Sa wakas natapos din ang matagal ko nang reviewing ng mga products and services namin, kaninang umaga lang yong presentation ko. Ginamitan ng powerpoint at konting power ng bibig. presto! natapos din ang matagal ko nang dinaramdam.
Pero naging malupit sa akin ang tadhana, ang akala ko kasi sa boss ko lang ako magprepresent, yun pala kabilang din ang staff. Naloko na talaga! Kaya kinabahan ako ng husto at nawala na sa memorya ko yong spiel na dapat kong sabihin. Pero kahit papaano, memorize ko pa rin naman yong products namin.
Sa huli, maraming nakitang mali ang staff. Kesyo daw ganito, kesyo daw ganyan, kulang sa ganito, kulang sa ganyan, lakasan daw ang boses at dapat pang ikabisa ang products. Naging destructive ang dating sa akin ng mga comments nila hindi naging constructive, pero ok na rin yong comment sa akin ng boss ko, pampalubag loob na rin. Pero mas ginusto kong tutukan yong bad side na nasabi, gusto ko yun baguhin sa paraan na gusto ko.Kaya nga humingi ako ng take two, ewan ko kung kelan ulit yun pero pagkatapos ko magawa tong next project ko yun ulit aasikasuhin ko. Humanda sila dahil narito na si Zaido.Bwahahah...
3 komento:
ahh kaya pala nagtanong ka sa akin hahaha. sabi nila marami daw akong nakikitang mali, kaya try mo kaya mag present sa akin. constructive ako mag criticize :D
pupusta ako na reklamo ng mga staff eh yung mga maliliit na bagay na irrelevant sa long term effect ng presentation mo :)
good luck sa take 2!
pahabol lang... sosyal na kayo may pa presentation pa hehehe
Ang lupit naman may presentation pa sa inyo. In my humble opinion, you'll learn the services as you go along, especially kung magphones na kayo. If you memorize you'll probably forget anyway and you'll always need kodiks.
Good luck sa next presentation :D
Mag-post ng isang Komento