Maulan ngayon, mapapaaga ata ang tag-ulan. Okey din pala ang malamig na klima, yong natural na lamig. Iba kasi pag air-conditioned ang temperature, parang yong lamig nanonoot talaga sa buto.
Naalala ko noong unang linggo ko dito sa NYB halos sipunin ako dahil sa lamig, January pa lang kasi noon kaya medyo malamig pa.
Aircon…
Sabi pa ng titser ko ang pinakasimpleng aircon daw ay nagsimula sa Roma na ginamitan ng mga parang tubo sa dingding para ma-maintain yong lamig ng isang kwarto. Siguro panahon pa yun ng lolo ng lolo ng apo ng lolo ng lolo ng apo ng lolo ko na lolo naman ng lolo ko. Basta yun na yun! Tapos sabi pa ng buladas kong titser na maraming versyon daw ng ‘pampalamig’ na nagmula pa sa Persia, Tsina, Britanya, at sa Amerika, iba-ibang anyo, iba-ibang laki pero iisa ang pakagagamitan---pampalamig!
Taong 1820 lamang nang magkaroon ng matinotinong ‘pampalamig’, kung kilala mo si Michael Faraday na kumpare ko nito lang, sya yong nakatuklas ng paggamit ng ammonia. Hindi ko alam kung nagsawa sya sa “pagsinghot” ng ammonia kaya dinavert nya ito sa ibang gamit. Yong konseptong yun ay sinundan naman ng adik na si John Gorrie dahil trip nyang magpaepal kay Faraday. Gumawa ng compressor si Gorrie para makapagproduce ng ice, yes! As in yelo!
Pagkatapos ng marami pang taon marami pa daw nangyari sabi ng adik kong titser este buladas lang pala.
After almost 50 years.
Unang pumatok ang commercial aircondition na pinasimunuan ni Willis Haviland Carrier. Mukhang familiar ka sa apelyedo di ba? (kaw na lang mag-isip kung bakit) [Clue: Carrier aircon na gamit naming ditto sa ofisina.] *kamot sa ulo*
Tinatamad na akong magkwento, naboboring na kasi ako. Anyway, alam mo bang ‘pag hindi nalilinisan ang aircon ay maaari itong magspread ng microorganism o mga pathogens tulad ng legionilla pneumophilla na pwedeng maging sanhi ng leggionaire’s desease. Pwe! Namimilipit dila ko!
*sabay-sabay na magtatanong: eh ano naman yong leggionaire’s desease na yan!*
Sagot ko: hindi ako doctor para tukuyin kung ano pa yan! Basta ang alam ko sabi ng porn magazine, susme! Health magazine na nabasa ko eh SAKIT daw yan na cause ng nabanggit na bacteria na pwedeng present sa ating mga aircon pag madumi! Getching?
Pansin ko lang, pag mainit dito sa ‘Pinas. Pumupunta lagi ang pinoy sa mall para magpalamig. Ayos noh? Kaya marami ang na-aakyat-bahay gang eh! Funny to think pero tooto, parang yong kapitbahay naming dati. Kung makapagkwento nang napuntahan na mall parang nag-abroad, tilamsik laway pa! sarap upakan, sarap pagsabihan na …
“hellooo… ate eh dyan lang ako nagCCR pag emergency nature calling!”
O sya sige pauwi na ako, next time na lang ulit tayo magkwentuhan.
PS:
Nababato ka ba? Hindi makalabas ng bahay o makagala. Type mo ba mag quiz? Try mo ‘to.
1 komento:
kakatuwang magbasa. have a nice day.
Mag-post ng isang Komento