Been wanting to have a pet dog but only Ive got is hotdog, toinks. Maliit lang naman kasi yong pad ko, at bawal pa ata ang hayop (pero yong landlady naming mukhang hayop na tinubuan ng mukha). Pupwede pa siguro ang fishda, ivon, pusha, kalafati (mababa man o mataas ang lipad) unggoy na kumakain ng kanin at ulam, at monkey na marunong magbasa ng blog. Gusto ko yong aso na kulay pink ang fur, para naman maiba at sosyal tingnan ang mga pulgas nito. Oo nga pala, pag ako nag-aalaga ng aso kasama na rin dun ang pag-alaga ng pulgas. Dati nagkaroon ako ng alagang aso, si miaka. Kaso nasagasaan lang ‘daw’ sya, ewan ko kung totoo yong sabi ng tatay ko o pinulutan lang ng mga asal-hayop naming kapitbahay. Nalungkot ako pero kinailangan kong tanggapin pagkawala ng aking mga alaga- mga pulgas ni miaka.
Napapadalas na rin ang pagdrop-by ko sa petshop malapit sa amin, tumitingin ng maalagang hayop at ang matagal ko nang kapatid na nawawala. Nakita ko nga kalaro ko noong bata pa ako si hello kitty nasa cage, pramis nakita ko sya dun. Para nga syang ni-reyp ni Garfield eh. Kahabag-habag na pusa, nawala ang puri dahil lang sa isang orange na pusa at may matamlay na mata na parang adik. Iniwan ko na si hello kitty, wala akong nagawa kundi pagmasdan na lamang sya.
Patanghali na ako kadalasan umuwi ng bahay dahil sa buwisit na traffic na yan, antagal nang problema ng pasig yan pero ‘di pa rin nasosulosyunan. Taeng buhay! Kaya tanghali na rin akong matulog.
Nocturnal. Mulat sa gabi, tulog sa umaga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento