Linggo, Mayo 11, 2008

para sa aking ina...

'Nang,

Kumusta po kayo dyan? Si bunso ok naman ba ang pag-aaral? Ok lang naman ako sa bago kong trabaho, masaya at kinakaya pa naman.

Natanggap ko 'yong huling text mo, oo umiinom ako ng vitamins ko, ok di yong tulog ko. 'Wag kayo masyadong mag-alala sa akin, kaya ko sarili ko.Paminsan-minsan pumupunta ako kina Tito.

Linggo pala ngayon 'Nang, at mothers day pa. Batiin ko lang kayo ng happy mothers day. Salamat po sa pag-aaruga nyo sa akin kahit may katigasan ang ulo ko minsan, kahit na late pa ako umuuwi ng bahay noon dahil sa barkada. Naalala mo pa ba 'Nang yong time na kinausap nyo ako ng masinsinan dahil bumagsak ako sa isang subject ko sa college, imbes na pagsalitaan nyo ako ng masasama at kagalitan hindi nyo ginawa kundi pinilit nyong intindihin ang sitwasyon ko. Pagod na rin ako that time. Umiiyak ka sa harapan ko at niyakap mo ako ng mahigpit.

Ikaw yong unang taong proud sa akin, unang tatayo para palakpakan ako.Salamat Inang.
Malaki din ang pasalamat ko lalo na nong naoperahan ako, alalang-alala ka noon.Sabi ko kaya ko,pero naluluha ka pa rin. Sabi ni tita nasa labas ka pa nga raw ng operatng room, naghihintay.

Noong nag-aaral pa lang ako, kaw lagi ang bahala sa baon ko, buti na lang noong 2nd year college na ako, nagkaroon ako ng sideline.Astig kang ina.

May mga pagkakataong ramdam mo ang problema ko dahil sa ekspresyon ng aking mukha.


Kaya sa pagkakataong 'to, isa lang ang masasabi ko..."happy mothers day po"



Lab,
panganay na lalaki;bunsong lalaki...

Walang komento: