pero after ng araw na yon naalala mo bigla.Ha-ha-ha-! sa wakas naalala mo din, laking tuwa ko noon. Kahit huli na pero naalala mo pa rin, salamat ha.
Kahapon, lumuwang na naman turnilyo mo.Akala mo ba madali lang ang "maglakbay papunta dito?" ulol ka pala eh. Maraming nagtangka kahit hindi pa itinakda pero hindi sila naging successful sa pagtatangkang yon. Nahulog lang sila sa bitag at hindi na nakaalapas pa. Kawawa lang sila. Kaya pag dumating ulit yong mga sandaling yon, lumaban ka. Maging matatag ka at wag kang susuko. Di ba sabi nga ni "new one" marami ang umaasa sa 'yo. Matalino ka, may angking abilidad kaya gamitin mo yon sa mabuting paraan. Huwag kang maging bobo para lang sa mga kapiranggot na pangyayaring sa tingin mo eh hind maganda.
Astig ka Mar! Kaibigan kita, Di ba Bestfriends tayo? Ako yung tutulong sa 'yo. Yong sasama sa iyo sa iyong mahabang paglalakbay sa buhay. Maging matatag ka sana Mar, dahil hatid lang ito ng pagkakataon para mas maging matapang ka pa para sa mga susunod pang hamon ng iyong buhay. Huwag kang maging maramot sa iyong sarili. May karapatan kang masaktan pero wala kang karapatan para unahan ang desisyong yong inilaan Niya. Mar, kaibigan ko. Mahal na mahal kita. Ako pa rin 'to, isang kaibigan, Jesus Christ.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento