Biyernes, Hulyo 25, 2008

astig nga ba ang math?

Manong Isaw: ilan sa’yo?
Student: 3x-5 where x=6
Manong Isaw: ah so bale 13, bale mura lang 5sin90 ang isa.
Student: umm... pakiconvert naman po using arctangent
Manong Isaw: di ko carry eh, tangent na lang 5tan45 kung gusto mo,
mag-apply ka na lang ng reduction formula.
Student: ok na po, eto bayad (X∆2-4x+3) / sin3x where x=7
Manong Isaw: ok got it, wala ka ng sukli na ha.


Isa sa mga chain text message na kumalat sa boung kapuluan ng mahal nating Filipinas. Malamang natanggap mo rin ito bago pa man sumikat si Inday na highfalutin kung mag-ingles.

Math. Phoneyetang math yan. Isa sa mga dahilan kung bakit dumudugo pa rin ang utak ko, nagiging cause ng epileptic seizure ko, at emotional disturbance ko na nagpapabula pa ng bibig ko.

Minsan mo na rin bang kinainisan ang math sa buhay mo? Ako, maraming beses na. Ayoko sa math. As in Math. MATHigas ang ulo ko pagdating sa asignaturang 'to nung nag-aaral pa lang ako.

Nung Highschool nga ako, gumawa ako ng alyansa A.M.A.T... Alliance Movement Against Trigonometry. Ako ang naging founder, tapos yong seatmate ko ang naging co-founder. Hindi rin nagtagal kasi kaming dalawa lang yong naging member. Bwisit.

sabi ng Rene Descartes:


"It is a truth very certain that it is not in our power to determine, we ought to follow what is probable"

sabi ko naman: Keep off the grass.

14 (na) komento:

Mahiwagang Sibuyas ayon kay ...

ay punyeta hahahahahaha

natuwa tlga ako sa entry mong 'to.

AMAT.. buuin ule naten yan hahahaha ako secretary mo dong.

at tama, rene dekart- keep off the grass! hahahaha (teka ano ibig sabihin nun?! waaah ang ilong koooo,panyooooo!)

gillboard ayon kay ...

naging pasakit ng mga batang hindi nerd!!!

kaya ako nung kolehiyo, pumili talaga ako ng kurso maglalayo sa akin sa mga numero...



accounting!!! bwahahaha...

[chocoley] ayon kay ...

MATH? yay, ayoko ko talaga ng sub na yan, ewan... buti na lang nalampasan ko na yan, lol.

sakit sa ulo.

Bienthoughts [a.ride.to.life] ayon kay ...

hay nku, ANAK NG KULANING MATH YAN! sino ba kasi nag-imbento nyan???????? I hate math din, as in, snusumpa ko yang subject na yan! at yan, yang math na yan ang subj ko na may pinakamamabang grade. nasusuka ako sa math. hayst. kaya nga ako, kumuha din ako ng course na malayo sa mga numero...

...Banking and Finance. ;-) *tawa

-Bienthoughts

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ako bagsak sa math pero wa akong paki kasi ngayon naman si kengkoy lang nagbibilang ako bigay lang ng bigay, waheee

GODDESS ayon kay ...

tambling ako ng bongga bongga! at nasali pa si descartes! hahaa!!

panalo!

Unknown ayon kay ...

math. nakup!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

--

hakhak

letsugas na math nga talaga yan!

hakhak

elyens

XXXxx

UtakMunggo ayon kay ...

67 ako sa math nung greyd payb. hahaha

pano nasa CR ako tuwing math period.. nagda-diarrhea kasi ako pag math period.

sino si rene descartes? isa ba siyang magbabalooot? haha

:D

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ako sali ako! hehehe Naku laki ng takot ko sa kahit anong math related na subjects na yan! Lalo pa pag ang prof mo yung pinakanakakainis na tao sa buong mundooo!!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ahahahaha.... naloka ako sa grupo mo, kaso 2 members lang, hahaha...

in fairness, i love math, pambato rin naman ako ng skul namin, siguro, wala lang talaga silang choice, hahahah...

Wild Ice ayon kay ...

Kapag nakakabasa ako o nakakarinig ng mga solutions, seryoso, NAGSASARA UTAK KO..
Kaya kung gusto niyo na akong barilin, sabihin niyo lang ang isang formula sa Trigo tapos makikita niyo maari nang pumasok ang langaw sa aking bunganga tapos kalibitin niyo na (ang katabi niyo sa higaan--hehehe) ang gatilyo ng baril (tama ba yung salita???)

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

salamat sa pagdalaw sa blog ko. hanesly, nagtu-tutor pa rin ako ng trigo ngayon kahit na seminarista na ako. hehehe... pero kasumpa-sumpa pa rin si rene descartes dahil sinira ang deskarte ko sa philo subject namin. hirap intindihin nya, meyn...

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

hay naku ang mahalaga lang sa mundo eh marunong kang mag add multiply subtract at divide...

basic lang!

ang akin lang masasabi, napakagandang basahin ng blog mo... isasama na kita sa blogroll ko?

nakakagaan ng araw ang iyong mga sulat... in short, ASTIG ka!