gayunpaman naniniwala akong hindi kawalan ng isang blog ang walang blog title. #sabi.
Sabado, Mayo 5, 2012
my coron adventure part 1
halos limang araw din akong nawala sa kabihasnan. pumunta ako ng coron palawan. wala lang, naglustay lang ako ng pera...joke. seriously ang ganda ganda ng lugar. taga dun kasi nanay ko, bale mother's side taga palawan sila. so wala na akong problema sa lodging ko, actually libre din yong pagsundo sa akin mula sa airport. sinundo ako ng tito ko gamit ang motor.pakingshet ang ganda ng lugar, tanaw na tanaw ko ang bundok sa kaliwa tapos sa kanan naman isang napakalaking stretch ng seashore.
sa busuanga ang tungo ko, doon ako tutuloy. nasa isang oras din naming binaybay ang daan. masakit sa pwet pero okey lang kasi enjoy na enjoy ko ang view.
bundok sa kanan, dagat sa kaliwa. ganun ang scene, parang sa pelikula lang.
nakarating kami ng brgy bintuan halos mag-aalas sais na ng gabi. good thing may kuryente ang baranggay kahit liblib sila. tiningnan ko ang gps ng phone ko, takte halos 60 miles din pala ang biniyahe namin mula sa airport. anlayoooo.
agad akong sinalubong ng mga pinsan ko. pagkatapos magkamustahan at magkabigayan ng salubong, ayun picture taking na. sayang di ko dala yong tripod ko.
pagkatapos ng picture taking sa tapat ng bahay naisipan naming pumunta ng aplaya. doon pinagpatuloy ang picture taking.
after ng kwentuhan, naghanda kami na ng hapunan... at ang sosyal ko lang, umuulan ng seafoods ang ulam. sarap.
after kumain, ugali na ng mga pinoy ang magkwentuhan. so ano pa nga ba? nagkwentuhan kami hangang sa mamatay na ang ilaw. 'nga pala yong kuryente pala ay nagsisindi mula alas sais ng hapon hangang alas diyes ng gabi. okey na rin.
(to be continued)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento