Sabado, Mayo 17, 2008

babalik muli...

Nagtaka ako kung bakit ganun na lamang ang logo ng google ngayon, google po kasi ang homepage ng aking pc. So klinick ko yong mismong image at ayun kay manong google, itong araw na ito (May 16) pala ay ang unang araw nang pagkagawa ng laser. Ang laser ay salitang dinaglat mula sa Light Amplification by Stimulated Emission of Radiation. Sa tulong ni pareng Theordore Maiman eh natuklasan ang halaga ng laser.

Maraming tulong ang laser sa sangkatauhan, malaking tulong ito lalo na sa paglago ng industriya sa buong mundo, medisina, kagamitan, komunikasyon, at maging sa pandigmaan. Nagpoproduce ang laser ng monochromatic wavelength, at coherent light.

Anyway, nakalimutan ko na yong ibang info. Matagal na kasi nabakante utak ko tungkol sa mga bagay-bagay na ganito.


Namimiss ko school ko dati nung college pa lang ako, the greenfields, the stadium, the oval, the people, the logo, the ambiance, tapos yong tambayan namin ng mga ka-major ko. May isang part kasi ng school namin na lagi kami andun, nagkukwentuhan, nagkukulitan at madalas doon mag-review para sa mga quizzes. Sa ngayon, graduate na mga kasabayan ko, ako na lang ang hindi pero ok lang, ako lang naman sa kanila ang may trabaho—sa ngayon.Namiss ko yong dating samahan namin, tawanan at halakhakan. Haaaayy… sayang nga lang at hindi ko na maibabalik ang mga panahong yun.

Sa susunod, makikita ko kayo muli mga dati kong kaeskwela! Pramis…
(babalik ako muli para tirahin kayo ng laser gun ko!!!)

Walang komento: