Noong high school pa lang ako. Garapalan talaga ang kopyahan, yes cheating! Kahit pa nakatalikod lang nang nahagya ang Titser. Aminado rin akong akoy NANGOPYA at NAGPAKOPYA, sabi nga nila ang estudyanteng nagigipit sa katabi lumalapit.
MAy clique din ako noon, o sa madaling sabi grupo-grupo. '"jologs company" ang pangalan ng aming samahan. (hindi ko alam kung impluwensya ba ito ng pelikulang JOLOGS the movie o sadyang jologs lang kami).
When it comes to mathematics nagtatransform talaga ako as parasite. Talagang kopyahan talaga, ginawa ata ang math bilang isang kryptonite ko. As in kopyahan talaga na ultimo "₤" na symbol eh kinokopya ko without knowing na erasures lang pala ng katabi ko. Paksiyet! nakakahiya yun talaga...
Pero hindi ko sinulat ang "kabobohang" yun para mabasa lang at maipagmalaki ko (kung yun ang iniisip mo), sinulat ko yun dahil sa kabila ng kabobohang yun eh na-overcome ko.Gumawa ako ng paraaan para sa sarili ko, na hindi lahat ng pagkakataon eh parasitiko ako. Na kaya ko ring matuto nng mag-isa,ng may pride at utak para sa tamang paraan.
Napag-isip-isip kong hindi pa rin sapat yong marunong ka lang bumasa, sumulat at magbilang. Dapat matuto pa rin tayo kung paano i-extend yuno gumawa ng paraan para pakinabangan pa yon. Kumbaga stepping stone mo pa lang yun o basic skills para maging tunay na literado.
Dumating yung time na kelangan ko na rin talagang kumilos para sa aking sarili at hindi pangongopya lamang ang sagot sa lahat ng katananungang na nakalimabag sa tesat paper mo. May isang tanong na dapat mong masagutan bago mo pa man i-submit ang test pare mo, yun ay Kung kelan mo ititigil ang pangongopya? Hindi lahat ng cheater kayang sagutin yan, kung nasa dugo na nila ang dugo-ng-pangongopya wala na tayong magagawa pa, gaya ng nasabi ko nasa sa kanila pa rin talaga ang pagbabago.
Ayon kay Jean Baptist de Lamarck; isang french biologist, "a change in the environment causes changes in the needs of organisms living in that environment, which in turn causes changes in their behavior. Altered behavior leads to greater or lesser use of a given structure or organ; use would cause the structure to increase in size over several generations." Ayon sa aking pagkakaintindi may posibilidad nga na mamana natin ang traits mula sa ating magulang pero mas nakakaepekto pa rin ang environment sa paghubog ng katangiang yon. Nagset sya ng example tulag ng mga giraffe, ayon sa kanya ang mga naunang giraffe daw ay maikli lang ang leeg pero dahil sa scarcity ng pagkain na darating ang mga damo lang naman daw ang kinakain nila ngunit nang lumaon kenailangan na nilang i-strecth ang kanilang leeg para lang maabot ang mga dahon ng puno na nasa kanilang kapaligiran. Mula sa paglipas pa ng kanilang henerasyon, ang dating maikling leeg ng geraffe ay humaba ng humaba sanhi ng kanilang pangangailangan. Simple lang ang gustong ipabatid ni de lamarck. Organism changes as their environment changes as well. Pero hindi ito tinanggap ng ilang siyentipiko dahil kulang pa raw sya ng batayan para magtala ng ganoon. Katulad ng mga kaso ng mga makakapangyarihan dito sa Pinas, ang hatol...DISMISSED!
Maaring totoo. maaaring hindi. Isa lang pwedeng relevance, ang mangongopya ay humahaba ang leeg tulad ng giraffe ayon sa pangangailangan talaga para mabuhay. At kung nasa dugo mo na ang pangongopya isipin mong mabuti, baka maaari mo rin itong maipasa sa iyong salin-lipi. Hala ka.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento