Linggo, Mayo 13, 2012

nang minsan pa'y umulan ng malakas sa gabi ng mother's day


kasalukuyang umuulan ng malakas ngayon. nagising na lang ako sa patak ng ulan sa bubong, malakas.

akala ko kung ano nang kalamidad ang nangyayari, ulan lang pala. mabuti na ri siguro yon mahalumigmig sa gabi ng muling pagtulog ko.

hindi lang kasi ang tunog ng ulan ang gumising sa akin. sa tingin ko maging ang lakas ng garalgal ng kanina pa'y nagugutom na tyan.

mothers day ngayon. ilang ina ba ang kilala ko sa buong buhay ko. marami sila. napadalahan ko na ng text kanina pa ang nanay bago ko ilapat ang aking katawan sa kama.

nagkaroon kasi kami ng nightswimming kagabi sa antipolo, at di ko maikakailang napuyat ako. mabalik tayo, marami nga akong kilalang nanay. si ganito, si ganyan, si ito, si yan...lahat sila nanay na.
hindi bakas sa akin ang sipag para mabati sila ng isa-isa. kundi nanalangin na lang ako sa Itaas nawa'y maging masaya sila sa araw na to at umokey sa lahat ng bagay.

“A human body can bear only 45 del (unit) of pain. But at the time of giving birth , a mother feels up to 57 del of pain. This is similar to 20 bones getting fractured, all at the same time.” -Anon
HAPPY MOTHER'S DAY.

Walang komento: