supermoon daw kagabi. kaya pala lunatic ako. joke. umulan naman kasi so malabo ang chance na makita ko yang supermoon na yan by any chance.
nagkulong lang naman ako kahapon, actually inayos ko yong mga pics ko sa coron escapades ko. tapos in-upload. di na nga ako nakapaglaba, pina-laundry ko na lang yong ibang damit ko sa suki kong laundry shop. makulimlim so malabo ding matuyo.
iniisip ko kahapon kung anong magiging luto nung dala kong lobster mula sa palawan. kung gagataan ko ba or steam na lang. ayun, hangang sa ngayon nasa ref pa rin, wala pa ring desisyon kung anong magiging luto. good luck.
lunes ngayon, maaga akong gumising kasi maaga din ang pasok ko. dapat by 6 o'clock nasa office na ako. pag ganitong monday konti lang ang transactions namin, sunday kasi sa new york so konti lang yong nagpapadala. so what i do nakikinig na lang ako sa monster radio.
as of now, makulimlim pa rin ang kalangitan. ang aga namang natapos ang summer 2012. ang gloomy ng sky. sana maya-maya lang sumikat na si haring araw. sana. :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento