Pinost ko yong isang entry ko dito sa blogspot sa penster. Yong sulat para kay mar:
There is a certain way that Religious pieces make you think back and say... "Oo nga no?" and it has that heartwarming appeal that make it easy to digest.I think you were successful with your theme. Medyo misleading nga lang ang title kasi meron tayong ka-penster na marmar ang gamit na pseudonym...hehe... I was half-expecting something some else. I guess I was wrong. Keep it up!"
Agad kong nabungaran ang comment na yan sa ibaba ng entry natuwa ako na kahit paano eh may may mga taong pwee rin palang maka-appreciate ng mga sinusulat ko.
Nagpagupit ako ngayon. Simple lang. Maikli na alam kong babagay sa akin. Tinawanan ni john, Walanya! na-frustrate tuloy ako pero hindi ko pa rin pinahalata. Ganun ako pag kasama ko sya, hindi ko pinapahalata ang dapat hindi mahalata sa akin. Taulad ngayon na kanina pa ako gutom. Oo nga pala, napansin ko lang sa lahat ng barber shop hindi mawawala ang mga retrato ng bawat barbero sa malaking salamin kung saan kaharap mo ang sariling mong ginagawang tao sa mata ng kapwa mo tao. Napansin ko yun dahil halos lahat ng barber shop na pinapagupitan ko eh meron silang picture na nakadikit sa malaking salamin na nakasabit. Minsan bangag sila, may parang nalugi at mayparang nawalan ng aso. Ha-ha-ha-ha.
Challenge sa akin ang pagsusulat ngayon kasabay ng maiingay na bata na nasa tabi ko.
Bukas, luluwas na ako ng Maynila (ambaduy ng term parang probinsyano talaga). Magsisimula na kasi akong mag-work sa 7. Hindi ko alam kung anong klaseng pakikibaka na naman sa buhay ang kahaharapin ko. Dala ko ang kaba sa dibdib ko pero baon ko ang determinasyon makakaya ko ito. Simula na naman ng pagiging independent ko, yuppie na kasi ako. Besides tumatanda na rin ako kaya kelangan ko na ring gumawa ng paraan para sa sarili ko. Sana matulungan ako ni Bespren, baka kasi hindi ko makaya eh. Sana lang talaga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento