Nagsimula na akong magtraining sa New York BAy Phil. at bukas at sa linggo ang day-off ko, ayos! makakagpahinga naman at maiset ang sarili sa dating routine.
Maagang gumising. Sandaling paliligo. Mabilisang pagkain. Traffic. Nakasimangot na guard sa building at pagsita ni manong guard sa opisina. Yan yung mga naidagdag sa list of daily routine ko.
Okey naman ang trabaho, sa part ko medyo mabusisi unlike dun sa co-trainees kong dalawa. Medyo mabigat yong responsibility ko pero kaya ko naman i-handle. Ang galing nga eh kasi kahit ganun kabusisi e organize pa rin sya.
Hindi ko alam kong ano nakain ko kung bakit ako nandito sa netshop ngayon na imbes na nagpapahinga e nandito para magblog.Halosboung araw nga akong nasa harapan ng computer at tagasagot ng tawag pero gusto ko pa rin talagang magblog. Ito na rin siguro yong pamparelax ng isipan ko. Good thing for me kasi it works naman.
Habang nagtitipa ako ngayon e nakaplay ang playlist ko sa imeem. Oo nga pala nagulat ako kaninang pagpasok ko dito sa netshop. Si manang na nageedad ng 50 hanep naglalaro ng RPG games, at hook na hook talaga sya sa RAN kasi level 64 na sya. o di ba? astig ka manang, dinaig mo pa ang isang tulad ko.
[ENTER MESSAGE HERE FOR MANANG]
Kay Manang na naglalaro ng RAN;
Hindi man maibibilang ang iyong sa henerasyon sa makabagong henerasyon ngayon, salamat dahil nakiangkas ka sa sinasabing pagbabago.
Hindi ka nagpahuli sa takbo ng panahon.
Naging mulat ka sa mga kaganapang may kinalaman sa iyong kinabibilangan.
Di ba ang sabi mo pa nga"bukas na lang ako magtop-up ng account mo"
Astig ka talaga.
At habang naglalaro ka nakaheadsetka pa nga at nakatune in sa yahoo radio.
Dinig ko pa nga ksi isa sa mga gusto kong kanta ang pinapatugtog mo...stick with you.
Manang, ang masasabi ko lamang ay pagbutihan mo ang paglalaro mo...
...kaya mo yan!
[END MESSAGE. NOTHING FOLLOWS]
Medyo kaiba talaga ang lifestyle dito sa metro manila. Gising pa ang mga tao kahit anong oras.
Ang gabi pwedeng maging araw para sa kanila,at ang araw ay pwede maging gabi para sa kanila lalo na yong mga nagtatrabaho bilang mga call center agent. KAdalasan ko kasi silang makasalubong pagpapasok na ako sa trabaho. Sa elevator pa lang halatang bangag na sila, dahil nakatanggap siguro ng maraming calls o nagkaroon ng maraming calls.
Hindi talaga ako ganun ka-urbanite kaya medyo adjust pa rin ako sa bagong nature ko ulit.
Umaasa akong magagampanan ko ang trabahong natoka sa akin. Alam kong kaya ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento