Sabado, Mayo 12, 2012

Psssst... Taxi!

masakit na ang mata ko nun kasi maghapong nakatutok ang mata ko sa computer, sinamahan pa ng overtime. alam ko pasado alas onse na ng gabi ng lisanin ko ang opisina. dumaan muna ako sa bancheto para bumili ng pagkain.

minabuti ko na lang na sumakay ng taxi, bihira na din kasi ang fx ng ganung oras papuntang pasig. buti na lang at wala pang limang minutong paghihintay e nakasakay na agad ako. di kilala ang taxi na nasakyan ko. at swerte kong napakalinis sa loob ng taxi. amoy malinis. amoy mabango. yon ang unang napansin ko nung paglapat pa lang ng pwet ko sa upuan. malinis. comfortable.

madalas kasi akong nakakasay ng mga taxi kung hindi sadyang mabahao e nag-aagaw ang baho at bango mula sa air refreshener. nakakahilo yong ganun.

nagsalita ako, ang linis linis naman ng taxi mo kuya. sa inyo po ba ito? napangiti sya at nagkwentong namamasada lang daw sya ngunit kung ituring nya ang taxi na yon e parang kanya, in terms of pag-aalaga. ganun ang concern nya sa sasakyang bumubuhay sa pamilya nya. at nagkwento pa si manong na hindi lang daw ako ang unang nakapuna sa taxi na pinapasada nya. madami pa.

nakwento pa nyang nagkaroon daw sya ng pasaherong nagmamaktol at nagsusumbong sa kanya dahil ang baho ng taxi nasakyan nila buti na lang at nakita si manong at pinara. halos daw masuka suka yong ale at yong anak niya.

naisip ko, kahit pala taxi driver ang trabaho mo na minamata pa ng ilan, pupuwede mo pa rin talagang ibigay ang puso mo sa trabahong yon. yong hindi lang dahil sa kumikita ka kundi dahil sa good steward ka ng serbisyong ipinagkaloob sa yo. humanga tuloy ako kay manong. ramdam mo kasi yong pagmamahal nya sa trabaho nya, na handa syang maglaan ng mas kinakaukulang serbisyo sa customer o pasahero nya.

para sa taxi na PAUL MARVIN PANGANIBAN MPL TAXI  ng blk 9 lot 7 Snt Joseph St. Sto Nino Villa Alabang, Muntinlupa. saludo ako sa taxi may plate number TYX995.





Walang komento: